GAME 3: Student teacher

7.9K 163 0
                                    

HAILEY
Halos kakapasok ko pa lang ng classroom ng mapahinto ako sa paglalakad. OMO! Yung gwapong chinito nandito! Agad kong kinalabit yung kaklase kong mukhang naunahan pa akong mag-day dream kay Mr.Chinito.

"Huy!" Inis na kalabit ko dito. Nang hindi ako nito nilingon ay hinila ko ang buhok nito na ikinapiksi nito.

"Aray! Kailangan manakit?" Inis na sabi nito sabay irap sa akin.

"Eh kasi naman,kanina pa kita kinakalabit dyan eh" Inis na sabi ko sabay irap din dito.

"Bakit ba kasi? bilisan mo at may tinitignan ako" Sabi nitong irita na sa akin.

"Speaking of, sino ba siya?" sabi ko sabay nguso kay chinito na nakaupo sa unahan ng upuan ko.

"Ay hindi mo siya kilala?" kinikilig nitong sabi.

"Itatanong ko ba kung alam ko?" asar na sabi ko dito. Nagulat ako ng bigla ako nitong kurutin. Napamura tuloy ako "Aray" inis na hinampas ko ito.

"Siya si Chain. Ang gwapo no? papasa nang artista?lakas pa nang dating..hays! kaka-inlove" sabi nitong tumitirik na ang mata sa kilig.

"Oh tapos?ano pang alam mo?" kinikilig kong tanong dito.

"Ayun, matalino siya syempre. Bukod kay Hell siya ang nagta-top sa listahan ng mga estudyante dito. Grabe ano?"

"Ah" napanganga na lang siya sa sinabi nito. Ibig sabihin hindi lang ito gwapo, brainy din ang loko. Napangisi siya. Pero mas gusto pa din nya si Kaito. Kinilig ako nung maalala ko ang boyfriend ko. Natawa na lang ako sa sarili ko. Bawal nga palang kiligin sa iba baka magalit si Kaito. Walang atubiling umupo na ako sa pwesto ko sa likuran ni Mr.Chinito. Biglang lumabas yung kaklase kong tinanong ko kanina kaya kami na lang ni Mr.Chinito ang nasa room. Maaga pa kasi. Inatake ako ng pagiging masipag which is once in a blue moon lang. Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko sa arm table ko ng biglang nag unat si Mr.Chinito halos umabot na yung braso nito sa mukha ko kung hindi lang ako nakailag agad. Napapikit ako ng maamoy ko yung perfume niya. Argh. Gwapo, matalino, matangkad tapos mabango pa? argh. namumuro na tong lalaking to.

"Stop sniffing like a dog" sabi nito na ikinahinto ko. Dahan dahan kong idinilat yung mata ko at nakita ko itong nakaharap na sa akin. Nakatukod ang isa nitong braso sa sandalan ng upuan nito saka nakapilipit na nakaharap sa akin. nakasmirk pa ito. Inirapan ko ito para makabawi sa pagkapahiya. baka mamaya lumaki pa ulo nitong chinito na to.

"Excuse me,duh. Dun ka nga humarap. feeling ka" sabi ko sabay taboy dito na parang aso.

"But you're sniffing me" sabi nitong nakaharap pa din.

"Ang baho mo kasi, dun ka nga shoo!" sabi ko dito na ikinakunot ng noo nito pero halata sa mukha ang pagkagulat sa sinabi ko. Kinabahan naman ako dito bigla ng sumeryoso ang tingin nito sa akin saka biglang tumayo at derederetsong lumabas ng classroom. Napasapo ako sa dibdib ko. Ilang beses akong luminga linga upang tignan kung nasa paligid lang si chinito guy. Nang wala na ito ay nakahinga na ako ng maluwag. wew, buti hindi nagalit at lumayas na lang duh, ang awkward kaya nung dinahilan ko. pss.

Nang magsidatingan na yung mga kaklase ko ay nag umpisan na din na mag ingay yung mga madaldal sa room. Napairap na lang ako sa isip ko, medyo nakakamiss yung maingay na environment kaysa sa ibang bansa kung saan kailangan ko pang maging loner para lang hindi ako matunton nila auntie. bwisit talaga pag naalala ko yung mga panahon na yun. Grr. Napangisi ako bigla ng makita kong papasok si Mr.Chinito. Nakapoker face na naman ito. Napataas lang ang kilay ko ng makita ko itong dumeretso sa table ng prof namin.

