Chapter 11

70 2 0
                                    

"Can I have this dance, beautiful?" Napatingin ako sa gilid ko at pilit na inaninag kung sino ang nagsalita.

"Hi, Dretti! Come again?" Nang mapagsino ko ito.

"Let's dance." Aniya at hinila na ako sa dancw floor dahilan para lalo akong nakaramdam ng hilo. Halos nakayakap na ako kay Dretti dahil sa hilo habang nagsasayaw. At gaya ng nakagawian ay puro kalukuhan na naman ang napag-usapan kaya tawa ako ng tawa. Hindi nagtagal ay may umagaw na sakin kay Dretti. Napangiti ako ng makitang si Sydney iyon.

"Batman!" Yeah, he's batman. Agad akong lumundag payakap sa kanya, natawa naman siya sa inasta ko at agad ipinulupot ang bisig sa bewang ko. He's hugging me.

"I'm your batman and I'll be your batman in every second, in every minute, and in every hour of your every day, baby." Napapikit ako sa narinig. Parang musika iyon sa pandinig ko. Isinandal ko ang ulo sa kanyang dibdib at napangiti ako ng marinig ang malakas na tibok ng kanyang puso, sumasabay sa lakas ng tibok ng puso ko. Nagtagal kami sa gitna ng ganun ang posisyon. Nang biglang naging rock na ang tugtug ay nagpasya na kami ni Sydney na bumalik sa upuan.

"Akala ko, Nicanor doon na kayo titira ni Sydney sa dance floor." Agad na bungad ni Meriem pagkabalik namin.

"Oo nga, ateng. Maygad, nakalimang kanta kayo! Kung hindi pa napalitan iyon ng rock ay hindi kayo babalik dito." Segunda naman ni Melissa.

"Ang sabihin niyo ay naiinggit kayo sakin kasi dalawang nagagwapuhang lalaki ang nagsayaw sakin." Nakanguso kong saad at padabog na umupo. Hindi ko pinansin ang matalim na titig ni Douglas. Bahala ka diyan mamatay sa kakatitig. Peste! Nangalumbaba ako paharap kay Sydney at napapikit. Nahihilo pa rin ako. Sydney do the same. Mapungay ang mga matang tinitigan ko siya.

"Why so pogi, Syd?"

He chuckled. Hinplos niya ang mukha ko at isinabit ang mga takas na buhok sa tainga ko.

"Coz you're beautiful?"

"Nah! Matagl ko alam iyon, wala na bang bago?" Muli siyang natawa at ginulo-gulo ang buhok. Naputol lang ang usapan namin ng mag-ring ang cellphone nito.

"I'll be back, okay?" Tumango lang ako at muling pumikit. I wanna lay down in my bed, hug my pillow and sleep.

"You're making me angry, Francesca." Agad akong nagmulat ng mata ng marinig ang malamig na boses ni Douglas. Kami na lang palang dalawa ang natira dito sa lamesa. Sumandal na ako sa upuan at pinagkrus ang kamay sa dibdib. I raised my eyebrow. Biglang nanumbalik ang inis na naramdaman.

"Good for you, then." Nagtiim bagang ito.

"Dou you remember our fucking deal?" Dumukwang ito sa lamesa. Mapakla akong tumawa, nang-aasar.

"Our deal? How come, wala namang tayo 'e." Gusto kong iuntog ang sarili ng mapagtanto ang sinasabi pero kailangan ko iyong panindigan.

Nang makita ko ang bahagyang pag-angat ng labi ni Douglas at unti-unting namuo ang ngiti ay agad kong naramdaman ang pananayo ng balahibo sa batok. Nanunuyo ang lalamunan ko. Me, and my fucking mouth.

"Damn. You're making me crazy, woman." Aniya at iniiwas ang tingin. Warm smile plastered on his lips.

Nagulat ako ng bigla itong tumayo at umikot papunta sakin at walang pakundangang hinila ang kamay ko. Hindi na ako nagreklamo, nagpatinuod na lang ako sa kanyang hila. Pero dahil sa mabilis siya maglakad ay muntikan na akong madapa, mabuti na lang at naagapan niya agad bago pa ako bumagsak.

"Next time, I won't let you drink alcohol. Damn!" Mura nito at naramdaman ko na lang na ang tiyan ko ay nakapatong na sa balikat niya. I am now facing his back. Napanguso ako para pigilan ang ngiti. Bakit kahit likod lang niya ang kita ko, ang sexy pa din? Nang magsimula itong maglakad ay lalo kong naramdaman ang hilo. Pakiramdam ko babaliktad ang sikmura ko. Habang naglalakad si Douglas sa may hagdan ay papikit-pikit ako.

You Love Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon