[CHAIN's Point of View]
Nakangisi kong tinignan si rodolfo. nakakatawa ang hitsura nito. Sa edad nito ay nagawa pa nitong lokohin ang asawa nito na auntie ni Hailey at ni Hunter. Until now, clueless pa din ang loko kung sino ako.
Pinadukot ko sya ng malaman ko sa source ko na pinag babalakan nya ng masama ang magkapatid na arevalo for the sake of money. lulong sya sa casino. same as his wife. Gusto ko sanang maawa sa kanila dahil Halatang Halata na naghihikaos na sila sa pera ng mag iina nya.kaso .. nakakasuka. Iyon ang tingin ko sa kanila ngayon dahil sa ginawa nila sa magkapatid na Arevalo.
"Sino ka bang talaga?! anong kailangan mo saakin!" sigaw nito na hindi ko pinansin. tumalikod ako at kinuha sa attaché case ko ang isang sand clock. ipinatong ko ito sa harap nito. Nakita kong nagawi dito ang tingin ng matanda. Halatang halata ang pagtataka sa mukha nito. I face him without any emotion showing.
"Like what I've said, gusto kong sagutin mo ang tanong ko ng maayos.. I'm giving you 10 minutes para magsalita at sagutin ang tanong ko. kapag hindi ko nakuha ang gusto kong sagot sayo .. mapipilitan akong gumamit ng ibang paraan para mapaamin ka at sigurado akong hindi mo magugustuhan ang paraang iyon" mahabang litanya ko dito. "And the time starts now.." sabi ko dito sabay taob ng sand clock sa harap nito. "Saan mo dinala si Hunter ?" deretsong tanong ko dito na tinawanan lang nito.
"Kilala mo si hunter? I knew it! sabi ko na nga ba--Ugh!" hindi na nito nasagot ang tanong ko dahil mabilis ko itong binigyan ng suntok sa mukha.
"Uulitin ko, saan mo dinala si hunter?" kalmado ngunit seryosong pag uulit ko ng tanong dito.
"Wala akong alam sa sinasabi mo. Pwede ba? nagsasayang ka lang ng oras saakin e, pakawalan mo na lang ako. Malay mo nasa tabi tabi lang naman kasi yang hunter na yan sa ugali ng isang yon? siguradong hindi agad maagnas ang bangkay nya!" sabi nitong nakahalakhak pa. "Yung magkapatid na yun? pahirap yun sa buhay naming mag asawa! e kung hinayaan na lang sana ako ng magaling kong asawa na pabayaan na lang si Hailey na mamatay sa sakit sa puso edi sana may pera pa kami ngayon! lintik kasing babae yun e!" pinipilit
kong in-absorb ang mga sinasabi nito hanggang sa nagdilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
TYRANT 7: The Manipulator
General FictionTYRANT 7 Book 3: The Manipulator Chain Kendrick Mariano