"Good morning class, I'm Chain Kendrick Mariano, and I'm here as Mr.Ferrer's representative for student teacher day. Inshort I will be your teacher for today because as of now, Mr.Ferrer is busy with the other teacher on the faculty meeting with Mr.Weithermer" tuloy tuloy na sabi nito habang nakatingin sa tahimik kong mga kaklase. Napangisi ako ng makita kong halos tumulo na ang laway ng mga kaklase kong babae lalo na't sa tindig ng chinito na to eh siguradong mapapanganga ka. Bagay na bagay dito ang all white uniform nito tinernohan pa ng chinito na to ng eye glasses. Wew, hot na nerd.

Nagsimula ang klase na halos puro lalaki lang ang nakikinig, well. Infairness, magaling siyang magturo. Bago lumabas ay nahuli ko pa itong nakatitig sa akin. Hindi ko na lang pinansin since baka mamaya kaya ito tumingin ay dahil sa inasar ko itong mabaho kanina. Napasapo ako sa noo, ang sama ko talaga minsan. Anyway, who cares? Hindi naman talaga siya mabaho kaya hindi nya kailangan pang pakalmahin ang loob ng lokong yon na mukhang over confidence ang ganap sa sarili. Papalabas na ako ng classroom ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?" Kunot noong tanong ko sa caller na walang pangalan since hindi naka-register ang number sa contacts. Napabusangot na lang ako "Hello?ibababa ko na to kung wala kang sasabihin" sabi ko sa caller na wala namang kailangan kaya ayun pinatay ko na nga yung tawag "creepy" sabi ko sabay ibinulsa ko na yung phone ko. Dumeretso na ako sa cafeteria, napangiti ako ng maagaw ng isang apple green na kulay ng buhok ang tingin ko. Nagmamadali akong lumapit duon at niyakap ito. Naramdaman ko pa ang pagkislot nito ng magulat sa akin kaya napahagikgik ako.

"What the heck, Hailey?" inis na sabi ni wendy sa akin saka ako kinurot kaya napa-aw ako.

"Sorry na! Ang ganda kasi ng hair mo eh"sabi ko sabay ginulo ko yung buhok noya, binalik niya na ulit sa apple green. Nang makita kong malapit na itong mapikon ay huminto na ako saka ako umupo sa tapat nitong upuan.

"How's the day bitch?" tanong nitong mataray. Natawa na lang ako sa sinabi nito.

"Ang 'bitchy' talaga ni bessy" nakatawa kong sabi dito na ikinairap nito.

"Tss! buy your own food,luh" sabi nito matapos tapikin ang kamay ko ng tangkain kong kumuha ng fries sa plato niya.

"Tss.Okey fine. Whatever" sabi ko dito with matching sign ng whatever.

"Bitch ang attitude ko, ikaw ang bully mo plus bitchy ka pa hay nako" nakabusangot nitong sabi ni wendy sabay sapo sa noo.

"Hehehe,ganun talaga ang magaganda hindi nagpapaapi" sabi ko sabay flip ng hair. Tumawa lang ito ng sarcastic.

"Akala ko ako na ang pinakamalala sa mundo, then here you go. Pestering my lunch" sabi nitong nakatirik ang mata.

"Hehehe, ow thank you" nakatawa kong sabi sabay kuha ng burger nya sa plato na ikinalaki ng mata nya "thanks for the treat by the way" sabi ko sabay belat dito. Saktong pakasubo ko ng pakain ng makakita ako ng pamilyar na mukhang papasok sa cafeteria. Narinig ako ng mahinang tilian ng pumasok ang sa tingin ko ay mga barkada ni Mr.Chinito. So kailangan gwapo din mga kasama niya? luh.

"Bunganga mo bes isara mo naman, baka pasukan ng langaw yan. tss. yuck" maarteng sabi ni wendy sabay tinakpan ng tissue yung bibig ko. Hindi ko na lang pinansin si wendy at patuloy na tinitigan ang mga magagandang biyaya ng diyos sa kababaihan "Tss. You're literally drooling over those pigs" sabi ni wendy na naiiling. Nagulat ako ng biglang mapatili si wendy habang nakatingin sa akin sabay tumingin duon sa gawi nila chinito.

"Oh my god! are you--don't tell me you're drooling over that guy?" chismosang tanong ni Wendy.

"Of course not" nakairap kong sabi sabay tingin ulit sa mga ito na papaupo na sa isang table malapit sa dulo "I do have a boyfriend, and that's the reason why even if they are super drop dead gorgeous I won't even give them a chance..if ever, you know" sabi ko na seryoso sabay flip ng hair ko. Napamura lang si Wendy ng tamaan ito ng buhok ko sa mukha.

TYRANT 7: The ManipulatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon