Pre-final is done! Stress days is done! Gusto kong magtatalon o di kaya ay gumulong sa tuwa. Nandito pa ako sa classroom kasama ko ang kambal na hindi ata masaya na natapos na ang exam.
"I need air." Aniya ni Meriem sabay paypay sa sarili. Pinigilan ko ang tawa ng makitang hinipan ni Melissa ang mukha ng kakambal.
"Ayan air. Okay na, twinie?"
"Pwe! Ang baho!"
"FYI. Mabango ang hininga ko. Kasing bango ko, amuyin mo pa."
"Namo."
"Labyotu."
Nailing na lang ako sa inasta ng kambal. Kanina pa sila ganyan. At nagrereklamo dahil tingin daw nila ay bagsak sila sa lahat ng subjects.
"Nicanor, sleepover?" Kulbit sakin ni Meriem.
"Ateng, overnight?" Kulbit din ni Melissa. Nagkatinginan ang kambal at pareho ng masama ang tingin sa isa't isa. Here we go again.
"Sleepover iyon."
"Duh! Overnight kaya."
"Sleepover."
"Overnight."
Napatampal ako sa noo sa nasasaksihan kaya kinuha ko ang bag at nagsimula ng lumabas ng room at hinayaan magtalo ang dalawa kug ano ba talaga ang tawag sa gagawin nila sa bahay. Dumiretso ako sa locker at gaya ng inaasahan ay may rose ulit at sticky notes doon. Agad akong napangiti at agad binasa ang nilalaman.
"You are the sun in my day, the wind in my sky, the waves in my ocean, and the beat in my heart."
Agad kong naramdaman ang pabilis ng tibok ng puso ko. And until now, I still didn't know who's sending this. Tamang hinala lang ako. Binuksan ko ang locker at nakita ko na halos mapuno na iyon ng rose na nanuyo na pero hindi ko tinatapon, I want it there. Kinuha ko ang notebook na kumapal na ang cover sa sobrang daming sticky notes na nakadikit. Nakangiti kong sinarado ang locker.
Muli akong naglakad at hindi pa nakakalayo ay agad akong napatigil dahil nakita ko sa di ko kalayuan si Douglas na nalapamulsa habang seryosong nakatitig sakin. Muling nanumbalik sakin ang nangyari nung isang araw. Agad akong napatungo at napahugot ng isang malalim na hininga. Labag man sa kalooban ay tumalikod ako at naglakad papalayo. Mapapalayo ako nito dahil madami akong iikutan bago makarating sa parking lot pero okay lang, maiwasan ko lang si Douglas.
Nang makaliko sa isang building ay agad akong napasandal sa dingding at napahawak sa dibdib ko na halos lumabas na ang puso ko dahil sa lakas ng tibok nito.
"Hindi niya ako sinundan." Hindi ko maiwasang manlumo. Mariin akong napapikit. Bahagya akong napapitlag ng maramdang may tumabi sakin. Agad akong napamulat at tiningnan kung sino iyon.
"The more you ignore, the more it will grow." Makahulugang sabi ni Dretti. Ngayon ko na lang ulit ang nakita ang isang ito. Napaayos ako ng tayo at ngumiti sa kanya.
"Hey, Dretii." Bati ko sa kanya.
"Wazzup, Nics?"
"Para kang kabute. Basta na lang sumusulpot." Napanguso naman ito sa narinig.
"Masyado akong gwapo para maging kabute." Aniya at nag-pogi sign pa. Napatawa naman ako sa inasta ng kaharap. Nagsimula na ulit akong maglakad at sumabay naman ito.
"Saan ang punta mo?"
"Parking lot."
"Eh, bakit dito ka dumaan?" Napatigil pa ito kaya naman tumigil din ako.
BINABASA MO ANG
You Love Me Not [COMPLETED]
Teen Fiction"Yes, you love me. You love me... not." -Danica Francesca Clarkson