Matapos kong manligo ay muli akong lumabas ng kwarto na para putahan si Douglas. Isang summer dress na above the knee ang suot ko ngayon. Para tuloy gusto kong umuwi at kurutin ang mayordoma namin dahil sa pinaglalagay na damit sa maleta ko. Kaya pala pumasok iyon sa kwarto ko kaninang umaga, kinuntsaba pala ito ni Douglas na ipaghanda ako ng mga damit.
Nalaman ko din na kaya busy nitong nakaraang tatlong araw si Douglas ay dahil sa inaasikaso niya ang pagpunta namin dito sa kanilang private resort. As in namin, ibig sabihin hindi lang kaming dalawa. Kasama namin dito ang Arsena at Hernandez sisters. Si Dretti, Deejei, Sydney at sina Mrichiko at Jocye ay naririto rin.
Kaya nalaman ko na nadito sila ay dahil kinantiyawan nila kami ni Douglas ng maabutan na magkayakap sa labas kanina. Panay ang tudyo ng mga ito, lalo na ang kambal na kulang na lang ay mangisay sa kilig. Si Monette naman ay di maipinta ang mukha na kala mo'y diring diri sa pangyayari.
Napatigil ako sa paglalakad ng makita ang nakatalikod na bulto ni Douglas sa di kalayuan. Nakatayo ito at nakapamulsa habang matiim na nakatingin sa papalubog na araw.
Napangiti ako ng mapansin na nililipad ng hangin ang medyo may kahabaang buhok nito. Dahan-dahan ang mga yabag na lumapit ako sa kinaroroonan ni Douglas. Nang tuluyang makalapit ay agad kong pinulupot ang kamay sa kanyang bewang. I hugged him from the back.
Ramdam kong natigilan siya at akmang tatanggalin ang pagkakayakap ko ng umalma ako.
"Don't. Let's stay like this for a while." Sabi ko at sinubsob ang mukha sa lanyang likuran. Napangiti ako ng malakas itong bumuntong-hininga. Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap saka kinagat siya sa likod dahilan para mapapiksi ito at mapadaing sa sakit.
Narinig ko pa ang marahang pagmumura nito na ikinahalakhak ko. Nang akmang aalisin nito ang braso ko na nakapulupot sa kanha ay mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap.
"Francesca." May pagbabanta sa boses nito.
"What?" Natatawa kong tanong at bumitaw sa kanya saka pumunta sa tagiliran nito. Iniakbay ko ang isa niyang braso sa balikat ko at muling ipinulupot ang aking mga braso sa kanya. Bahagya kong inihilig ang ulo sa kanyang dibdib.
Mas lumawak ang ngiti ko ng maramdaman na niyakap niya na din ako at marahang hinalikan ako sa may buhok.
"Akala ko kanina itatanan mo na ako."
Natigilan ito at kalaunan ay mas hinigpitan ang pagkakayakap sakin. Naramdaman ko na ang ang bahagyang pag-alog ng mga balikat nito. Akala ko kung ano ang nangyayari sa kanya kaya bahagya akong humilay.
Napangiwi ako dahil namumula ang mukha nito sa kakapigil ng tawa.
"Sige na, itawa mo na yan. Nahiya ka pa sakin."
Matapos kong sabihin iyon ay agad itong humagalpak ito ng tawa. Napailing na lang ako at binaling ang tingin sa maalong dagat.
"Damn! I really love you, Francesca." He hugged me from the back. I rolled my eyes pero di maikakala noon ang ngiting naglalaro sa aking labi. Kahit ilang beses ko na iyong narinig sa kanya ay pakiramdam ko unang beses pa rin iyon. It makes me blushed over and over again.
"What made you think na itatanan kita?" Aniya kalaunan at muling tumawa. Hinampas ko naman ang braso niya. Pang-asar talaga ang isang ito.
"Turukan ba naman ako ng pampatulog ng gwapo kong boyfriend. Sinong girlfriend ang hindi mag-iisip na baka itatanan ako?"
Humigpit ang yakap niya sakin.
"Eh paano kung itinanan nga kita, papayag ka ba?"
Napangiti ako sa tanong niya.

BINABASA MO ANG
You Love Me Not [COMPLETED]
Roman pour Adolescents"Yes, you love me. You love me... not." -Danica Francesca Clarkson