Chapter 1

468 7 1
                                    

“Clarkson!”

Napatigil ako sa paglalakad maging ang ibang estudyante ng marinig ang matinis na sigaw na iyon na umalingawngaw sa buong paligid. Agad namang nagsilingunan ang mga ito. Samantalang ako inayos muna ang strap ng gitara na nakasabit sa balikat bago lingunin ang pangahas ng tumawag sakin.

Bahagya pa akong napaatras ng makitang nasa harapan ko na siya. Habol nito ang hininga kaya inirapan ko siya at pinagtaasan niya naman ako ng kilay at namaywang na akala mo’y isang modelo.

“I saw the news.” Nakanguso nitong saad.

“What news?”  Tamad ko siyang tinapunan ng tingin at nilampasan na. Hindi na ako magtataka kung may nalalaman siyang hindi ko pa nalalaman. She’s the eye and ear of this school. She’s not, Thea Smoke for nothing.

“I know that you know what I am talking about, honey.” Aniya na nakapagpatigil sakin. Napabuga ako ng hangin bago siya lingunin.

“I’m not gonna ask you if I know what you know, honey.” Nauubos ang pasenya na saad ko.

“Do not lie to me.” Bakas ang hinanakit sa boses nito. Agad na lumambot ang ekspresyon ko. Bigla akong naging uneasy. Hindi basta-basta magkakaganito si Thea if this is not a serious matter. Humarap na ako ng tuluyan sa kanya.

“Can you tell me what is going on?”

Bagsak ang mga balikat at mariin itong napapikit sa tanong ko at sa pagmulat nito ay may butil ng luha na lumabas sa mga mata nito. I saw a different spark in her tearful eyes. Agad ko siyang nilapitan.

“You’re leaving.” Aniya na dahilan kung bakit tinambol ng kaba ang dibdib ko. Hilaw akong ngumiti upang labanan ang kabang unti-unting bumabalot sa sistema ko. May ideya na ako sa sinasabi niya pero hindi iyon magsink-in sa utak ko.

“That’s not a good joke, honey.” Hindi siya sumagot sapagkat inabot niya ang kanyang cellphone. Nangunot ang noo ko, agad niyang isenenyas na i-play ko ang video.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na una kong maramdaman. Basta ang ang alam ko ay sobrang nasasaktan ako. Natapos ang video at ramdam ko panginginig ng kamay at tuhod ko. Nakakapanghina. I can’t believe this. Nang iangat ko ang tingin ay doon na nagsimulang tumulo ang luha ko. The words of my father kept playing in my mind.

“Our daughter, Francesca is the one who’ll handle our business in the Philippines. It will serve as her training.”

“Our daughter, Francesca is the one who’ll handle our business in the Philippines. It will serve as her training.”

“Our daughter, Francesca is the one who’ll handle our business in the Philippines. It will serve as her training.”

“I… I didn’t know.” Iiling-iling na turan ko kay Thea. Nagsimula na akong humikbi. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpakita ako ng kahinaan sa harap ng maraming tao. Thea closed the distance between us and hugged me tight, rason kung bakit napahagulhol na ako ng iyak.

“This is my home. I don’t belong there. I don’t wanna go there, honey.” Napapadyak pa ako at mas lalong naiyak. Pinagtitinginan na kami ng kapwa namin estudyante. This is the first time they saw me cry. They knew me as a strong person but they don’t know how weak I am inside.

“Everything’s gonna be alright, honey.” Aniya ni Thea at hinagod ang likod ko.

Buong maghapon akong wala sa sarili. Pakiramdam ko ay nakalutang ako. Nang uwian na nagdalawang isip pa ako kung uuwi ba ako sa amin o hindi.

“I don’t wanna go home.”

Napatigil si Thea sa paglalakad. Nandito kami ngayon sa parking lot. Napabuntong hininga muna ito bago humarap sakin. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

You Love Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon