GAME 7: Detention

5.6K 133 0
                                        

HAILEY
Ang saya saya na naman nang araw ko dahil tumawag pa ulit kagabi si Kaito, and also bago ako magbreakfast. Panay lait at kantyaw ang inabot ko kay Wendy, but well. Who cares? Nakangiti akong naglalakad papunta sa room ko ng biglang makasalubong ko si Mr.Chinito.

"Hi, Chinito!" Wala sa sariling bati ko. Mabilis ko lang siyang nilagpasan dahil baka kasi hindi naman magresponse yung isnaberong chinito na yun. Pagkapasok ko ay binati ko din yung mga kaklase ko.

"Wow! blooming ka yata?" Usisa ng isang kong kaklase. Nakangiting umupo lang ako sa pwesto ko. Saktong pagkaupo ng ng magvibrate yung cellphone ko. Mabilis kong kinuha iyon sa bulsa ko at sinagot yung tawag lalo na ng makita kong si Kaito yun.

"Hello?" Nakangiting bati ko dito "Kamusta ka na dyan?" Kinikilig kong sabi. Napahinto lang ako sa pagsasalita ng pagtingin ko sa paligid ay nakalapit na sa akin yung mga kaklase ko para makiusisa. Napalabi na lang ako.

"Good morning class!" Bati ng professor namin na kakapasok lang. Mabilis naman kaming mga nagsipulasan. Ako naman ay mabilis kong ibinaba yung phone kahit alam kong nagsasalita pa si Kaito. Uh,shit. Mabilis kong itinago sa ilalim ng mesa ang kamay kong may hawak na cellphone. Matapos naming batiin ang prof ay nagdiscuss na ito. Habang naglelecture ito ay nagcecellphone ako sa ilalim ng arm chair ko. Ang una kong ginawa ay nagsorry ako kay kaito kasi naibaba ko yung tawag. Kasalukuyan akong nagtatype ng biglang may humablot ng cellphone ko.Paglingon ko ay nanlaki ang mata ko. Si Chain. A.K.A Mr.Chinito. Nakatayo lang siya sa gilid ng upuan ko kaya nakikita siya ng mga kaklase ko maliban na lang sa professor kong busy magsalita habang nagsusulat sa white board.

"C-Chain!Akin na yan?!" Paasik na sabi ko dito pero pabulong lang kasi baka marinig nung prof. Sandali niya akong tinitigan. Hindi ko alam kung guni guni ko lang yon pero parang umangat ang sulok ng labi nito. I even saw his eyes twinkled. What the fudge. Oh my God, mukhang alam ko na ang gagawin niya.

CHAIN
Napakusot ko sa mata ko ng makarinig ako ng katok sa pintuan ng kwarto ko. Ngayon ko lang napansin na nakatulog ako sa harap ng study table ko habang nangongolekta ako ng information about kay Hailey. I even stalked her on facebook. fuck. Inaantok na dahan dahan akong naglakad palapit sa pintuan saka ko ito binuksan "What?" Inaantok kong tanong dito.

"Woah,don't tell me hindi ka papasok?" Kunot noong salubong saakin ni Zerred na tinitignan ang suot ko. Nakabihis na siya ng uniform niya habang may hawak sa kabilang kamay na mug ng kape.

"Who said that?" Kunot noo kong tanong. Ngumiwi naman ito.

"Yung suot mo? Don't tell me tinanghali ka ng gising?" Nakalabing sabi ni Zerred. Inirapan ko na lang ito.

"Isn't it obvious?" Inis na sabi ko sabay kusot muli sa mata ko.

"Tss. Ewan ko sayo,weird. Magbihis ka na at mahuhuli na tayo" Sabi nitong nakabusangot. Hindi ko na lang ito pinansin. Minsan kasi ay sabay kami pumapasok sa mga klase namin. Ewan wala ako sa mood eh. Saka inaantok pa ako eh anong magagawa ko? Tss. Wala sa sariling napangiti ako ng makita ko sa ibabaw ng table ko yung maliit na picture ni Hailey, yung two by two picture niya na natanggal sa pagkakadikit dun sa folder ng personal information niya na kinuha ko lang sa office ni Hell. Nakangiti kong dinampot ito saka ko tinitigan. Matapos nun ay kumuha ako ng isang pin saka ko iyon idinikit sa board na nasa harap ng study table ko.

Matapos non ay dumeretso na ako sa walk in closet para ayusin ang isusuot kong uniform saka ako dumeretso sa bathroom para maligo na.Nang matapos akong mag ayos para sa pagpasok, saktong pagkababa ko ng maabutan ko pa si Zerred sa sala "Bakit hindi ka pa sumabay sa kanila?" Hindi ko naiwasan na tanungin kay Zerred. Usually kasi siya ang laging sumasabay sa kanila. Lalo na't tamad mag drive tong isang to. Nakangising lumingon ito sa akin.

TYRANT 7: The ManipulatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon