[HAILEY's Point of View]
Nakabusangot na naabutan ko si Wendy na kumakain ng pancit canton. Nang mapalingon ito saakin ay inirapan ako nito.Lumapit ako sa mesa at kumuha ng baso para uminom. nakakauhaw pala mag iiyak.Saktong pagkainom ko ng biglang mapatingin ito saakin. mabilis itong lumapit saakin at tinitigan ako sa mukha."Did you cry?"Tanong nitong halos magdikit na ang kilay.Umiling ako.
"Napuwing lang.."Pagdadahilan ko dito na ikinataas ng kilay nito.
"May nagsabi na ba sayong hindi ka marunong magsinungaling?"nakakunot pa din na sabi nito."Jusko naman Hailey, Hindi ako pinanganak nuong panahon ni kopongkopong pero alam na alam kong gasgas na yang dahilan na yan"busangot na sabi nito sabay inabutan ako ng bimpo.Agad ko itong kinuha saka ko tinakip sa mata kong naiiyak na naman."Okey.Fine,kung di mo pa kayang ikwento.fine.pero please tumahan ka na.. namamaga na yang mata mo oh.."sabi nitong inaalo ako. tumango na lang ako habang nakatakip sa mukha ko yung bimpo.Dumeretso na lang ako sa kama ko saka ako nagtalukbong. Hanggang ngayon, naalala ko pa yung nangyari sa paglabas ko ng weithermer university.
Excited na excited ako sa paglabas ko.Dahil don nakalimutan kong i-text si kaito kung saan ko sya makikita.Kaya ang ginawa ko tumambay muna ako sa upuan na semento ilang dipa lang ang layo sa kinauupuan ko.Agad kong kinuha sa bag ko ang cellphone ko para ma-text si kaito. kakapindot ko pa lang sa message ng biglang tumawag si kaito.
"Hello?"salubong na bati ko dito.
'pinayagan ka bang lumabas?'tanong nito na ikinahinto ko.Tanong agad? di ba pwedeng hi muna?.
"Oo naman,sabi sayo eh."masaya kong sabi.
'Sige,Magkita tayo'maiksing sabi nito.May sasabihin pa sana ako ng biglang ibaba na agad nito ang tawag.Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot.Maya maya pa ay may text akong na-recieved galing kay kaito.Yung lugar kung saan kami magkikita.Mabilis akong tumayo at pumunta sa lugar na sinabi ni kaito.isa iyong theme park.Naghintay ako.
BINABASA MO ANG
TYRANT 7: The Manipulator
General FictionTYRANT 7 Book 3: The Manipulator Chain Kendrick Mariano