GAME 8: Forgotten

5.4K 123 0
                                        

CHAIN
Pagkaiwan ko kay Hailey sa loob ng detention room ay naglakad na ako paderetso sa dorm room ko. Pagkapasok ko pa lang sa loob ng building ng tyrant 7 ay sumalubong saakin ang naglalampungang Ares at Amber. Napabusangot ako ng marinig kong humagikgik si Ares imbes na si Amber. Hindi ito huminto kahit nakita na nito ang pagpasok ko.

"Get a room" Bwisit na sabi ko sa dalawa pero imbes na tumigil sa paghaharutan ay parang mas nang asar pa si Ares at nilakas pa ang hagikgik. Tss. Napairap na lang ako pagdaan ko sa kanila. Si Amber naman ay natawa pag kalagpas ko sa kanila. Pagkapanhik ko sa kwarto ko ay agad kong isinara yung kwarto ko. Dumeretso ako ng higa sa kama ko habang hawak ko ang cellphone ni Hailey. Inumpisahan ko nang kalikutin ang cellphone niya upang magkaroon ako ng access sa mga nasa loob nuon. Pattern yung lock ng cellphone ni Hailey kaya medyo mahirap--aw hindi pala. "Yes!" nakangiting sabi ko nang mabilis kong mabuksan ang cellphone ni Hailey. Unti unting nawala ang ngiti ko sa labi ng biglang makita ko ang wallpaper niya. Humigpit ang hawak ko sa cellphone ni Hailey. Sa litrato may kasama siyang lalaki na nakaakbay sa kanya at si Hailey naman halatang masayang nakangiti sa picture "Who the fuck are you?" naniningkit ang matang parang tanga na kinakausap ko yung lalaki sa picture. Mabilis kong kinalkal yung mga messages niya. And to my disappointment. Base sa mga palitan nila ng mensahe ay boyfriend niya yun. Tama nga si Ares, may boyfriend na si Hailey. Fuck.

Matapos kong kalkalin yung mga files ni Hailey ay napagpasyahan kong burahin yung mga files niya. As in. Lahat. Pati mga messages nung lalaking yon. Lahat as in. Napangisi ako sa ginawa ko. Matapos ng ginawa ko ay pumunta ako sa harap ng computer ko at nagbukas ng account ko sa facebook. Ginamit ko yung poser kong account sa facebook para i-add si Hailey para makakuha ako ng update ko tungkol sa kanya. And then ang sunod kong ginawa tinipa ko ang pangalan ng nobyo nito sa search bar. Kaito Ozomo sa friend list ni Hailey sa facebook,then. Bang!

"Tss. Mas lamang ka dyan"

"Ahhhh!"Halos matumba ako sa upuan ko ng biglang may magsalita sa gilid ko.Si Hara. Nakikitingin sya sa ginagawa ko sa facebook.Mabilis kong tinakpan ng katawan ko yung harap ng computer para hindi nya makita.Naiiling na tinignan ako nito.

"Don't worry! Hindi naman ako chismosa no. Ang korni mo ha" sabi nito sabay iniwan na ako sa loob ng kwarto. Napabuntong hininga na ang ako bago ako sumigaw.

"Next time learn how to knock!" sigaw ko. Naasar na sinigurado ko ang lock ng pintuan. Psh!

HAILEY
Isang malalim na buntong hininga ang inilabas ko matapos kong umupo sa isang bench. Hays.Inis na nilingon ko yung building ng tyrant 7.Badtrip lang eh.Sana pala natuluyan na lang akong madetention kaysa yung ganito, kaloka.Pero naisip ko wala eh,na-mental-block na ako sa sobrang kaba ko.Kaharap ko ba naman yung may ari ng school tapos isinumbong pa ako nung chinitong kulugo na yun na nag-ce-cellphone ko.Huhuhu!akala ko talaga yari na ako,buti na lang eto lang ang inabot ko.Jusko day.Anu ba naman to.Kasalukuyan akong nagwawalis ng biglang may tumawag sa pangalan ko kaya napalingon agad ako.

"Oh?Dexter?Anong ginagawa mo dito?"Tanong ko dito na nakanguso.

"Ikaw?Bakit ka na-detention?"nakatawang sabi nito na ikinairap ko.

"Ba't parang natutuwa ka pa?nang aasar ka ba?"bwisit na tanong ko dito sabay iniwasiwas ko yung walis tingting para maalikabukan sya.Nakatawang umiwas ito saakin.

"Hindi naman,ikaw naman kasi alam mo naman na mahigpit ang rules dito tapos nag cellphone ka pa"natatawa nitong sabi.

"Tss."hindi ko na lang ito sinagot.Magpapatuloy na sana ulit ako sa pagwawalis ng biglang abutan ako nito ng isang can ng softdrinks. Napangiti na lang ako saka ko kinuha yun."Wew,thanks."Sabi ko sabay binuksan ko iyon.Hindi pa ako nakakadalawang lagok ng biglang may bastos na umagaw nuon saakin at bigla na lang ibinato sa lupa yun can,nataksikan pa nga ako eh."Teka!Akin yun eh!"inis na sabi ko dito.

TYRANT 7: The ManipulatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon