Chapter 13

61 3 0
                                    

"Can I court you?"

Napatigalgal ako sa narinig at napabitaw sa shake na iniinom. Magaling na lang at nakaupo ako at sa lamesa iyon bumagsak. Agad na tinambol ng kakaibang kaba ang dibdib ko. Ngunit di ko maitatanggi na may kung anong kiliti doon na para bang gusto ko talaga ang narinig. Napakurap ako at matunog na napalunok. Alanganin akong ngumiti sa kaharap na matamis na nakangiti sakin.

"N-nice joke."

"Ouch." Aniya at hinawakan ang dibdib. "Do I look like I'm joking?" Dugtong pa nito at ngumuso.

"Bakit, hindi ba?" Muli akong napalunok ng umiling-iling ito. Napatawa ako at halatang pilit na pilit. Awkward.

"Syd, naman 'e."

"What?"

"Baka nabibigla ka lang, pag-isipan mo muna ng mabuti."

"Okay." Aniya at tumingin sa kisame ng ilang saglit na tila nag-iisip, binalik nito ang tingin sa'kin. "I'm gonna court you and that's final." Warm smile plastered on his lips.

Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung ano nakain ni Sydney at ganito umasta sa harapan ko. Naninibago ako!

"Tigilan mo ako, Abuel." Ani ko at pilit na sumeryoso kahit na ramdam ko na nagtatatalon ang puso ko sa tuwa at kaba.

"Na-ah. So, ano na? Liligawan kita o..." Pambibitin niya at dumukwang sa lamesa. "Liligawan mo ko?" Nginisihan niya ako. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Ito ang epekto sakin ni Sydney. Pinitik ko siya sa tainga dahilan para mapahalakhak ito. Napatingin samin ang ibang costumer kaya naman agad akong tumungo para itago ang mukha. Demmit, nakakahiya!

Naghiwalay kami ni Sydney ng wala ako sa sarili. Bigla itong tinawagan ni Mrichiko at may emergency daw. Kaya naman grabi ang paghingi ng paumanhin ng binata dahil hindi niya ako maihahatid pauwi.

Kanina pa ako dito sa may waiting shed sa may tapat ng cafe na pinuntahan namin ni Sydney. Muli akong napabuntong hininga, hindi ko na talaga maintindihan ang sarili. May parte sakin na gusto ko ang nangyayari. Pero nang maalala ko na may boyfriend ako ay agad akong nakaramdam ng matinding guilt para kay Douglas, lalo na't may kakaiba din akong nararamdaman sa asong iyon.

"What should I do?" Wala sa sariling wika ko at muling napabuntong hininga. Sa itsura ko ngayon ay para kong pasan ang mundo. Pinoproblema ang hindi naman dapat problemahin.

"Confused?"

"Anak ka ng..." Gulat akong napatingin sa gilid ko ng may biglang tumabi sakin. Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat.

"Wazzup, Nics!" Masiglang tugon ni Dretti at pinagkrus ang kamay nito bago sumandal sa upuan. Muli akong napabuntong hininga at ginaya ang ginawa ng katabi.

"Lalaki ba?"

"Ang?"

"Ang problema mo. Lalaki diba?"

Napanguso ako sa narinig at sumulyap sa katabi.

"H-hindi 'a." Tanggi ko. Matunog naman itong ngumisi.

"Hindi ka magaling magsinungaling, Nics."

"Yeah-yeah, whatever."

Sandaling katahimikan ang namagitan samin ni Dretti. Muli akong sumulyap sa kanya, kakaiba ang ngiti nito na para bang may kinaaliwang bagay o kung ano man na hindi ko mawari.

"Staring is rude." Aniya at nanatiling sa unahan ang paningin. Napanguso ako at binalik ang tingin sa harap.

"What are you doing here?" I asked.

You Love Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon