HAILEY
"Thank you guys!" sabi ko bago ako makalabas ng classroom. Hays, maganda naman ang first day ko gaya ng sinabi ni Wendy hindi ko nga siya kaklase sa mga subjects ko. Napayuko ako. Ang saya sana kung kasama ko siya sa klase ko kaso mukhang busy siya sa kalove team niya na hindi niya alam. Si Clyde. Yung gwapong member ng tyrant 7 daw. Hmp, grabe gwapo sana kaso mukhang babaero. Kaloka. Buti na lang yung Kaito ko gwapong hindi babaero. Napangiti ako ng maalala ko si Kaito. Agad kong binuksan yung cellphone ko.
To Kaito <3:
Goodmorning :)
Pagkasend ko non ay humagikgik pa ako sa kilig kaso to my dismay bigla naman akong nauntog sa pader.
"Ouch!"daing ko sabay hawak sa noo ko. Napakunot noo ako ng makakita ako ng pares ng paa "Kelan pa nagkaroon ng paa ang pader?" Napatingala ako "Ay sorry!" paghingi ko ng paumanhin sa nabunggo ko. Akala ko pader. Yun pala tao "Sorry kuya ang gwapo kasi ng chest mo akala ko pader, okay lang yan sexy naman yan eh" sabi ko sabay tapik sa chest nito. simpleng chansing. Hehehe. napanguso ako ng mapansin kong wala itong reaksyon at nakatingin lang sa mukha ko. "Sige,sorry na nga po" sabi kong nakanguso sabay umalis na ako. Ang weird ni kuya--teka! Napalingon ulit ako sa pinaggalingan ko ng marealized ko kung sino yung may sexy chest. OMG! Yung gwapong chinito nung isang araw! Napahinto ako sa kilig moments nang biglang magvibrate yung cellphone ko.
From kaito <3:
Goodmorning too, ^_^
Napanguso ako nung maalala ko si Kaito. Ang landi ko bwisit. Bakit ba kasi ang gwapo ni kuyang chinito. Ang sexy ng pagkakasingkit niya. Hyfffe na yan. Masamang impluwensya sa kababaihan! Hindi ko na nareplyan si Kaito dahil biglang may tumawag sa akin. Hindi ko sinagot ang tawag. Sila auntie yung tumatawag. Hindi niya na ako masusundan. Never. At kung malaman niya man na nandito ako sa Weithermer University ay wala na siyang magagawa. Napangisi ako sa naisip ko. Hinding hindi nila ako mapipigilan sa paghahanap kay kuya. Nobody can stop me. Nakangiting binaklas ko yung cellphone ko at agad kong binali ang sim ko. Saan kaya nakakuha ng number sila auntie ko? Tss. Maparaan din talaga sila eh no. Kaasar. Kahit malaman nila lahat ng maging number ko hindi nila ako makakausap.
--
CHAIN
Kitang kita ko mula sa pwesto ko sa likuran ng isang pader kung paano niya baliin yung sim card na galing sa cellphone niya. Sino naman kaya yung tumawag sa kanya? Hmm. Naalala ko tuloy kanina nung nabangga nya ako. Sinadya ko yun, paano cellphone siya ng cellphone habang naglalakad ni hindi niya man lang ako mapapansin non kung puro siya cellphone. Napangiti ako ng maalala ko yung mukha nya kanina. She's still beautiful.
"Oh?nababaliw ka na din Chain?" Napalingon ako sa lalaking biglang sumulpot sa aking likuran. Si Ares.
"Ano?" Kunwaring hindi ko nadinig ang sinabi niya.
"Ang sabi ko nababaliw ka na din" Ulit nito. Ngunit hindi ko na lang pinatulan ang sinabi niya sa halip ay iniwan ko na lang siya duon.
Baka nga nababaliw na ako...
Matapos ang senaryong yon ay dumeretso na agad ako sa kwarto ko at kinuha ang tablet ko. Napangisi ako sa nakita ko. Now, Hailey. I have all my eyes on you.
--
HAILEY
Kasalukuyan akong naglalakad pabalik sa dorm ko ng mapatingin ako bigla sa corner ng isang poste malapit sa pintuan ng dorm ko. Napakunot ang noo ko.
"Parang wala naman to dito kanina ah.." nagtatakang sabi ko habang nakatitig sa CCTV camera. Napakunot tuloy yung noo ko. Ang higpit naman masyado ng school na to. Napapailing na pumasok na ako sa dorm room ko. Haist. Bago ako patalon na humiga sa kama ay binuksan ko muna ang drawer sa side table ko saka ko kumuha ng isang sim mula sa isang tumpok na nasa loob ng drawer. Siguro aakalain ng iba na nagbebenta ako ng sim pero nuh,hindi. Mga extra sim card ko to para pagkailangan ko nang magpalit ng number. You know. May notebook naman ako na sulatan ng mga contacts ko kaya if ever. you know, kailangan may back up plan.
Napatawa na lang ako sa kalokohan ko ng makita ko kung pang ilan na sim ko na yung nabali ko mula ng bumalik ako dito sa pilipinas. Infairness, magaling talaga yung inauupahan nila auntie na imbestigador, hahaha pero malas nila mas matalino ako sa inaakala nila.Hahaha.
--
CHAIN
Kasalukuyan akong nakatingin sa monitor kung saan pinapanood ko si Hailey na tumatawa habang nakahawak sa cellphone nito. Napakunot ang noo ko kanina ng mapansin kong madami siyang sim card na mukhang reserba nya kung sakaling baliin niya ulit yung sim card niya. Bakit kailangan niya pang magpalit palit ng sim card? why? Nakakunot ang noo habang nakapangalumbaba ako ng biglang may hudas na pumasok ng hindi man lang kumakatok. Mabilis kong napindot yung keyboard para malipat yung kinukuhaan ng camera. Bumalik na ito sa hallway ng school. Napalunok ako ng makita kong si Clyde yung pumasok kasunod si Hell, kitang kita ko kung paanong tumaas ng kilay ni Clyde na alam kong nagtataka sa inasta ko.
"Kelan ka pa naging magugulatin Mariano?" Kunot noong tanong ni Clyde. Napalunok ako ng napatitig sa akin si Hell. Alam ko yang tingin na yan ni Hell. Mabilis kong inayos ang tindig ko at pinakita ang 'cold' na chain na kilala nila.
"tss" tanging sagot ko sa mga ito saka ako umupo sa upuan nang parang wala lang. Alam kong tinitignan ako ngayon ni Hell. At nang mapalingon ako ay hindi nga ako nagkamali. "What?" masungit kong tanong dito. Hindi ito sumagot bagkus ay nag iba lang ito ng tingin at tumingin na lang sa maraming monitor sa harapan upang tignan ang mga ginagawa ng mga estudyante. Maya maya ay biglang inutusan ni Hell si Clyde na bumili muna ng pagkain. Agad naman lumabas si Clyde. Saktong pagkalabas ni Clyde ng biglang bumaling si Hell sa akin.
"All eyes huh?" sabi nito sabay biglang pinindot yung button na kanina ko pa iniingatan. Napamura na lang ako sa isip ko. Nakita siguro ako ni Hell na nakatingin dito kaya niya napansin yung button. Ang talas talaga ng mata nitong lalaking to. Ngumisi na lang ako matapos kong bumaling sa kanya.
"Yes. Why not? She's mine!" Tumawa lang si Hell na parang nang iinsulto. Hindi ko na lang ito pinansin. Napatingin ulit ako sa monitor kung nasaan si Hailey.
"You didn't totally changed afterall. Tsk" pang aasar pa nito. Isa si Hell sa mga taong nakakakilala sa akin ng lubos kasama na ang tyrant 7, pero si Hell lang ang nakakaalam ng pagkabaliw ko sa babaeng mukhang walang alam sa nangyayari sa paligid niya.
BINABASA MO ANG
TYRANT 7: The Manipulator
General FictionTYRANT 7 Book 3: The Manipulator Chain Kendrick Mariano
