Chapter 26

60 3 4
                                    

"Clarkson!" Sigaw ni Thea sa di kalayuan habang iwinawagayway ang banner na dala na may nakasulat na, 'Clarkson, the fairest of them all.'

"Thea!" Ganting sigaw ko habang natatawa. Puno talaga ng kalukuhan sa katawan ang babaeng ito.

Lakad-takbo ang ginawa ko para agad na makalapit sa kaniya. Ayaw ko sana na sunduin niya kami dito sa airport pero nagpupumilit.

"I missed you so so much, honey." Aniya at niyakap ako ng napakahigpit.

"Me too." Saad ko at gumanti ng yakap.

Nang humiwalay siya sa yakap ay agad niyang hinawakan ang mukha ko at pinagmasdan iyon ng mabuti.

"Namayat ka. Nanlalalim ang mga mata mo. Broken hearted?" Puna niya.

Napatungo naman ako, hindi alam ang sasabihin. Hindi alam ni Thea at nina Mom and Dad na naaksidente ako. Ayaw ipaalam ni ate ang nagyari na lihim ko naman na ipinagpasalamat. Dahil pag nagkataon ay malaking gulo ang mangyayari.

"O to the M to the G! Who's that guy?" Kulang na lang tumulo ang laway ni Thea habang nakatingin sa likuran ko. Dagli akong lumingon at natawa ng makitang si Sydney ang tinutukoy nito.

May hila-hila itong dalawang maleta, akin at kaniya. Nginitian ako nito ng madako ang tingin sakin.

"He smiled at me." Wala sa sariling anas ng katabi ko. Malakas ata ang magiging tama ni Thea kay Sydney.

Hindi si Deejei ang kasama ko pabalik dito sa US kundi si Sydney. Dahil akala ni Deejei ay galit ako sa kaniya, kahit hindi naman. Hindi ko magawang magalit sa lalaking iyon ng matagal. At alam ko naman na isa lang iyon sa rason niya dahil mas gusto nito makasama ngayong bakasyon ang nobya na si Meriem.

Natatawa ako sa tuwing naaalala ang sinabi sakin ng kambal dahil niyaya ko silang samahan ako dito sa US magbakasyon. Pero ang tanging sagot lang ng dalawa ay alam daw nila na kailangan ko ng space kaya hindi na daw sila sasama.

At nalaman ko din na matagal na pala nilang alam kung ano ang nangyari sakin dahil naikwento daw ni Deejei kay Meriem. Na kaya naman nalaman ni Melissa ay kung anu-ano ang ginawa nitong kabalbalan sa kakambal para lang mapagsalita dahil alam ni Melissa na may itinatago sa kaniya si Meriem. They really knew each other.

Ni hindi ko nga nahalata na may alam sila dahil wala namang nagbago sa pakikitungo nila sakin. Maayos rin ang pakikitungo ng mga ito kay Douglas kahit alam nilang laro lang ako para sa lalaki. Dahil alam daw nilang masasaktan ako pag naging kontra sila kay Douglas at baka magalit daw ako sa kanila.

Napabuntong hininga ako. Miss ko na agad sila. What a life!

Pero bigla kong naikuyom ang mga kamao dahil ramdam ko pa rin ang sakit na dulot ng lahat ng pangyayari sa buhay ko. Parang kahapon lang. Sariwang-sariwa pa sakin ang lahat. Lahat ng sakit at galit nasa puso ko pa rin. Kaya nga ako nagpakalayo-layo muna para maalis ang lahat ng mga ito sa puso ko, sa pagkato ko. Gusto ko kasi na sa muling pagbabalik ko ay handa na akong patawarin ang lahat ng may kasalanan sakin.

Alam ko rin na sumagi sa isipan ng mga tao sa paligid ko na baka tinatakasan ko lang ang sakit kaya umalis ako. Pero hindi 'e. Gusto ko lang muna hanapin ang sarili at muli itong buohin.

I came back to me senses when Thea pinched my left cheek, I groaned in pain.

"Done daydreaming, honey?" She asked, sarcastically.

I rolled my eyes when I heard Sydney laughed.

"Are we going to stand here all day?" Dagdag ni Thea sa pinakamaarte nitong paraan. Binatukan ko naman siya.

You Love Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon