HAILEY
Nakabusangot ako habang tinititigan ang repleksyon ko sa salamin. Kakatapos ko lang maghilamos. Masakit pa din ang ulo ko dala ng hang over.
"Excuse me" Singit ni wendy sa gilid ko nang bigla na lang pumasok sa bathroom. Inabot lang nito ang towel sa gilid saka lumabas na. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay agad akong dumeretso sa kusina kung saan naabutan ko si Wendy na kumakain na ng almusal niya. She handed me a cup of coffee.
"Thanks" Tipid kong pasasalamat matapos kong umupo at sumimsim sa kapeng hawak ko "Anyway, salamat sa pag-uwi mo sa akin dito. Akala ko ba ayaw mo akong buhatin?" Tipid kong sabi dito na ikinakunot ng noo nito.
"What?" Taas kilay nitong sabi matapos nitong lunukin ang isinubong pagkain.
"Sabi ko than--" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang sumagot kaagad ito.
"Luh, Hindi kita hinatid no. Bwisit ka iniwan mo ko sa bar na yun. Iiwan mo na lang ako kay Clyde pa" Asar na sabi nito. Napakunot ang noo ko. Parang hindi agad nagregister sa utak ko yung sinabi ni Wendy? Ano daw?
"What? Hindi kita iniwan. Ang naalala ko lang.." Napahinto ako ng sumakit lalo ang ulo ko ng pinilit kong alalahanin kung paano ako nakauwi "Uh, ewan. Nevermind" Naiiling na sabi ko sabay pinagpatuloy ko na lang ang pag-inom ng kape. Hindi ko pa natatapos ang pagkakape ko ng biglang tumunog ang phone ko.
"Good morning" Nakangiti kong bati sa tumawag sa akin. Si Kaito ko. Kitang kita kong napatigil si wendy sa pagkain at tumingin sa gawi ko gamit ang peripheral vision niya. Napangisi ako. Alam kong curious siya kung sino si Kaito ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag inom ko ng kape habang nakikinig sa sinasabi ni Kaito ng biglang muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong tasa "What?really? Sige! Sige" Nakangiti kong ibinaba ang tawag. Napatayo ako sa tuwa habang akap ko ang cellphone habang nagtatatalon sa tuwa habang mahinang tumitili.
"Oh? Anyare sayo?" Kunot noong tanong ni Wendy sa akin. Nakangisi akong lumingon sa kanya.
"We're going out" Nakangiti kong sabi dito.
"Huh?" Takang tanong nito sa sinabi ko "Out?Paano? And who?" Sunod sunod na tanong ni Wendy na ikinangisi ko.
"My one and only boyfriend!" Gulat na naibuga nito ang kakasubo lang na pagkain.
"What?!That's impossible Hailey!"sabi nitong nanlalaki ang mata na naiiling. Ngumisi lang ako.
"And why not?" Nakangiti kong sabi.
"Nakalimutan mo na ba na Weithermer University ang pinasukan mo? Are you out of your mind Hailey? nakalockdown ang mga estudyante dito sa school na to! for pete's sake" Sabi nitong nakairap. Napabusangot naman ako. Uh, I forgot. Dead-air. Akmang mag-e-emote na ako ng biglang magsalita si Wendy "Pero syempre may ibang paraan pa.." Sabi nitong nakangiti sa akin--more or less. Ngisi.
"Ano?" Nabubuhayan ang loob kong sabi.
"Kailangan mo ng tulong ng isa sa miyembro ng tyrant 7--na mga disciplinarians din sa school na to" Sabi nitong nakangisi. Napalabi naman ako habang nakakunot ang noo.
"Tyrant 7? You mean, yung grupo nila Weithermer?" Nanghuhula kong sabi.
"Yup. Gaya ni Clyde, Zerred, Ares, Hunter, Burn at Chain..syempre tanggal na sa choices si Hell kasi for sure naman maduduwag kang lapitan yon dahil hindi kayo close" Sabi nitong nakatawa na ikinairap ko "May naisip ka na bang malalapitan mo?" Napanguso ako sa naisip ko. Argh. Ayoko sanang lumapit sa isang kulugo eh, siya lang naman ang nakakaencounter ko lately. Naman oh. Hmp!Para kay kaito. Fighting!
Kinabukasan. Lunes, syempre. May pasok na ulit at may tsansa na akong makausap si Chain since kaklase ko sya sa isa sa mga subjs ko. Maaga akong pumasok para abangan si Chain--hashtag chinitong kulugo. Habang nag hihintay ako ay nagtetext ako kay Kaito. Kinakamusta. Naghintay ako sa reply nya pero inabot na ako ng halos isang oras kakahintay wala pa ding reply,samantalang usually.Mabilis itong mag reply saakin.Napabuntong hininga na lang akong yumukyok sa arm chair ng inuupuan ko.
Nag umpisa na ang klase at natapos ay hindi ko pa din nakita si Chain.Nagbakasakali ako sa building ng mga pre-med students ngunit hindi ko ito nahagilap duon,Hindi ko naman sya maipagtanong tanong kasi parang ang susungit ng tao don.Mga nakakunot ang noo,exam week kasi nila.Hmp.Papababa na sana ako ng hagdan ng biglang madulas ako mabuti na lang at may kamay na bigla na lang umalalay sa braso ko para hindi ako tuluyang dumeretso pababa sa hagdan.
