EPILOGUE

176 6 19
                                    

Danica Francesca,

     Sigurado ako na habang binabasa mo ito ngayon ay masaya ka na. Masaya sa piling niya, tama di ba? I'm very sure of that. Sabi ko kay Dretti na ibigay sayo itong sulat ko kapag okay ka na, para mabasa mo talaga. Baka kasi kapag binigay sa'yo ito nung galit ka pa sa akin, sa amin ay hindi mo ito basahin at baka punitin mo lang.
    
     Alam ko na masakit, napakasakit ng ginawa ko. To think na sariling kadugo pa kita, na kapatid kita at nagawan kita ng masama, nasaktan kita ng sobra. Pero masisisi mo ba ako? Nagmahal lang din naman ako, Francesca. Isa lang din ako sa mga babaeng may marurupok ang damdamin at handang gawin ang lahat maging masaya lang ulit kahit pa may maapakan kaming mga tao.

     I was so hurt and down when I have to choose between my dream and Douglas, the man I love. Kung pwede lang sana na hindi mamimili, but no, I have to choose only one. Only one, Francesca. Alam mo ba kung gaano kahirap iyon? Na itaboy siya ng paulit-ulit, kahit mahal na mahal ko siya. Umalis ako, iniwan ko siya. Pero sa puso ko umaasa ako na sana, sana may balikan pa ako. At sa muling pagbabalik ko, alam mo ba kung gaano kasakit na makita siya na masaya sa iba? At sa kapatid ko pa talaga? Pakiramdam ko ay pinapatay ako ng dahan-dahan at paulit-ulit. Binalak ko na bawiin siya, tinulungan ako ni Dretti. Mas lalong tumaas ang kumpiyansa ko sa sarili noong nalaman ko na ginagamit ka lang niya to get even. Umasa ako na baka kaya niya iyon ginagawa ay dahil mahal niya pa rin ako.

     But, I was wrong. Habang hawak ko ang kamay niya, sa tuwing kayakap ko siya, at kapag kasama ko siya hindi na katulad ng dati. Marami na talagang nagbago, at isa na doon ang feelings niya sakin. May pumalit na talaga sa pwesto ko sa puso niya, at ikaw iyon. Lalo na noong naaksidente ka, halos hindi siya makausap sa labis na pag-aalala sayo. Sa loob ng isang linggo na wala kang malay sa ospital ay hindi siya humiwalay sa'yo. Pero nang magising ka at alam kong nakakaalala ka na ay muli kong pinlano na mapasakin si Douglas kahit alam kong malabo na iyong mangyari.

You Love Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon