"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later."
Napabuga ako ng hangin sa inis. Iyan na lang ng iyan ang naririnig ko simula pa kanina. I'm contacting, Deejei for how many times pero ang operator lang ang sumasagot. Kanina pa ako dito sa parking lot. Nananakit na ang paa ko sa kakatayo dahil sa nakasandal lang ako sa kotse ni Deejei, napatingin ako sa relos na nasa kamay. Gusto ko na talagang makauwi. Umihip ang malakas na hangin. Wala sa sariling napayakap ako sa sarili. Hindi maganda ang panahon, kanina pa madilim ang langit.
Nabaling ang tingin ko sa di kalayuan. Nakita ko ang isang bulto ng tao, itim lahat ang suot nito. Nakajacket na may hood at naka-sunglasses. Nakatingin ito sa may direkasyon ko kaya di ko maiwasang kilabutan. Napalinga-linga ako nagbabakasakaling di naman talaga ako ang tinitingnan. Pero sa kasawiang palad ay ako lang ang naroroon. Napalunok ako at nakaramdam ng takot. Hindi kaya killer to? Kinilabutan ako sa naisip.
Nang ibalik ko ang tingin sa unahan ay wala na doon ang nakatayo. Kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Praning lang siguro ako. Pero agad din akong binalot ng takot ng maramdamang may nagtakip ng aking bibig at pilit akong binuhat. Sa takot ay ramdam ko ang paglandas ng luha ko. Gusto ko sumigaw, pero di ko magawa. Gusto ko kumawala, pero masyadong malakas ang may hawak sakin. Paulit-ulit akong nagpupumiglas pero walang silbi iyon dahil nanghihina na ako sa takot.
Agad akong pinasok sa isang van. Lalabas na sana ako pero agad din iyong naisarado. Nagsisigaw ako at paulit-ulit na hinampas ang pintuan ng sasakyan na para bang kaya ko iyong buksan ng ganun lang. Ramdam ko ang panginginig ng boses ko sa takot at hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman. Hindi kaya ito yung mga kinikidnap tapos ibebenta ang mga laman loob? Lalo akong napaiyak sa naisip. Katapusan ko na ba talaga?
Napatigil ang ng maramdamang may humawak sa balikat ko. Nanlalaki ang mga matang napalingon ako. Napasigaw ako at pilit na sumiksik sa pinto ng makitang prenteng nakaupo ang nakita ko kanina na balot na balot nang itim na suot.
"Milkshake?" Alok nito sa iniinom. Nanlaki ang mata ko ng marining ang malambing na tinig nito. At laglag ang panga ko ng tinanggal nito ang sunglasses at hood. One word to describe her, angel. Napakurap ako ng ilang beses at ramdam ko na din ang panunuyo ng luha sa pisngi ko.
"Who are you?" Di ko naipigilang itanong.
Don't tell me leader siya ng sindikato? Pero, imposible dahil sobrang amo ng mukha nito, na mismo lamok ata ay di kayang patayin. Pero may kasabihan nga, don't judge the book by it's cover. Baka sa kabila ng ganda niya ay masamang tao talaga siya.Napasiksik pa ako lalo ng ilahad nito ang kamay. Napanguso naman ito sa reaksyon ko.
"Mrichiko Abuel. Sydney's sister."
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Pilit kong inaalala kong may nabanggit ba si Sydney na may kapatid siya. Napaayos ako ng upo ng sumensyas ito na tanggapin ko ang kamay niya. Nag-alinlangan pa akong tanggapin iyon.
"Dani–"
"Danica Francesca Clarkson." Putol niya sakin.
"H-how did you know my name?"
"Ikaw palagi ang bukambibig ng kuya ko."
"Ha?"
"You heard me." Nag-indian sit ito paharap sakin. She's really beautiful. Ngayon ko napansin ang pagkakahig nila ni Sydney. Same eyes and lips.
"So, what's your relationship with my brother?" Napakurap naman ako sa tanong. What? Is this interrogation?
"Ahm... We're friends?"
"OMG!" Napahagikhik ito sa sagot ko. "You're not sure if you're friends with him. Level up na ba? Gosh!" Dugtong pa nito at pinaypayan ang sarili. Napakamot ako sa ulo sa nasaksihan. What a childish act!

BINABASA MO ANG
You Love Me Not [COMPLETED]
Teen Fiction"Yes, you love me. You love me... not." -Danica Francesca Clarkson