"T-Thanks"pasasalamat ko dito.
"Mag iingat ka naman sa susu--Hailey?"Kunot noong sabi ni Clyde ng makilala ako.Nakangiti naman akong tumango.Nang makaayos na ako ng tayo ay napatili ako ng biglang masanggi ako ni clyde dahilan para matulak ako sa hagdan ng biglang may nagtatakbuhang estudyante sa pasilyo malapit sa hagdan na nabunggo ang likod ni clyde.Napatili na lang ako habang nakapikit dahil alam kong siguradong masakit ang pagbagsak ko sa hagdan.Napasinghap na lang ako ng biglang maramdaman kong may nakayakap na saakin.Nanlalaki ang mata kong napatingala.Hindi ko alam kung may ilalaki pa yung mata ko sa nakita ko.Si Chain!
"Kanina pa kita hinahanap eh!"gigil na sabi ko dito sabay hampas sa dibdib nito.Nakita ko naman ang bahagyang pagtaas ng kilay nito sa inakto ko."Uh,I mean.Thank you"sabi ko sabay mabilis akong humiwalay dito dahil na rin biglang tumikhim si Clyde na nakalimutan namin na nasa gilid lang namen.
"Grabe,Nakakahiya naman sa moment nyo"sarcastic na pang aasar ni Clyde.napanguso ako.
"Moment ka dyan"Kunot noong sabi ko.
"Moment,ang sweet nyo nakakakilig"sabi nitong umakto pang kinikilig talaga with matching beautiful eyes.Napairap naman ako saka namaywang.
"That's so impossible Clyde,I have boyfriend.And I'm so inlove with him.Kaya hindi kami pwedeng mag kilig moments ni kulug--I mean,Chain..hehehe"sabi kong pasimpleng nag iwas ng tingin ng muntik ko nang masabi yung 'kulugo' word."T-Teka!saan ka pupunta!"habol na sabi ko ng biglang parang walang umalis na lang si Chain.Hmp!."Mauna na ako Clyde!bye bye!"sabi ko dito sabay nagtatakbo ako para mahabol si Chain.I need to ask him a favor.A very big favor.Sa sobrang bilis nyang maglakad ay muntik ko na syang hindi mahabol.Saktong nakababa na kami ng groundfloor ng biglang pumatak nang malakas ang ulan.Napahinto ako ng makita ko si Chain na nakasahod ang palad sa patak ng ulan.Akmang magsasalita na ako ng biglang mapahinto ako sa naalala ko.
Naalala ko ang sarili ko nung bata ako habang naghihintay ako ng sundo ko,nung araw na unang beses akong kinausap ni Chain.Yung kababata namin na si Chain.Medyo napaatras ako ng kaunti dahil sa naalala ko.Bigla ay nahiya ako sa sarili ko na humingi ng tulong kay Chain,samantalang nung una ko syang nakita ay ni hindi ko man lang sya nakilala.Bagay na nakakalungkot.Akmang aatras na ako ng biglang magsalita si Chain.
"Alam kong nandito ka para humingi ng pabor.."sabi nito na nagpahinto sa paggalaw ko sa kinatatayuan ko."Nabanggit na saakin ni Wendy.."sabi nito habang nanatiling nakatalikod saakin habang nilalaro sa kamay ang pumapatak na ulan.
"O-Oo.."mahina kong sagot.Napamura lang ako ng nautal ako.
"Alam mo bang mahirap na pabor ang hinihingi mo?"Hindi agad ako nakasagot sa sinabi nito.
"I-Isang araw lang naman.."pagdadahilan ko pa.
"One day?Did you know how much time mean to me?"Biglang kabig nito na ikinakunot ng noo ko."I seldom every minute.Every seconds..."Nakakunot lang ang noo ko dito habang nakikinig.Hindi ko maintindihan ang pinupunto nito."But then..I'll give you my permission.."sabi nitong nagpangiti saakin.
[CHAIN's Point of View]
Matapos nitong ilang ulit na magpasalamat ay umalis na din ito.Samantalang ako nanatiling nakatayo habang nakasalo ang palad sa patak ng ulan.
"Bakit mo sya pinayagan?"biglang sabi ng bagong sulpot na si Hell mula sa likuran ko.Hindi ko na ito nilingon pa.Sandaling nakatitig lang ako sa bawat patak ng ulan sa palad ko."What's your plan manipulator?"
"I never thought that it would be this easy para idispatsa ang lalaking yon.."maikling sabi ko kay Hell.
"What did you do?"Hell said with curiousity.
"Hindi ako.."tipid kong sagot sa tanong nito.Alam kong lalo lang nagkainteres si Hell sa detalye pero wala ako sa mood magkwento sa kanya.Ang alam ko ang sa mga sandaling yon ay kailangan ko na lang maghintay ng kaunting panahon pa.Kaunti na lang.Maikling panahon na lang kumapra sa sampung taon na hinintay ko.Kaunting kaunti na lang.Maswerte pa din ako dahil pakiramdam ko sa panig ko kumakampi ang mga nangyayari sa paligid ko.
[A/N: Yung tawa ka ng tawa sa throwback picture mo..hahaha ]
BINABASA MO ANG
TYRANT 7: The Manipulator
General FictionTYRANT 7 Book 3: The Manipulator Chain Kendrick Mariano
