GAME 17: Secret Guardian

4.1K 97 1
                                        

[CHAIN's Point of View]
Sobrang nag alala talaga ako kay Hailey. Hindi ko man lang kaagad sya nasaklolohan ng mawalan sya ng malay dahil malayo sa ibang gusali ang dorm naming tyrant 7, kung hindi siguro hindi naiwan ni Burn yung laboratory gown nya hindi nya pa makikita si Hailey.

"How is she?"Tanong ng bagong pasok na si Hara.Kasama nya si Zerred,Clyde at Burn.

"Okey na sya,kailangan nya lang ng pahinga.Mataas pa din ang lagnat pero mas maayos na ngayon ang lagay nya" paliwanag ni Burn.

"Thank god at walang masamang nangyari kay Hailey kanina.." nakahingang maluwag na sabi ni Hara. "Wait--?what are you doing?Chain!saan mo dadalhin si Hailey!" gulat na tanong ni Hara ng makitang bubuhatin ko si Hailey.Nandito kasi sya sa couch sa living room.

"sa kwarto ko,mas makakapag pahinga sya dun ng mabuti."

"Are you sure? baka bangungutin yan don"nakatawang biro ni Clyde.Huminto lang ito ng tignan ito ng masama ni Burn at Hara."He he he".

Maingat na binuhat ko si Hailey papunta sa kwarto ko.Nakasunod lang saakin si Burn at Zerred.Si Clyde mukhang inuupakan na ni Hara. Naririnig ko kasi yung malakas na boses nito dahil sa nakaawang ang pinto ng kwarto ko.

"Wow,buti pa tayo may chicks na.Yung iba dyan .. ewan."nakatawang biro ni Zerred kay Burn na matalim na ang titig sa kanya."Oh? bakit?I'm just saying the truth here.wag ka naman ma-hurt agad"pambubuwisit ni Zerred.

"Stop it.Ang ingay nyo."sita ko dito. baka kasi maalimpungatan si Hailey sa ingay nito. Magsasalita pa sana si Zerred ng biglang bumukas ang pintuan dahilan para tamaan si Zerred at kamuntikan pang matumba.Mag mumura pa sana ito ng makitang si Hell ang pumasok.

"What happened to her?"seryosong tanong ni Hell pagkapasok nito.

"She loss her consciousness.Nakita ko sya ng pabalik ako para kuhain ang lab gown ko"tipid na paliwanag ni Burn sa kung anong nangyari.

"How is she?"pangangamusta ni Hell dito.

"She's fine.Maliban sa lagnat okey na sya"maiksing paliwanag ko dito. Napalingon kaming pareho ng biglang may pinapasok na kung sino si Hell. Hindi ko na sana ito papansinin ng mapansin ko ang wheelchair na dala nito.Kasunod nuon ang paglapit nito sa walang malay na si Hailey.

TYRANT 7: The ManipulatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon