GAME 23: Willing to share

3.8K 95 0
                                    

"Jealousy is  regressive phenomenon"
-Matteo Domingo.
My love from the star PH ver.

-----------

[CHAIN's point of view]
"Ayos na boss" Napatigil ako sa paglipad ng utak ko ng biglang magsalita ang isang tauhan ko.

"Buhay pa?" tanong ko na ang tinutukoy ko ay ang uncle ni Hailey at Hunter.

"Oo naman! sinigurado namin na buhay pa yon pag hinarap mo" nakangisi na sabi ni burn na bagong pasok bago i-abot saakin ang isang folder.

"Para saan to?" walang gana na tanong ko dito.

"Mga natitirang properties ng Arevalo sa kamay ng uncle at auntie nila hunter. pinapaabot yan ni master para sayo" makahulugang sabi ni Burn sa akin saka ngumisi.

"Mukhang malapit na nilang saarin ang pera nila hunter." sabi ko habang tinitignan ang mga laman ng folder. "Mukhang balak pa nilang ibaon sa utang si Hunter dahil sa ginagawa nila"

"Grabe, ang sarap ngang ipakain sa kalahi nyang buwaya eh. Mukhang sila pa ang may ganang manakit samantalang sila ang nang argabyado kila hunter" naiiling na saad ni Burn.

"Maghintay lang sila.. kapag nahanap na natin si hunter ako mismo ang maglalagay sa kanila sa dapat nilang kalagyan." tiim bagang kong sabi na ikinatawa ni burn.

"Grabe, patay na patay ka talaga sa kapatid ni Hunter no?" nakatawa nitong sabi na ikinalukot ng mukha ko.

"Ikaw, ba't ka tumatawa? hindi normal sayo yan"nakangising balik ko ng asar dito.

"Tss." sabi nitong balik sa seryosong reaksyon.

Matapos ng asaran namin ni burn ay dumeretso na ulit ako sa tyrant 7 building samantalang si burn naman ay nagsabi pang babalik pa daw sa laboratory.

TYRANT 7: The ManipulatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon