[HAILEY's Point of View]
Ilang araw na din ako dito sa chaka na kwarto na to. Nakakainis. dapat sana ngayon ay hinahanap ko na si kuya pero eto at nganga. bakit ba kasi napakasungit ng Chain na yon. ni hindi man lang umepekto sa kanya yung porma ko at yung dahilan ko. he even planned to burn that bar down. syempre nakonsensya naman ako dahil may mga scholar akong kaibigan na duon ang trabaho. jusko, sumasakit talaga ang anit ko sa chinitong kulugo na yun eh. buti na lang gwapo sya kung hindi ogre na ng tingin ko sa kanya. grr. gigil much ako sa lalaking yun.
"Oh? bakit ka nakabusangot?" tanong ng bagong pasok na si wendy. May dala syang fries. akmang kukuha ako ng bigla nitong tapikin ang kamay ko. "Were are friends. pero hindi ako willing magshare ng fries. mag luto ka ng sayo" mataray nitong sabi na ikinabusangot ko lalo.
"Are you kidding me? e baka mamaya nasa labas na naman yang kulugong yan" bwisit na sabi ko sabay pabagsak na humiga sa kama.
"Luh,uto uto ka naman sa isang yon" sabi nitong nakairap.
"Baka mamaya may gawin syang hindi maganda kapag sinuway ko ang utos nyang wag lumabas."parang batang napasipa ako.
"Hmp. ewan ko sayo. bakit ba kasi hindi mo na lang ako ikuha ng pagkain di ba?" sabi ko ditong nagpapacute. isang irap lang ang natanggap ko dito."Wendy! please! pretty please!" nagmamakaawa ko ditong sabi.
"Please lang walang pretty" sabi nitong mataray na ikinairap ko. grabe napaka supportive ng isang to saakin bilang friend nya ha.
napatigil kami sa usapan ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nuon si Chain na naka basketball jersey pa."What's happening here?" tanong nito pagkapasok kasunod ay napatingin ito kay wendy. "What are you doing here?" naningkit lalo ang mata na tanong ni Chain dito. nang hindi ito makasagot ay sa akin ito muling bumaling.
"Oh bakit saakin ka nakatingin? hindi na nga ako lumabas di ba?" gigil na sabi ko dito. gutom na nga ako mukhang sa akin pa ang sisi ng pagtambay ng wendy na to dito. buti sana kung may napala ako eh kaso wala.
"Get out" masungit na sabi nito kay wendy. Akala ko tatarayan nito si chain but to my dismay, parang mabait na bata itong lumabas ng kwarto. walang lingon lingon lintik na babae to. kung makapagsalita kanina saakin ng uto uto.tsk."Stop thinking." lalong nalukot ang mukha ko sa sinabi nito.
"Pati ba naman iniisip ko kokontrolin mo? Ano to programming ang peg?" inis na sabi ko dito. inis na bumangon ako at akmang palabas na ng kwarto ng biglang magsalita pa ito.
BINABASA MO ANG
TYRANT 7: The Manipulator
General FictionTYRANT 7 Book 3: The Manipulator Chain Kendrick Mariano
