"Francesca."
Agad akong nanigas sa kinatatayuan ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ako makagalaw sa gulat. Gusto ko ituloy ang dapat na gagawin, at iyon ay ang buksan ang gate namin. Pero hindi ko magawa. Ni paghinga ay hindi ko magawa ng maayos.
It's been a week since I get back here at wala akong balita kay Douglas at kay ate. Pero ngayon nasa likuran ko siya. Natatakot akong lingunin siya dahil baka umiyak lang ako at mayakap siya. I missed him so damn much. Damn it!
"Francesca." Muling pagtawag nito.
Mariin akong napapikit at pilit na kinalma ang sarili bago nagpasya na harapin ang lalaking dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko ng makita ang itsura ni Douglas. Nanlalalim ang mga mata nito, at unti-unti ring sumisibol ang bigote sa maganda nitong mukha. He look so wasted. Nadako ang tingin ko sa kamay nitong may hawak na isang bote ng alak.
Gusto ko siyang lapitan para mahawakan at mayakap pero grabi ang pagpipigil na ginawa ko para hindi iyon magawa. Wala na akong karapatan na gawin iyon.
"You're back." Gumaralgal ang boses nito at napakurap ako ng makita ang isang takas na luha na lumabas sa mata nito.
Bakit? Bakit siya umiiyak? Dapat ay masaya siya ngayon kasi nagtagumpay siya sa kaniyang plano, plano na pasakitan ako gaya ng pagpasakit sa kaniya ni ate Lyka. Pero bakit umiiyak ito sa harapan ko ngayon.
Napaatras ako ng humakbang ito papalapit sakin. Nakita ko na natigilan ito dahilan para may tumulo uling luha sa kaniyang mga mata.
"Come back to me, Francesca. Hindi ko pala kaya." Anito at muling humakbang papalapit.
Napalunok ako at ramdam ko ang paghapdi ng mata ko dahil sa pagpipigil na huwag maiyak.
"Para may mapaglaruan ka ulit, Douglas?"
Napailing naman ito at muling humakbang papalapit.
"Come back to me, please." Pumiyok na ang boses nito.
"Lasing ka lang kaya nasasabi mo yan." Saad ko saka tumalikod na para mabuksan na ang gate. Ngunit agad din akong natigilan ng marinig ang sunod niyang sinabi.
"I love you. I love you, Francesca."
Doon na tuluyang bumagsak ang luha ko. Kung dati ay parang sasabog ang puso ko sa tuwa sa tuwing naririnig ang tatlong salitang iyon, pero iba na ngayon. Para akong pinapatay paulit-ulit na marinig ulit iyon. Gusto kong takpan ang mga tainga.
Muli akong humarap kay Douglas at tumawa ng walang kabuhay-buhay.
"Yes, you love me. You love me...not." Puno ng pait ang pagkakasabi ko noon habang may malungkot na ngiti sa labi.
Akamang tatalikod na ako when he suddenly hugged from the back. Isinubsob nito ang mukha sa leeg ko. Napakagat ako sa labi dahil rinig ko ang mahina niyang paghikbi.
"I-I'm sorry if I used you. I didn't mean it, Francesca. I'm sorry." Anito at hinigpitan ang pagkakayakap sakin.
"Sinadya man o hindi. Nasaktan ako, Douglas." Sabi ko at pilit na tinatanggal ang mala bakal niyang braso na nakapulupot sa bewang ko.
"I... didn't mean... to love you..." He whispered. Pinigilan ko ang huwag na mapahikbi.
"But... I did fall in love with you." Dugtong pa nito. Napatutop ako sa bibig. Mas lalong bumuhos ang luha ko. Ang isang parte ng puso ko ay umaasa na sana totoo lahat ng sinasabi ni Douglas.
Buong lakas kong tinanggal ang pagkakapulot ng braso ni Douglas sakin. Saka hinarap siya ng luhaan. Sobrang nasasaktan ako.
"Wala kang karapatan sabihin sakin lahat ng iyan. Kasalanan mo lahat, Douglas. Kasalanan mo!" Dinuro ko siya sa dibdib. Nanatili lang itong nakatingin sakin habang luhaan rin.
BINABASA MO ANG
You Love Me Not [COMPLETED]
Teen Fiction"Yes, you love me. You love me... not." -Danica Francesca Clarkson