Chapter 18

39 3 4
                                    

"Kahit sa loob lang ng limang araw."

Napatigalgal ako sa narinig. Biglang sumikip ang dibdib ko at pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Damn! It hurts big time.

"S-syd."

"Don't mind me." He cupped my face and let his nose touches mine.

"Gusto ko maging cute."

Napahiwalay siya sakin sa sinabi ko. Bahagya pang kumunot ang noo nito.

"Bilhin na natin iyang couple shirt, I want to become cute." Saad ko at ngumiti ng nakakaluko. Nang makuha na nito ang nais kong iparating ay agad itong napahalakhak.

He pinched my nose, pinanggigilan ako. Napadaing naman ako sa sakit na naramdaman kaya agad kong tinampal ang kamay niya.

"Kaya mahal kita 'e." Anito kalaunan saka humarap aa sales lady na naroon para mabili na ang couple shirt. Pinagmamasdan ko siya habang binibili iyon. Seeing Sydney smile from ear to ear made my heart flutter. I can't help but smile too.

Matapos mabayaran ay agad kaming nagpalit. Ang dati naming suot na damit ay basta na lang itinapon ni Sydney sa basuran. Hindi na ako nakatanggi dahil hinila na ako nito papalabas ng mall. Iyon lang pala talaga ang ipinunta namin.

Pasipol-sipol pa ang binata at iniakbay sakin ang braso bago tuluyang lumabas ng mall, iniyakap ko naman ang isang braso ko sa kanyang bewang. Tuloy ay pinagtitinginan kami ng mga tao, napapailing na lang ako ngunit naroon ang ngiti sa aking labi.

Habang nasa biyahe ay kumakain ako ng fries. Sinusubuan ko din si Sydney at panaka-naka nitong kinakagat ang daliri ko. Inalis ko lahat ng agam-agam na nadarama, kailangan kong sulitin ito. Dahil mamaya ay hindi ko alam kung mananatili ba ako sa tabi niya o hindi. Kailangan kong maging masaya ngayong araw dahil baka hindi ko na ito magawa na kasama siya. I should saviour every moment that I'm with him.

"We're here." Anito at itinigil ang kotse sa pamilyar na lugar. Napalunok ako ng inilibot ang paningin sa paligid. Iimik na sna ako ng bumaba na ng kotse si Sydney para pagbuksan ako.

Mariin akong napapikit at napahawak ng mahigpit sa seatbelt. Narito kami sa park, na naghahatid ng misteryo sakin.

Agad kong kinalma ang sarili ng mabuksan na ni Sydney ang passenger seat. Tipid akong ngumiti at tinanggap ang nakalahad niyang kamay, inalalayan niya ako papalabas ng sasakyan.

Agad na sumikdo ang puso ko ng maramdaman ang malamig na simoy na hangin na dumadantay sa balat ko.

"You okay?" Pinisil ni Sydney ang kamay ko. Napansin siguro ng binata ang pananahimik ko.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng pilit. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo at bumalatay ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

"I'm okay." Malumanay kong saad. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas. Ano na naman ba itong nangyayari sakin?

Dumukwang siya papalapit sakin at hinalikan ako sa noo, dahilan para kumalma ang kaloob-looban ko at mawala lahat ng agam-agam ko sa lugar na ito.

Humiwalay siya sakin at nagtungo sa backseat para kunin ang dala naming gamit pang-picnic. Siya lahat ang naghanda noon, dahil gusto niya daw na maging memorable ang araw na ito.

"Let's go?" He offered his hand at tinabggap ko naman uyon ng buong puso. Walang imik na tinahak namin ang pamilyar na daan. Patungo iyon sa mini hanging bridge.

"This place is very special to me." Aniya ni Sydney na may malungkot na ngiti sa labi. I wonder why.

Saglit niya akong sinulyapan at kinindatan. Napailing na lang ako at inilibot ang paningin. Hindi gaano kalaki ang park na ito ngunit napakaganda. Tahimik at talagang relaxing ang ambiance. Ngayon ko lang iyon napagtanto dahil sa tuwing napapadpad ako dito ay palagi akong nawawala sa sarili.

You Love Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon