CHAIN
Pababa na sana ako para uminom ng tubig habang kinakalikot pa din yung cellphone ni Hailey ng biglang mapahinto ako sa hagdan. May kausap si Hara--si Hailey.
"My gosh! Hindi ko naisip na makakapasok ka dito sa Weithermer University. Knowing your old brothers" Sarcastic na sabi ni Hailey kay Hara pagkatapos nitong humagikgik ay humiwalay na ito sa pagkakayakap kay Hara.
"Kamusta ka na?" Tanong naman ni hara habang magkahawak pa sila ng kamay ni hailey. "Uh, Nakita mo na ba si Chain?Kababata din natin siya.." Biglang banggit ni Hara sa akin. Nang makita ako ni Hailey ay unti unting nabura yung ngiti niya sa labi. Parang hindi niya inaasahan yung sinabi ni Hara. Napahigpit naman yung hawak ko sa cellphone ni Hailey sa loob ng bulsa ko.
"A-Ano?" Hindi makapaniwalang sabi ni Hailey. Tinignan ko lang ng cold si Hailey dahil sa totoo lang ang sakit nung naalala niya si Hara tapos ako hindi. Ilang beses niya na akong nakikita tapos hindi niya man lang ako namukhaan.
"Anu ka ba!sya--" Hindi na natapos ni Hara yung sasabihin niya ng sumabad na ako. Naiinis na ako.
"Hindi mo na kailangan pang ipaalala sa kanya. Hindi naman ako ganon kaimportante para alalahanin pa" Sabi ko sabay bato ng cellphone niya sa kanya, mabuti't nasalo niya dahil kung hindi siguradong noo niya ang tatamaan non. Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Dumeretso na ako ng akyat sa kwarto ko. Pabagsak kong isinara yung pintuan ko. Huminto ako sa tapat mismo ng pintuan ko at sumandal duon. Ngayon ko lang napansin nabumigat ang paghinga ko. How could she do that? Ako? kinalimutan niya na lang ng ganun ganon, tapos ako..argh! Damn it. Inis na pinagbabato ko yung mga gamit ko sa ibabaw ng table ko. Napahinto lang ako ng may kumatok sa pintuan. Pag lingon ko hindi ko pala naipinid yung pintuan.
"Chain? Okay ka lang ba dyan?" Tanong ni Amber. Marahil ay napadaan lang ito dahil kailangan mo munang madaanan yung pintuan ng kwarto ko bago yung kwarto ni Ares. Kinalma ko na muna yung sarili ko bago ako nagsalita.
"Ayos lang ako" Sabi ko sabay nilapitan ko yung pintuan para isara yon.
HAILEY
"Grabe ka naman kay Chain, hindi mo talaga sya natatandaan?" Kunot noong tanong ni Hara. Kahapon pa ako nito inuusisa about sa pag alis namin ng bansa ng mga kamag anak ko pero ngayon lang ito nagtanong tungkol kay Chain, I can't even say a word. Napangiwi ako sa lakas ng boses ni Hara. Grabe naman to "Ay! Ewan. Halika. Kumain na nga lang tayo sa cafeteria" Nakairap sa hangin na sabi ni Hara sabay hinila na ako sa cafeteria. Pagkaupo namin duon ay napansin ko pang ang daming tumitingin sa table namin, staring at Hara. Well,that's not questionable. Seriosly. Sa ganda ba naman ng kaibigan kong to ewan ko na lang "Alam kong mala-diwata ang mukha pero please. Oh.Gosh. Give me a break" sabi nitong mataray. Napalabi naman ako sa tinuran neto.
"Medyo mahangin bes.." Sabi kong nakalabi dito. Tumawa lang ito saka sumubo ng spaghetti. One thing I knew about Hara. She loves pasta "Kamusta ka pala? Kwento ka naman--hindi about sa 'kagandahan' mo ha?" sarcastic kong paalala dito saka ko sinundan ng tawa.
"Ano ka ba, given na yun no ba't ko pa ikukwento?" Nakatawa nitong sabi na ikinagulat ko. Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong kutsara sa sinabi nito. Napa-poker face na lang ako ng tinawanan ako nito "Hahaha joke eto naman" sabi nitong nakatawa. Napabusangot ako. Stating the obvious. Gusto kong sabihin na ang ganda niya talaga kaso baka mamaya bumanat pa ito eh baka siya na ang banatan ko. Kaloka tong isang to "So ayun nga, Mom and Dad agreed na dito na ako mag-enroll, akala ko nga totally free na ako dito pero hindi pala.." Sabi nitong biglang ngumuso.
"Bakit naman?"
"Edi syempre nandito si Chain at si Zerred. Yung dalawang asungot." sabi nitong nakalabi. "Hindi ko naman naisip na nandito yung dalawang then there, nakaenroll na ako nung malaman ko,bullshi-t right?" Sabi nito sabay bwisit na sumubo ng spaghetti "Ay ewan. Then..do you still remember my brother Cyfer?" Tanong nito.
"Yeah" Sabi ko pa.
"He's engage" Nakangiwing sabi nito "To Faye" sabi nitong ngumisi.
"Faye Sta.Maria?" Gulat na tanong ko. She nodded "Oh my gosh" Sabi kong sapo ang bibig. Knowing Cyfer, Faye's number one walking nightmare. Oh my G.
"How about you? Kamusta ka naman na?" Balik na tanong nito sa akin.
"Medyo okey..You know. Dating problema" Sabi ko dito. Alam na ni Hara kung anong problema ang sinasabi ko since matagal ko din siyang naging katawagan. Nahinto lang yun one year ago. Pero it doesn't matter now. Parang wala pa din naman nagbago sa pagitan ng friendship namin eh.
"Teka. May boyfriend ka na ba?" Biglang kabig ni Hara sa usapan. Ngumiti ako saka tumango. Hindi ko alam pero parang biglang nalungkot yung mata ni Hara "Ah,sino? Kilala ko ba?" Sabi nitong pinasigla yung boses niya. Ngumiti ako saka umiling.
"Nakilala ko sya habang nasa ibang bansa ako He's half japanese half fiipino. His name is Kaito Ozomo" Sabi kong nakangiti. I can imagine my boyfriend's smiling face.
"Do you have picture of him? Can I see?" Tanong nito.Ngumiti naman ako saka tumango. Mabilis pa sa alas cuatro na dinukot ko sa bulsa ko yung phone ko. Kahapon ko pa to hindi nabubuksan kasi naging busy din ako sa pagkakagahol sa mga naiwan kong school stuffs. Napakunot ang noo ko ng makita kong iba yung lock screen ng cellphone ko. I checked the phone. Tama naman. Eto nga yung cellphone ko. Pagkabukas ko ng lock eh same lang, yung basic wallpaper yung nanduon. Muntik na akong mapamura ng walang files na laman yung phone ko. Lahat,as in. Argh. I checked for memory card. Meron namang naka-insert. Napakamot ako ng ulo "What?" Tanong ni Hara ng mapansin na ang tagal ko.
"Uhm,I don't know. Nawawala yung mga files ko. Anu ba yan.." Reklamo ko. Inis na ibinalik ko na yung phone sa bulsa ko. Magsasalita na sana ako ng biglang mapatingin ako dun sa malapit na katapat na table namin ni Hara. Huling huli kong nakatitig si Chain sa akin. At ang walang hiya hindi man lang nag-iwas ng tingin. Nagawa pa nitong sumubo ng lasagna habang hindi nag iiwas ng tingin sa akin. What the ef? Mukhang napansin ni Hara yung tinitignan ko kaya lumingon ito sa gawi ng tinitignan ko.
"Hmm.." Nakangiting nakakaloko si Hara na lumingon sa akin "Looks like someone's gettin crazier" Sabi nitong nakatawa sabay bumalik sa pagkain. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito.
"Who?"
"Ako?" Sagot nitong lalong ikinakunot ng noo ko. Alam kong pinaglololoko lang ako ni Hara sa sagot niya. Tss. Naiiling na bumalik ako sa pagkain ko. Dahan dahan akong nag angat ng mukha ng maramdaman kong mainit na tingin sa akin ng kung sino--and heck. It's Chain,again. Napasapo ako sa batok ko. Hanggang kailan ba siya tititig sa akin?Nakakaasiwa na eh. Aish. Inis na tinitigan ko din ito. Nagagawa pa nitong kumain habang nakatitig lang sa akin, anong problema ng isang yon. Nung una gusto ko sana iwasan yung tingin niya pero argh. Nakakairita. So ayun na nga, nakipagtitigan ako sa kanya. I tried so hard na huwag kumurap. Aish. Ang hirap. Napaiwas na ang ako ng tingin nang mapansin kong parang ang landi ng pagkakasubo niya ng lasagna. I even saw him smirk.Tss "Can you feel it Hailey?" Biglang sabi ni Hara na nagpatingin sa akin sa kanya. Naningkit ang mata ko.
"What did you say?" Kunot noong tanong ko.
"I said, Okey ka lang ba?" Ulit ni Hara. Ano?parang hindi yun yung sinabi ni Hara eh. Hindi na lang ulit ako nagtanong dahil baka mali ang talaga yung dinig ko. Nang lumingon ulit ako kay Chain ay hindi na ito nakatingin pero hindi na din ito kumakain ng lasagna, He's now talking to his friends.
CHAIN
Seing Hailey's reaction is priceless. Napalingon ako kay Clyde ng biglang tapikin ako nito sa braso.
"Huy. Ano na naman yang tinitignan mo" Sabi nitong nakatawa. Ngumisi lang ako.
"Mind your own business" sabi ko sabay balik sa pagkain. Hindi pa ako nakakadalawang subo ng biglang kantyawan ako ni Zerred.
"Nagpapakabaliw na naman kasi yan eh" Sabi nitong nakatawa. Walang ibang tumawa sa mesa maliban sa kanya. Hindi nila na gets yung joke ni Zerred. Una sa lahat hindi naman nila kilala si Hailey. Si Hell, nakita ko pa ang onting pagtaas ng sulok ng labi nito. Nakabusangot na ibinaba ko yung kutsara ko "Uyy! galit na yan" Sabi nitong tumatawa pa. Pinilit kong magpoker face kahit na gustong gusto ko nang bumusangot ng sobra. Kaasar tong asungot na to. Imbes na bad-tripin ko yung sarili ko ay muli ko na lang liningon si Hailey habang kumakain.
You can't just forgot someone like me, Hailey.
You shouldn't.
BINABASA MO ANG
TYRANT 7: The Manipulator
General FictionTYRANT 7 Book 3: The Manipulator Chain Kendrick Mariano
