Chapter 6

67 4 0
                                    

“And be my date.”

Iyon ang huli niyang sinabi at tumalikod na. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Huminga ako ng malalim. Paulit-ulit na para bang kinulang ako ng hangin sa baga. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili dahil umasa ako kanina na babatiin niya. Kakamustahin niya. Kasi nga boyfriend ko siya. Pero wala. Umasa ako sa wala.

At nung makita ko ang suot niya ay nakaramdam ako ng kunting saya sa puso pero pilit ko iyong binabalewala. I want to call it destiny but damn! Alam kong nagkataon lang iyon. Ano bang nangyayari sakin? This is not me. I am definitely crazy.

Bagsak ang mga balikat na bumaling ako sa kambal. Nagtaka pa ako ng makitang tulala ang mga ito at nanatili ang tingin sa nilakaran ni Douglas kanina. Pinitik ko ang kanilang mga noo. Sabay na napadaing ang mga ito.

“Tama ba ang narinig ko kanina, ateng? Niyaya ka ba talaga ni Douglas na maging date niya?” Di makapaniwalang tanong ni Melissa, bahagya pa nitong pinaypayan ang sarili. Nangunot ang noo ko.

“People change talaga. Akalain mo yun, ang isang James Douglas Booth ay nang-aya ng date? Maygad. You must be very lucky, Nicanor.” Inalog pa ni Meriem ang balikat ko. Agad ko naman iyong tinapik at sinamaan sila ng tingin.

“Pwede ba, tigilan niyo ako! Paki-explain naman sakin kung anong nangyayari. Dahil clueless ako. Clueless.” Pinagkadiin-diinan ko ang salitang iyon. The twins rolled their eyes.

“May Halloween party tayo, ateng.  At may only rule yun. You MUST have your date. At sa susunod para hindi ka maging clueless ay bumisita ka sa GC natin.” Hindi pa ako nakakasagot ay agad sumabat si Meriem.

“At kaya tayo nandito sa mall, Nicanor. We’re going to buy our costumes. Kahit sa isang lingo pa ang party ay mas mabuti ng makabili tayo agad para mas makapili tayo ng isusuot. Ayoko pa naman ng last minute shopping.”

“Whatever.” Iyon lang ang nasabi ko. Daming kaek-ekan na nalalaman ng party na yan. Nabaling ang tingin ko sa listahang hawak. Mas lalong bumagsak ang balikat ko dahil sobrang dami ng nakalista. Puro gamit pambabae dahilan para mapangiwi ako.

“Bakla ba si Douglas?” Habang iniisa-isa ang mga dapat bilhin. Hindi na ako nagreklamo kanina ng iabot ito sakin ang ASOngot na yun para di na humaba ang usapan. Dinig ko ang malakas na tawanan ng kambal.

“Paniguradong kay Joyce yan, Nicanor.”

“Joyce?”

“The only sister of your Douggie, ateng.” Agad kong sinamaan ng tingin si Melissa sa narinig.

“Shut up, ateng.”

“Yiee si Nicanor. Lumalablyp.” Si Meriem na tinusok-tusok pa ang tagiliran ko.

“Isa ka pa, Merlion. Shut up.”

Agad akong tumuloy sa department store para simulan ng bilhin ang nakalagay sa listahan. Ramdam ko din ang pagsunod ng kambal. Napangiti ako ng sumilip din sila sa listahan at tumulong sa paghahanap. I really love these girls. Kahit minsan ay nangungulila ako kay Thea, napupunan iyon ng dalwang baliw na ito.

Inabot kami ng isang oras bago natapos sa paghahanap ng mga items. Nung nasa counter na ay nagtalo pa kami kung sino ang magbabayad.

“Kayong dalawa ang magbayad dahil kotse niyo ang nakadali sa motor niya!” Nauubos ang pasensya na saad ko.

“Baka nakakalimutan mo, ateng ang sinabi ng Douglas mo kanina. I want, Francesca to do it for me.” Napabuga ako ng hangin at napatingala matapos marinig ang panggagayang ginawa ni Melissa sa sinabi ni Douglas kanina. Pahamak talaga ang asong iyon kahit kailan.

“Sige na, Nicanor bumunot ka na diyan. Madaming nakapila, oh.” Aniya naman ni Meriem kaya agad akong napalingon. Nanlulumong inilabas ko ang credit card ng makita kung gaano karami ang nakapila. Ngising tagumpay naman ang kambal. Hindi kami magkandaugaga sa pagdadala ng pinamili. Nangangalay ang mga braso bago kami makarating sa isang boutique. Different costumes for different occasions are displayed.

You Love Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon