Isang buwan. Isang buwan na ang nakalipas simula nung lumipat kami dito. At masasabi kong okay naman. Kahit papano ay naka-adjust na kami ni Deejei. Pero madalas pa rin akong mahome-sick sa US. Ewan ko lang kay Deejei, dahil sanay iyong malayo sa pamilya.
Bago lumabas ng kwarto ay muli kong tiningan ang sarili sa salamin. Napangiti ako. May mahaba akong buhok na may natural na kulot sa dulo. Kumuha ako ng ipit para maitali ito.
“Better.” Mahinang anas ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Di na ako nagulat nang makitang prenteng nakau-upo si Sydney sa sala. Nitong nakaraan ay siya ang kasabay ko. Hatid-sundo niya ako palagi. Dinaig niya pa ang bodyguard at driver ko. Hindi ko alam kung bakit wala akong naririnig na reklamo kay Deejei. Hindi ko din alam kung bakit nag-iba ang ihip ng hangin at hinahayaan niyang may mapalapit sakin na lalaki. Nang mapalingon ito sakin ay agad itong ngumiti at tumayo.
“Hello, beautiful.”
“Hi there, handsome.” Natatawa kong sagot sa kanya. Napailing naman ito pero di maalis ang ngiti sa labi. Madami kaming pagkakapareho kaya siguro magkasundo kaming dalawa kahit kakakilala pa lang namin. At isa pa hindi ako naiilang sa isang ito na para bang sanay ako sa presensya niya. Na para bang matagal na kaming magkakilala.
“Where’s your guitar?”
“Ah, wait. I forgot.” Akmang tatalikod na ako pero pinigilan niya ako sa braso.
“Iutos mo na lang.” Sa narinig ay binatukan ko siya. Napangiwi naman ito at natawa.
“Huwag mo akong igaya sayo na tamad. Kung kaya ko naman gawin ay hindi ko na kailangang ipag-utos pa.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Patakbong akong umakyat sa hagdan para kunin ang gitara sa kwarto. Kaya pala pakiramdam ko kanina ay parang may kulang. Nakapamulsa na si Sydney habang nakasandal sa pinto nung pagbalik ko. Napakagwapo talaga ng isang ito. Kaya marami ang nagkakandarapa ‘e.
“Tara na?” Yaya ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit lumalabas ang natural na ako kapag siya ang kasama ko. Hindi ako nahihiyang ipakita sa kanya ang pagka-isip bata na side ko. Katulad ng nakagawian ay puro tawanan at kwentuhan ang nangyari habang nasa biyahe kami papuntang J.A.
Pagpasok ay hayan na naman ang mapanuring tingin ng ibang estudyante. Lagi silang mapapatingin at saka magbubulungan sa tuwing kasama ko si Deejei o di kaya ay si Sydney. Hindi na ako nasanay-sanay sa kanila. Nagulat pa ako ng biglang hawakan ni Sydney ang kamay ko at hinila.
“Tara sa canteen, baby.” Malakas niyang sabi na ikinalaki ng mata ko at ng iba pang mga nakarinig sa kanya. Kahit di ko nakikita ang mukha niya ay alam kong malaki ang ngisi ng isang ito. Sa canteen kami pumunta at mas lalong lumakas ang ingay ng makita nila kaming magkahawak-kamay ni Sydney. Gusto ko ng kainin ako ng lupa dahil sa kahihiyan. Makakatikim talaga sakin ang isang ito.
Nang maka-upo kami sa sariling pwesto ay agad ko siyang binatukan at pinaghahampas.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, ha? Walanghiya ka talaga! Gusto mo ba akong ipahamak?” Patuloy pa rin ako sa ginagawa.
“Aray naman, baby. Nasasaktan ako.” Aniya at pilit sinasangga ang mga hampas ko. Mas lalo akong nainis dahil para bang enjoy na enjoy siya sa ginagawa.
“Isusumbong kita kay,Deejei.” Sabi ko at piningot siya sa tainga. Napasigaw naman ito sa sakit pero nagawa pa rin nitong tumawa.
“Pag hindi ka tumigil, hahalikan kita.” Saglit akong natigilan sa sinabi niya pero muli ko siyang pinaghahampas.
“Akala mo matatakot ako sa ganiyan. Luma na yang technique na yan! Mag-isip ka naman ng bago!” Sinabunutan ko naman siya. Pero laking gulat ko ng bigla siyang tumayo at dumukwang sa lamesa. Agad nanlaki ang mata ko at napatigil sa ginagawa. Pati ang maingay sa canteen ay biglang natahimik.

BINABASA MO ANG
You Love Me Not [COMPLETED]
Подростковая литература"Yes, you love me. You love me... not." -Danica Francesca Clarkson