Third day with Sydney.
Maaga akong binulabog ng mga katok sa pintuan. Padabog akong bumangon at nakapikit na tinungo ang pinto.
Wala sa sariling pinihit ko ang doorknob at papungas-pungas ang matang tiningnan ang walang modo na bumulabog sakin.
"Beautiful as ever." Nakangiting Sydney ang bumungad sakin. Nakapamulsa ito at kita ko sa kanyang mga mata ang aliw. Napakurap ako ng ilang beses at nung tuluyan na magising ang diwa ay agad na namilog ang mata ko at nagmamadaling isinarado ang pinto. Narinig ko pa ang malakas na pagtawa sa labas ni Sydney.
Paulit-ulit kong kinutusan ang sarili dahil sa kahihiyan. Agad akong nagtungo sa salamin para tingnan ang sarili na ikinalumo ko pa lalo.
Sabog at magulo ang mahaba kong buhok. At nakasuot ako ng spongebob pajama. Napanguso ako. Para akong bata.
'Nakakahiya! Kill me now.'
Bahagya akong napatalon sa gulat ng muling may kumatok sa pinto.
"Cheska? I'll give you three minutes to comb your hair. Okay?" Mariin akong napapikit sa sinabi ni Sydney. Alam kong may naglalarong ngiti sa kanyang labi habang sinasabi iyon.
Wala akong sinayang na oras, dagli akong tumakbo sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Lalo na't alam ko na three minutes lang talaga ang ibibigay ni Sydney sakin, he's so time conscious.
Magsusuklay pa sana ako nang matinig ang muling pagkatatok ni Sydney.
"Time up, beautiful."
I rolled my eyes.
Bagsak ang mga balikat na tinungo ko ang pintuan. Matalim kong tiningnan si Sydney nang mabuksan ko abg pinto at tanging ngiti lang ang iginanti niya sakin.
Namilog ang mata ko ng hawakan niya ang aking kamay at hinila palabas ng kwarto. Siya na mismo ang nagsarado ng pinto at pumwesto sa likod ko.
Napapitlag pa ako ng maramdaman ang kamay niya sa buhok ko. He's combing my hair using his fingers!
Napalunok ako at agad na naramdaman ang pagwawala ng kung anong insekto sa aking tiyan. At wala sa sariling napahawak ako sa dibdib. Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa lakas ng tibok nito.
Paulit-ulit akong napapalunok sa tuwing dadantay ang kamay ni Sydney sa buhok ko at napakagat ako sa labi para pigilan ang ngiting kanina pa gusto kumawala ng marandaman na tinitirintas niya ang aking buhok.
Nanatili kami sa ganung pwesto hanggang sa matapos siya. Saan naman kaya kumuha ng ipit ang isang ito?
"Done." Aniya at inilagay ang tinirintas kong buhok sa isang side ng balikat ko.
"Where did you learn that?" Nakangiti kong tanong ng nasa harap ko na siya.
"Youtube." Kibit balikat nitong sagot. Napailing naman ako at sabay pa kaming natawa.
Lalong lumawak ang aking pagkakangiti ng ilahad niya ang kamay.
"Run away with me."
Napakagat ako sa labi at hindi nagdalawang isip na tanggapin ang kamay niya.
"Okay. Let's run away together." Sabi ko at hinigpitan ang pagkakawak sa kamay niya. Kitang-kita ko ang halo-halong emosyon na bumalatay sa mata ni Sydney.
Nang makalabas na kami ng bahay ay nangunot ang noo ko ng makita ang dalawang bike na nasa harapan namin.
Nakataas ang kilay na binalingan ko si Sydney. At sa halip na sumagot ay hinalikan niya ako sa noo.

BINABASA MO ANG
You Love Me Not [COMPLETED]
Novela Juvenil"Yes, you love me. You love me... not." -Danica Francesca Clarkson