“Stop the fucking car!”
Umalalingawngaw ang sigaw ko sa kotse dahilan para biglaang mapapreno si Douglas. Mabuti na lang at may seatbelt ako, kung nagkataong wala ay putok ang noo ko. Naginginig ang kamay na tinanggal ko ang seatbelt. Kung anong nangyayari sakin ay hindi ko alam. May kung anong nagtutulak sakin na kailangan kong makita ang park na iyon. Na doon ko makukuha ang kasugatan sa kung ano mang inaakto ko ngayon.
“Fuck! Francesca, come back here!” Dinig kong sigaw ni Douglas ng makalabas ako ng kotse. This is the first time he called me in my name. Pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa park. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. At bawat hakbang papalapit ay siya ding pagbigat ng dibdib ko.
Nakaramdam ako ng pangungulila. Pangungulila na ngayon ko lang naramdaman buong buhay ko. Binalot din ako ng matinding lungkot na mas lalong nagpagulo sa isipan ko. Pero bakit? Bakit nakakaramdam ako ng ganito. At ng marating ko na ang rason kung bakit ako ganito ay agad nag-unahan sa pagtulo ang luha ko. Nanikip ang dibdib ko. Inilibot ko ang tingin dahilan para lalo akong mapaiyak.
Napahawak ako sa dibdib at paulit-ulit itong tinambol. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako. Natigil ang paningin ko sa isang maliit na man-made na lawa, nasa tatlong dipa ang lawak nito. At para marating ang kabilang bahagi ay kailangang dumaan sa hanging bridge.
Wala sa sariling naglakad ako papunta doon. Hindi maalis ang tingin ko sa hanging bridge. Sa bawat paghakbang ay nakaramdam ako ng sakit. Sakit na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Napalunok ako ng paulit-ulit. Muling bumuhos ang luha ko. Nasa kalagitnaan na ako ng hanging bridge ng mapansing may makakasalubong ako, nakatungo siya habang nakapamulsang naglalakad.
Nanikip ang dibdib ko. Bigla akong nakaramdam na may kulang sa pagkatao ko. Nang iangat niya ang tingin ay napatakip ako sa bibig. Kitang-kita ko ang pagrehistro ng gulat sa mukha niya. At kitang-kita ko din kung paano gumuhit ang sakit sa mga mata niya.
“S-syd…” Hirap akong magsalita pero nagawa ko iyong sabihin. Hindi ko lang alam kung narinig ba niya. At sa pagkakataong iyon ay umikot ang mundo ko. At bago bumagsak ay nakita ko ang pagsilay ng isang malungkot na ngiti sa labi ni Sydney.
ISANG lingo na ang nakakalipas simula nung mangyari ang nakakasakit sa ulo na tagpo sa park. Hanggang ngayon ay nanatili iyong palaisipan sakin. Napabuga ako ng hangin. Hindi iyon mawala sa isipan ko. Kwento sakin ni Deejei ay si Sydney daw ang nag-uwi sakin matapos kong magbreak-down doon sa may hanging bridge. At simula noon ay tikom ang bibig ni Deejei at Sydney patungkol sa nangyari na labis kong ipinagtataka. Ang inaasahan ko ay uulanin ako ng tanong ni Deejei pero wala akong narinig kahit isa.
Napapadyak ako at gumulong sa kabilang side ng kama.
Wala sa sariling napahawak ako sa labi. Di ko namalayan na napangiti ako. Agad kong tinuktukan ang sarili ng mapagtanto ito.
“Hindi ‘to maaari. Hindi ko iniisip ang kiss stealer na iyon.” Muli akong gumulong sa kama at tumihaya ng higa. Napanguso ako dahil hindi ko pa ulit nakikita si Douglas. Ang huli naming pag-uusap ay yung sa kotse. Sinabunutan ko ang sarili. Mababaliw na ata ako.
“Hindi ko siya namimiss. Hindi talaga. Normal lang naman na hanapin ko siya kasi nga boyfriend ko siya, diba? Diba? Dapat ang boyfriend nagpaparamdam sa girlfriend, ganun. Tapos… tapos. Aish! First boyfriend ko pa naman siya, tapos ganito lang?” Para akong baliw na kinakausap ang kisame ng kwarto ko.
Muli akong napanguso dahil hindi ko maintindihan ang sarili. May kung anong epekto sakin si Douglas pero ang nagpapagulo sakin ay ang nararamdaman ko sa tuwing si Sydney ang kaharap. Simula nung nakita ko siya sa park ay pakiramdam ko may koneksyon kami sa isat-isa. Nakakaramdam ako ng pangungulila na siya lang ang makakapunan.
BINABASA MO ANG
You Love Me Not [COMPLETED]
Teen Fiction"Yes, you love me. You love me... not." -Danica Francesca Clarkson