"Nice show."
Napabitaw agad ako sa yakap at dagling nilingon ang nagsalita na pinagsisihan ko din agad. Nakita ko ang isa sa mga magandang babae na nabubuhay sa balat ng lupa, at kasama ito ni Douglas. Nabaling ang tingin ko sa magkadaop nilang palad. Agad akong nag-iwas ng tingin. Nanlumo ako. Oo, nanlulumo ako sa nakikita ko.
"What the hell is wrong with me?"
Napaayos ako ng tayo ng maramdaman ko ang paghawak ni Sydney sa bewang ko. Tumingin ako kay Sydney at ngumiti ito ng pagkatamis-tamis kaya ngumiti din ako pabalik. Tama. Tama yan, Nica, kay Sydney ka magfocus... Kay Sydney lang. Pero mas lalo akong nanlumo ng mabitawan ako ni Sydney dahil may dumamba sa kanya ng yakap. Ang babaeng kasama ni Douglas!
"I missed you so so so much, Sydney." Malambing nitong saad dahilan para mapataas ang kilay ko. Napatawa naman si Sydney at gumanti din ng yakap.
"Missed you too, Nette."
Nag-iwas ako ng tingin dahilan para magtama ang paningin namin ni Douglas. Blanko lang ang mukha nito at animo'y bored na bored na. Nakapamulsa ito at walang pakialam sa paligid. Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Panira kayo ng moment. Peste!"
Kulang na lang ay isigaw ko yan sa pagmumukha niya. Ngunit pinagtaasan niya din ako ng kilay sa ginawa ay lalo lang siyang gumwapo. Napapikit ako at napapadyak sa inis. Napabuga ako ng hangin at nagsimula ng maglakad. I need air. I need to breath. At laking gulat ko ng magsimula ding maglakad si Douglas. Sasalubungin ako. Nang kunti na lang ang distansya naming dalawa ay nag-iwas na ako ng tingin pero laking gulat ko ng hilahin niya ako payakap sa kanya. Napadaing ako ng bahagya ng mauntog sa dibdib niya. Nagpumiglas ako pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya.
"Stay still."
"Douglas. Isa"
"Who told you to go out without my permission?"
"And who told you to go out without my permission, too?"
Ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya. I need to stop my mouth from talking. Why do I have to sound like a jealous girlfriend? Gusto kong pukpukin ang sarili. Ramdam ko ang pag-ngisi niya at napapitlag ako ng maramdaman ang mainit niyang hininga sa tainga ko.
"I hate it when someone touches you."
Sa narinig ay pilit ko siyang itinulak pero nabigo lang ako.
"Bawal ako hawakan ng iba at ikaw pwede? Why so unfair?" Tiningala ko siya at halos maduling ako sa lapit ng mukha namin sa isa't isa.
"Let's have a deal, then."
"Hinahamon mo ba ako?"
"Nagpapahamon ka ba?"
"Try me, Douggie."
"I will, Monkey."
Magsasalita na sana ako ng makarinig ako ng malakas na tikhim. Oh my, God! Agad na nanlaki ang mata ko. Si Sydney! Damn. Bakit ko nakalimutan na kasama ko pala si Sydney. Nakita ko ang pagsilay ng malukong ngisi ni Douglas. Sinadya niya to. Muli akong nagpumiglas pero gaya kanina ay nabigo ulit akong makawala.
"Only me can hold you, hug you and kiss you." Nangilabot ako sa narinig. "Hear that, Francesca?" Patuloy niya.
"How dare you." May diin kong sagot.
"I'm your boyfriend after all." Napapitlag ako ng pagdikitin niya ang noo namin.
"Sealed. So, you need to follow that. It's a must." At doon ay binitawan niya ako.

BINABASA MO ANG
You Love Me Not [COMPLETED]
Teen Fiction"Yes, you love me. You love me... not." -Danica Francesca Clarkson