Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko dahil sa excitement at kaba habang naglalakad patungo sa bahay ng mga Booth. Bakit ba kasi ang laki-laki ng bahay ng mga ito? Napakalayo ng gate sa kinaroroonan ng bahay.
Napangiti ako ng makita ang bintana ng kwarto ni Douglas. Nasa harapan iyon ng kanilang malawak na hardin. It's already seven in the evening yet I'm here at Douglas crib planning something crazy to make him mine. This is so not me.
"Hija?" Agaw pansin sakin ni manang. Alanganin naman akong ngumiti dahil kanina pa pala ako nakatigil at tiinitigan ang bintana ni Douglas.
"Halika ka na. Pumasok na tayo at baka lamigin ka dito sa labas."
"Manang!" Pigil ko saka matamis na ngumiti. Nahihiyang itinuro ko ang bintana ni Douglas.
"Ahm... Kung hindi po ako nagkakamali ay bintana iyon ng kwarto ni Douglas, di ho ba?"
Agad akong napakagat sa labi at dagling naibaba ang kamay na nakataas at napatungo dahil sa kahihiyan na naramdaman ng makita ang pilyang ngiti sa labi ni manang.
"Oo, hija iyan nga ang kwarto ni Sir Douglas."
Napataas ako ng tingin at nahihiyang ngumiti. I know that I'm terribly blushing right now.
"Sige po, Manang." Malakas akong tumikhim. "Dito po muna ako sa labas." At mahigpit na napahawak sa strap ng gitara ko na nasa balikat.
Naiiling na ngumiti si Manang saka ako tinalikuran.
"Manang!" Tawag ko sa kaniya ng may maalala. Agad naman niya akong nilingon.
"May kailangan ka, hija?" Nandoon pa rin ang kaniyang pilyang ngiti sa labi.
"Patay ho ang ilaw sa kwarto ni Douglas. Ahm... Sigurado ho bang nandiyan siya?" Kagat labi kong tanong. Tumango-tango naman ito at mas lalong lumawak ang ngiti.
"Nitong nga nakaraang araw ay hindi lumalabas ng kwarto ang batang iyon. At alam nang lahat ng tao sa bahay na ito na nagmumukmok iyon at naglalasing."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Gulat na gulat at hindi makapaniwala.
"N-ag...naglalasing ho?"
"May problema ba kayong dalawa, hija?" Anito at hindi sinagot ang tanong ko. Umiling-iling ako at pilit na tumawa.
Natawa naman ito sa inasta ko.
"Sige na, hija. Gawin mo na ang dapat mong gawin at baka sipunin ka pag tumagal ka dito sa labas, napakalamig pa naman." Iyon lang at tinalikuran na ako ng kasambahay.
Malaki ang ngiti na inilibot ko ang tingin sa paligid. Napakagat ako sa labi para lalong pigilan ang pagngiti.
'So romantic. I am so romantic.'
Hindi ko na napigilan ang mapahagikhik. My God! This is really the Douglas syndrome. Agad akong pumunta sa tapat ng bintana ni Douglas. Paano kaya natitiis nito na walang ilaw sa kwarto? Malabampira ata ang asong iyon.
Ibinaba ko na ang gitara sa isa mga upuan na naroon. Nae-excite ako sa gagawin ko. Nabaling ang tingin ko sa oval shape na swimming pool na nasa likuran ko. Mas lalo itong gumanda tingnan dahil sa ilaw.
Muli kong binalik ang tingin sa madilim na bintana ni Douglas. Hindi na ako nag-aksaya ng oras ng oras at agad na inihanda ang mga kakailanganin ko. Inilabas ko ang lapel na binili ko pa talaga sa mall kanina. Baka kasi hindi ako marinig ni Douglas pag boses ko lang ang gagamitin ko. Mabuti na iyong naninigurado.
Malaki ang ngiti na naupo saka tiningala ang madilim na bintana ni Douglas. Muli akong tumayo ng may maisip na ideya. Agad kong hinubad ang rubber shoes na suot. Hindi ako nag-alinlangan na ibato ang isang pares sa nakasaradong bintana ni Douglas.
BINABASA MO ANG
You Love Me Not [COMPLETED]
Teen Fiction"Yes, you love me. You love me... not." -Danica Francesca Clarkson