Prologue

22.3K 323 2
                                        

Kasalukuyan kong nilalaro ang mga bagong laruang ibinigay ng tita Mira jane ko ng makarinig ako ng yabag ng mga paa. Tunog ng mga tumatakbong paa. Napabusangot ako. Ayoko ng may naririnig akong nag-iingay malapit sa kwarto ko. Alam yan ng magulang ko. Inis na sinilip ko kung ano yon. Napataas ang kilay ko ng makita ko ang nakababatang anak ni Tita Mira Jane na si Hara na hawak ang chess piece ni Daddy. Ayaw ni daddy na pinapakielaman ang mga gamit niya. Nagagalit talaga siya. Sinesermunan niya ang mga kasambahay kapag ganon. Pero syempre maliban sa amin ni mommy no. Akmang lalapit ako dito ng biglang may lumapit sa kanya na batang babae rin, halos kaedaran lang siguro namin yon kung titignan.

"Hara! Halika na. Aalis na daw tayo.."sabi nung batang babae sabay inakay na si Hara paalis. Napalingon pa nga sa akin si Hara. Kasunod nuon ay yung isa pang batang babae. Halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko. Siya na yata ang pinakamagandang babae na nakita-- of course my mom is an exception "Halika na hara.." sabi nito sabay hinila na nito si Hara paalis. Napabusangot ako. No one ever dare to ignore my presence Grr! That kid! Padabog na bumaba ako ng hagdan. Sinundan ko sila ng tingin. Hmp.

Ilang araw ang lumipas at napag-alaman ko ang pangalan nito. Her name is Hailey Arevalo. At anak pala siya ng kaibigan ng tatay ni Hara which is si Tito Jelo. Nalaman ko din na nasa iisang school lang kami. Dumating ang pasukan. Dahil matalino at maparaan ako. Alam kong magkaklase kami..Kahit hindi dapat. Hindi ko alam kung ginayuma ba ako nung batang babae na yun pero kapag tumitingin ako sa kanya napapatulala ako. Meron pa ngang isang beses na pinagtawanan ako ng mga kaklase ko dahil napatunganga ako sa kanya habang nagrerecite ako ng hindi ko napapansin. Inaasar pa nila akong tulo laway kahit hindi naman. Yung mga panget kong kaklase. Tss.

One time nung uwian. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bumili ako ng sunflower. Inabot ko sa kanya yon. Ngumiti lang siya pero wala siyang sinabi. The other day niyaya ko siyang makipaglaro sa akin pero ano? Tumanggi siya. Lagi siyang ganon nasa isang sulok. Hindi ko alam kung bakit. Madami ang gustong makipagkaibigan sa akin pero siya lang ang gusto ko. Ayoko sa iba. Lagi ko siyang sinusubukan kausapin pero kahit anong gawin ko hindi niya ako kinakausap ng matagal. Ang siste? Isang tanong isang sagot. Kaasar hindi ba? Hindi ko alam pero nabiktima yata ako ng love at first sight, Isa tong puppy love ika nga. Geez.

Isang beses umuulan. Akala ko ako na lang ang natitira sa school, yung yaya ko ang sabi hinihintay na ako sa malapit na 7 eleven malapit sa school, I strictly ordered her na ayokong makikita siya sa school. Hindi na ako baby no. Not like my other classmates na kailangan pang ipamper. I'm so smart. I know. I know. Palabas na ako ng building ng may makita akong isang babaeng estudyante na nakatayo lang don. Mag-isa. Nilapitan ko.

"Hailey?" Gulat na sabi ko ng makilala ko ito. Hindi ko inaasahan na nandito pa siya. Maaga kasing umuuwi si Hailey. Dahan dahan siyang lumingon sa akin.

"Chain" tipid na sabi nito saka muling itinapat ang kamay sa ulan. Sinasalo ng palad niya ang patak ng ulan.

"Nasaan ang sundo mo?" Pasimpleng tanong ko habang nakatitig sa kanya. She's really pretty.

"Wala pa eh.." sabi nito na hindi man lang ako nililingon.

"Wala pa? Gusto mo samahan muna kita?" Alok na tanong ko dito.

"Hindi na, mauna ka na" tipid na sagot nito sa akin.

"Eh, wala kang kasama eh.." Sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

"Ayos lang..sanay na akong mag isa..." sabi nito sabay umupo sa sahig.

"Huy! Mababasa ka!" saway ko rito.

"Ayos lang..ano ka ba, parang ulan lang.." sabi nito sabay ngiti. Yung ngiti na hindi umaabot sa mata niya. Napatitig ako ulit dito.

"Ayaw mo pa bang umuwi?" Tanong ko. Umiling siya. Napangiti kita! "Then, I shall stay too" sabi ko sabay ngiti. Napalingon siya sa akin. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Geez, she's really a cute girl.

TYRANT 7: The ManipulatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon