Chapter 12

60 3 0
                                    

Matiwasay akong nakauwi pero sandamakmak na sermon ang natanggap ko kay Deejei. Ganito, ganiyan. At dahil mabait akong bata ay pinapasok ko ito sa isang tainga at agad ding pinalabas sa kabila.

Mabuti na lang at sembreak kahit papaano ay makakapaghinga ako sa school works. I was peacefully sleeping in our music room when I heard voices, shouting.

Papungas-pungas akong bumangon at kusot-kusot ang mata habang inaaninag ang taong nagsisigawan. Nang makitang ang kambal lang pala ay muli akong nahiga sa couch paharap sa kanila at niyakap ang gitara.

"Ikaw ang sumagot." Sabay abot ng cellphone kay Melissa.

"Ikaw na, mas matanda ka sakin ng limang minuto." Aniya ni Melissa sabay tapik sa kamay ng kakambal.

"Yun na nga ang point. Mas nakakatanda ako kaya, ikaw na ang sumagot. Matuto kang sumunod sa matanda." Sagot naman ni Meriem sa kakambal at muling iniabot ang cellphone.

"Ayoko!"

"Sagutin mo!"

Mariin akong napapikit dahil naririndi na ako sa sigawan nila. Mabuti sana kung hindi matinis ang kanilang boses.

"Wag niyo na lang sagutin, para walang problema." Sabay silang napatingin sakin. Nagkatinginan ang mga ito.

"Nasa dulo na iyon ng dila ko e." Aniya ni Melissa.

"Bakit di ko naisip iyon?" Segunda ni Meriem at itinago ang cellphone.

'Psh. Crazy.'

Muli akong pumikit para bumalik sana sa pagtulog pero agad kong naramdaman ang malakas na pag alog ng balikat ko.

"Ateng, tama na ang tulog. May lakad tayo." Aniya ni Melissa na tuloy pa rin sa pag alog ng balikat ko. Inis long iminulat ang mata at padabog na naupo.

"Kayo na lang, tinatamad ako." Nakanguso kong saad.

"Di pwede, Nicanor. Tita Jen, invited us for lunch. Kaya bawal tumanggi." Aniya ni Meriem na busy sa pagkalikot ng cellphone. Napabuntong hininga ako. I have no choice. Tita Jen is the owner of J.A. Tamad akong tumayo at marahan inilapag ang gitara sa mismong lagayan nito.

Binilisan ko ang pagkilos dahil nakakahiya naman na malate sa pupuntahan. White v-neck shirt and fitted jeans ang suot ko at rubber shoes sa pang-paa, ito ang pinili kong suotin. This kind of outfit is comfortable.

"Let's go?" Tanong ko sa kambal na nakaupo sa sala. Sabay pa ang mga ito na napalingon at agad na tiningnan ang kabuuan ko. Napataas naman ang kilay ko.

"Ganda mo, ateng." Aniya ni Melissa na lumapit sakin at hinawakan ang buhok ko.

"Oo nga, Nicanor." Gaya ni Meriem sa kakambal.

"Anong sekrito mo, ateng? Share naman diyan." Bulong ni Melissa dahilan para mapapitlag ako sa gulat.

"Huwag mong i-share sa kanya. Sakin mo lang sabihin, Nicanor." Gatong naman ni Meriem. I rolled my eyes. I'm not in the mood to argue kaya nauna na akong lumabas at sumakay na sa sasakyan ng kambal.

On our way to Hernandez residence ay tahimik lang kami kaya naman muli ay di ko namalayan na nakatulog na naman ako. I just felt so tired.

Napaupo ako ng ayos ng marinig ang pabalyang pagbukas ng pinto ng kotse. Nakasimangot kong tiningnan kung sino man ang gumawa nun. Napatingin ako sa unahan at wala na doon ang kambal.

"Iyon lang pala ang makakapagpagising sayo, sleeping beauty." Asar na wika ni Douglas. Muli akong bumalik sa pagkakasandal at pinikit ang mata. Bakit kaya nandito rin ang isang ito?

You Love Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon