Chapter 19

35 3 0
                                    

"Mahal kita. Mahal kita, Syd."

Ngumiti si Sydney sa narinig ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata na may halong lungkot at saya. Hindi ko alam kung paano niya napagsabay na maipakita sakin ang ganoong emosyon.

He caressed my face.

"Napakasarap sa pakiramdam na muling marinig ang mga salitang iyan na manggaling sayo, Cheska." Aniya na ikanakunot ng noo ko.

Parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko ng may luhang lunandas sa mukha ni Sydney. He crying! He cried for me. This guy cried for me that makes my heartbreak so much. Agad ko iyong pinalis sa mukha niya.

Nakagat ko ang labi para pigilan ang pag-hikbi. Masakit pala ang maging masaya. Masaya ako dahil nasabi ko na ang salitang iyon kay Sydney ngunit nasasaktan ako.

Napatingala si Sydney at mahinang tumawa kahit patuloy sa pagtulo ang mga luha nito.

"Ang sakit pala." Aniya na ikinahikbi ko pa lalo.

"Mahal kita."

Binalik niya ang tingin sakin.

"Pero mas mahal mo siya, diba?"

Doon ako napahagulhol. Mas masakit pala na marinig ang katotohanang iyon sa kanya. Halos hindi ako nakahinga sa sakit na nararamdaman.

"I'm sorry. I'm so sorry, Syd."

"Shh. It's okay." Aniya at niyakap ako.

"No it's not." Umiling-iling pa ako. Habang yakap-yakap niya ako at inaalo ay paulit-ulit kong sinabi ang salitang sorry.

Nanatili kaming ganoon hanggang sa kumalma ako. Magkatabi na kaming nakahiga at nakatingin sa mga bituin sa langit.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko na hindi inaalis ang tingin sa taas.

"I just know." Aniya sa mahinang boses. I know that his in pain right now. Nagpakawala naman ako ng buntong hininga.

"Sorry."

"Stop saying sorry."

Humiga ako patagilid, paharap sa kanya. Di kalaunan ay ginaya niya ang ginawa ko.

"Kahit alam kong dehado ako sa laban ay sinubukan ko pa rin dahil nagbabakasakali ako ng mabago ko ang nararamdaman mo at ako ang piliin mo." Weak smile plastered on his lips. I caressed his face, dahil baka ito na ang huling beses na magawa ko iyon.

"Can I still love you, Cheska?"

Bahagya akong natigilan sa narinig.

"Lalo mo lang sasaktan ang sarili mo pag nagkataon, Syd."

"Sa lahat ng sakit na naramdaman ko, I'm now immune to the pain."

"Syd..."

"Let me love you from a far, Cheska. Iyon lang ang hinihingi ko sayo."

Hindi ko siya sinagot bagkus lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa noo.

"Hindi man ikaw ang napili ko, Syd. Pero mananatili ka sa puso ko kahit anong mangyari." Tiningnan ko siya sa mga mata.

"Nakatatak ka na dito." Dugtong ko pa saka itinuro ang dibdib na kinalalagyan ng puso ko. Bahagya akong nakahinga ng maluwag ng sumilay ang ngiti sa labi ni Sydney.

"GOODNIGHT, beautiful." Anito at hinalikan ako sa noo. Agad akong napangiti at iniyakap sa kanya ang aking mga braso.

"Goodnight, handsome." Tiningala ko siya. Mas lalo akong napangiti nang yakapin niya ako pabalik.

You Love Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon