First day with Sydney.
Maaga akong nagising para paghandaan ang una naming lakad ni Sydney. Napangiti ako, sana ay wala akong pagsisihan sa gagawin kong ito. Dahil kung ano man ang maging resulta ay buong puso ko iyong tatanggapin.
Mabuti na lang at Christmas vacation, masusulit namin ni Sydney ang limang araw.
Napatingin ako sa sariling repleksiyon sa salamin. Gray v-neck shirt ang suot kong pang itaas at denim short naman ang pang-baba. Samatalang sa pampaa ay white rubber shoes. I even braid my hair, in messy way to complete my OOTD.
"Kaya mo 'to. Wala kang ibang pwedeng isipin kundi si Sydney lang. Si Sydney lang, okay? Okay?" Pangungumbinsi ko sa sarili saka bumuga ng hangin at ngumiti.
Sinukbit ko na ang sling bag sa balikat saka nagpasyang lumabas ng kwarto.
"Where are you going, lady?" Nakapamulsa na hinarangan ni Deejei ang daraanan ko.
"Date." Simple kong sagot.
"With whom?"
I rolled my eyes in irritation.
"Sydney."
"Sige, layas na." Pagtababoy nito sakin at tumalikod na.
I rolled my eyes once again. Halata namang gusto nito si Sydney para sakin.
Nang makalabas na ako sa gate ay napatingin ako sa kaliwa't kanan kung naroon na ba ang kotse ni Sydney. Ngunit laking gulat ko ng may huminto na taxi sa harapan ko at iniluwa noon si Sydney.
Malaki ang ngiti nito at agad na namilog ang mata ko ng makitang pareho kami ng pangtaas na damit. Is this coincidence? Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Bumagay dito ang ripped jeans na suot.
"Hi there, beautiful." Bati nito at hinalikan ako sa pisngi. Napangiti ako, matagal-tagal na din pala noong ginawa niya ang ganoon sakin.
"Hello, handsome. Where's your car?"
"Nasa bahay." Anito at pinagdaop ang aming mga palad. Napakagat ako sa labi para itago ang kilig na nararamdaman.
"Ano?!" Hindi makapaniwalang titigan ko siya. Tinawanan lang ako nito at hinila na para magsimulang maglakad.
"Gusto ko mag-commute. Matagal ko ng hindi nagagawa iyon. And I want to do it again...with you." Anito saka ako sinulyapan at bahagyang pinisil ang kamay ko.
I pouted to stop myself from smiling.
"So corny, Syd."
"Am I?" He chuckled.
"Oo kaya."
"Sayo lang naman e." Anito at muling pinisil ang kamay ko. This time, ako naman ang natawa.
Nung nakasakay na kami sa jeep ay di ko maiwasang mapanguso dahil sa kailangan pa pala iyong punuin bago tuluyang umalis. At ang ikinakainis ko pa ay ang mga tingin ng mga kakabihang naroroon kay Sydney ay kulang na lang hubaran ng nga ito ang binata.
Humigpit ang hawak ng Sydney sa kamay ko dahilan para mabaling sa kanya ang tingin ko.
"You're reaction is still the same." Anito at pinunasan ang pawis ko sa noo.
"Huh?"
"Nothing."
Isinandal ko ang baba sa balikat ni Sydney. He just smiled from what I did, ni hindi man lang ito nagulat.
At noong napuno na ang jeep ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. I'm so bored for Pete's sake! At hanggang makarating kami sa paroroonan at hindi bintawan ni Sydney ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
You Love Me Not [COMPLETED]
Ficțiune adolescenți"Yes, you love me. You love me... not." -Danica Francesca Clarkson