[CHAIN's Point of View]
"Eto na yung mga files na kailangan mo" masungit na sabi ni Xavier. Nakangising nilingon ko ito. "Stop giving me that type of smirk. baka hindi kita matantya" bad trip na sabi nito. I just shrugged. Alam ko naman na nabad trip ko si Xavier-- kahit bad trip naman na talaga sya.
"Hmm.. how's your future wife? does she look good? is she educated? does she have the curves you want? is she petite?" pang aasar ko dito. matalim na tingin ang ibinigay nito saakin.
"Shut it. will you? kung ayaw mong mag trabaho mag isa" pananakot nito na ikinatawa ko lang. imbes na tumigil sa pagbibiro ay lalo ko pa itong inasar.
"Could you love her the way you loved your present girlfriend?"nakangising sabi ko dito.
BLAG!
galit na hinampas nito ang table saka ako tingnan ng masama.
"I wouldn't love that kind of girl. such a pathetic kind of girl. so low" nasusuklam na sabi nito. knowing Xavier galit na ito ngayon. Ikaw ba naman ang pilitin ipakasal sa iba eh. Well,buti na lang hindi ganon sila daddy. hindi sila mahilig sa fixed marriage.
"Knowing you Xavier Aragon,alam ko na ngayon pa lang nakikita ko nang impyerno ang sasapitin ng future wife mo sayo" nakatawang sabi ko. inis na tumayo ito at badtrip na lumabas ng office. wala din kasi sa mood ang loko. pero okey lang. iyon naman talaga ang gusto ko. Ang lumabas sya at iwanan ako. I can do this job without him. without anybody's help.
After an hour humahangos na damating si Hara. Sapo pa nito ang dibdib sa hingal.
"What are you doing here? hara? baka mamaya awayin pa ako ni hell dahil nandito ka" nakabusangot na sabi ko. the last time na napahamak si Hara lahat kaming miyembro ng tyrant 7 nasabon ni master. Nakataas ang kilay nito habang nakapamaywang sa harap ko.
"Lagot ka talaga kay Hell pag inaway mo ako" mataray nitong sabi. I chuckled. Kahit kailan talaga isip bata ang isang to.
BINABASA MO ANG
TYRANT 7: The Manipulator
General FictionTYRANT 7 Book 3: The Manipulator Chain Kendrick Mariano
