Chapter 7

49 4 0
                                    

I was busy reading my notes because the pre-final is near. It was scheduled before the Halloween party. Nag-iisa lang ako dito sa may garden which is good dahil nakakapag-concentrate ako sa pag-aaral. Ang kambal ay iniwan ko doon sa canteen, pa-easy-easy pa ang mga iyon. At ayaw ko mahawaan ng katamaran nila. Mahirap na, baka wala akong maisagot.

Napahawak ako sa leeg dahil ramdam ko ang pangangalay nito. Inayos ko din ang suot na salamin bago nagpatuloy sa pagbabasa. Ramdam kong may tumabi sakin. Pero hindi ako ngag-aksaya ng panahon para tingnan kung sino iyon. Dahil amoy pa lang ay kilala ko na siya. I really love his smell. Minsan naiisip kung manghingi ng pabango niya.

“Baka ma-perfect mo ang exam.”

“Good for me.” Nilipat ko sa kabilang pahina ang binabasa. Muli akong napahawak sa leeg, mas lalo kong naramdaman ang pangangalay nito.

“Hey.” Doon ko lang siya tiningnan. I smiled. Kahit saang anggulo tingnan ay gwapo siya.

“Hi, Syd.” Nakanguso kong bati sa kanya. Marahan naman itong tumawa. Suot nito ang salamin na kapareho ng sa akin. What a coincidence. Wala sa sariling hinawakan ko ang mukha niya. Hinawakan niya din ang kamay ko at mas lalong idiniin sa kanyang mukha. He closed his eyes firmly.

Naramdaman ko ang lungkot ni Sydney, kung saan nanggagaling yun ay hindi ko alam. At sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam din ako ng lungkot. Hinila ko siya papalapit sakin at mahigpit na niyakap. Ramdam kong natigilan siya sa pero kalaunan ay gumanti din ito ng yakap. Mas mahigpit pa sa yakap ko.

“I missed you. I missed you so much, Pangit. Please come back.” Nagulat ako sa sinabi niya. Sino si pangit? Agad akong humiwalay sa yakap, nahirapan pa akong gawin iyon dahil ayaw niya pa akong bitawan. My eyes widened in horror. Sydney's crying! Pilit akong ngumiti sa kaniya at agad pinunasan ang luhang dumadaloy sa pisngi niya.

“S-sino si pangit?” Di ko napigilang itanong. Isang malungkot na ngiti ang binigay niya sakin. Iniiwas niya ang tingin at pinahid ang luha sa psingi. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita ako ng lalaking umiiyak na possible pala talagang mangyari.

“She’s my ex.” Natigilan ako sa narinig. Ako naman ngayon ang nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam pero ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko.

“Alam mo bang nakikita ko siya sayo?” Mas lalong nanikip ang dibdib ko. Naiisip ko pa lang na kaya niya ako nilalapitan dahil sa nakikita niya sakin ang kanyang ex-girlfriend ay nasasaktan na ako.

“Hindi iyon katulad ng iniisip mo, Nics.” Muli akong napatingin sa kanya na ngayon ay malamlam ang mata na nakatitig sakin. Pakiramdam ko lahat ng binasa ko kanina ay nawala. He hold my hands.

“Lumalapit ako sa’yo dahil gusto ko. Ginusto ko, Nics. Huwag mong iisipin na dahil sa nakikita ko siya sayo.” Malungkot akong ngumiti sa kanya.

“You want her back?” Napayuko siya sa tanong ko.

“Yes… kahit alam kong malabong mangyari yun. At isa pa, kuntento na ako na mahalin siya sa malayo.” Binalik niya ang tingin sakin at ngayon ay may ngiti na sa labi. Napalunok ako dahil sa nararamdamang kirot sa puso ko.

“Why don’t you move on? It will help you to lessen the pain.”

“Will you help me?”

“Huh?”

“Help me move on, Nics.” Nanlaki ang mata ko sa narinig. Tanging ang malakas na pagtibok lang ng puso ko ang naririnig.

“Ateng!"

"Nicanor!”

Nang marinig ang boses ng mga paparating ay agad kong binawi ang kamay sa pagkakahawak ni Sydney. Pareho kaming napatikhim at napaayos ng upo. Pilit kong kinalma ang sarili bago nakangiting bumaling sa kambal na ilang hakbang na lang ang layo samin.

You Love Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon