HAILEY
Halos hindi ako makapili ng damit na isusuot ko para sa paglabas ko sa University! Grabe!parang imposible ano? Pumayag ng ganun ganun na lang yung kulugo na yun?Hmm. Napahinto ako sa pananalamin ng biglang makaramdam ako ng konsensya. Hindi ko man lang nakilala si Chain nung una ko siyang makita. Ni pagkapamilyar wala. Haist, feeling ko ang sama kong kaibigan sa kanya--kung kaibigan nga ang tingin sa akin ng kulugong masungit na yun. Hmp. Inis na ibinaba ko muna yung mga damit ko sa higaan. Mabilis akong pumunta sa kusina at nagkalkal ng kung ano duon.
"Oh? Anong hinahanap mo dya--don't tell me magluluto ka ng pasta?" Biglang excited na sabi ni Wendy habang nakatingin sa akin. Ngumisi naman ako saka lumingon dito.
"Yup"
"Oh em gi! Pahinge--"
"Opps. Sorry girl, pero may pagbibigyan ako nito" Tipid na ngiting sagot ko dito. Nakabusangot na nilingon ako nito.
"Sino naman yang masuwerteng nilalang na yan?" Sabi nitong nakataas ang kilay na nakacrossed arms pa.
CHAIN
Hindi na talaga ako nakatulog dahil sa sobrang kakaisip ko sa paglabas ni Hailey sa W.U. ngayong araw na to. Inis na ibinato ko yung brown envelop na naglalaman ng mga litrato, at detalye about dun sa hapones na nobyo ni Hailey. Saktong pagkabato ko ng bumukas ang pintuan kaya naglanding iyon sa paanan ni Hell na kakapasok lang. Hindi na ako nag-abalang unahan itong kunin. Anong sense nun? eh siguradong malalaman din naman niya kung anong laman nun. Tss.
"Wow, I never thought na ganito ka karesourceful para makakuha ng ganito kaimportanteng details about sa Kaito Ozomo na yun" Nakangisi nitong sabi habang binabasa ang mga impormasyong nakuha ko sa mokong na yun.
"Tss. That's just a piece of cake. Ano namang karesoresourceful ka dyan?" Nakabusangot kong sabi "Wala pa akong tulog kaya wala ako sa mood makipag biruan" Masungit na sabi ko dito na ikinatawa nito.
"Kidding me right? Kahit naman matulog ka ng bente cuatro oras eh mahihirapan pa din kaming hanapin ang timing ng pakikipag biruan mo" Sarcastic nitong sabi sa akin.
"Tss." Hindi ko na lang ito sinagot. Abala itong magkalkal sa mga personal information ni Kaito Ozomo. Napangiti ako ng marinig kong tumawa si Hell.
"Wow, Ikaw na Chain. Ikaw na talaga ang manipulator" Sabi nitong ibinaba na ang brown envelop sa table ko "Grabe. I pity her" sabi nitong naiiling. Ngumisi ako.
"I told you, Hindi ko hahayaang mabalewala ang ilang taong kong paghihintay dahil lang sa isang yon. Biruin mo. Parang tinutulungan pa ako ng tadhana sa isang yon" Hindi makapaniwalang sabi ko dito.
"Oo na. Sana lang hindi ka magkaproblema" Sabi nito sabay akmang lalabas na nang biglang bumalik pa dahil may nakalimutan pa yata "Oo nga pala. May iniwan si Hailey kanina bago sya lumabas ng school" sabi nito sabay nauna lumabas ng kwarto. Napakunot naman ang noo ko. Iniwan? Madali akong bumaba upang tignan kung ano yun ng biglang mapadaan ako sa kusina, naabutan ko sila Burn na nakapalibot sa isang tupperware na may carbonara. Napapikit ako sa bango nung pasta. Napalunok ako. Akmang sasandok na si Ares ng biglang may tumapik sa kamay niya. Yung girlfriend niyang si Amber. Napabusangot ako, pag ganito ang senaryo malamang ang susunod nito eh yung mga nakakaumay nilang lambingan.
Papalabas na sana ako ng kusina ng biglang hinarang ako ni Amber. Tinaasan ko ito ng kilay "What?" masungit na tanong ko dito.
"Para sayo to" Sabi nito sabay inabot sa akin yung malaking tupperware. Napabusangot naman ako.
"Ano ba to Amber? Hindi ako mahilig sa pasta. Ibigay mo na lang to sa kanila.." Sabi ko sabay abot pabalik nung tupperware. Naghiyawan naman yung mga kaibigan kong nasa kusina lahat maliban kay Hell na mukhang naglilibot na naman.
"Sigurado ka?" Tanong ulit nito.
"Wag mo nang tanungin yan! halika na at lantakan na natin yang masarap na carbonara na yan!" Nakangiting sabi ni Zerred na halatang gustong gusto nang kumain. Tumango na lang ako. Kibit balikat na ibinalik ni Amber yung tupperware sa mesa na mabilis na pinag agawan nung mga loko. Naiiling na lumabas na ako ng kusina, sakto naman na makakasalubong ko si Wendy. Nakakunot ang noo nitong tinignan ako.
"Saan ka pupunta?" Tanong nito sa akin na ikinairap ko.
"Wala kang pakielam" sagot ko dito na akmang lalagpasan ko ng biglang hampasin ako nito sa braso na ikinalaki ng mata ko sa gulat "Anong problema mo? bakit ka ba nanghahampas?" iritang tanong ko dito. Ang sakit niya kayang manghampas.
"Nasaan yung carbonara?" Inis na tanong nito.
"Nandun nilalantakan nila.." Tipid kong sagot dito.
"Ano?!" Hindi makapaniwalang sabi nito sabay nagmamadaling pumunta sa kusina. Mabilis nitong tinakpan yung tupperware saka kinuha ito.
"Uy! Ano ba yan!" Reklamo ni Clyde "Wendy!"
"Bitin!" Reklamo ni Hunter.
"Saan mo dadalhin yan wendy?Uyy!" Ungot pa ni Burn.
"Tss! damot" Ani ni Zerred.
Inis na lumapit sa akin si wendy sabay padabog na inabot sa akin yung tupperware.
"Ayoko nga!" asar na sabi ko. Nagulat ako ng isa pang hampas ang natamo ko dahil dito "Wendy!"
"Napaka mo! Luto ni Hailey yan! napakapabebe mo ha?" Asar na asik nito na halos pabulong lang. Napakurap ako. Napatitig ako dun sa maliit na stickynotes dun sa gilid.
Thank you pala dun sa favor, sana magustuhan mo tong luto ko.
-Hailey.
Dahan dahan akong nag angat ng tingin dun sa mga nasa table. Napasapo ako sa sentido ko ng makita kong wala na yung mga kumakain dun. Si Amber at Wendy na lang ang kasama ko sa kusina. argh!
HAILEY
"Welcome back Ms.Arevalo" Nakangiting bati nung guard. Ngumiti na lang ako ng pilit. Nang makapasok ako ng tuluyan ay hindi ko na napigilan na maiyak. Grabe eto pala ang mapapala ko pagkatapos kong humingi ng favor kay Chain. Pagkatapos kong mag-effort para lang makita sya.Napasapo ako sa mukha ko. Dahan dahan akong naglalakad habang umiiyak paabante. Napahinto lang ako sa paghikbi ng biglang may mabunggo ako. Pag tingala ko eh medyo kinusot ko pa yung mata ko kasi medyo nahihirapan na akong idilat kakaiyak ko.
"C-Chain.." Mahina kong sabi.
"Are you crying?" Kunot noong tanong nito. Umiling ako. He 'tsk'. "You're not a good liar Hailey"sabi nito sabay biglang hinila ako sa kamay kaya medyo nahilo ko. Dahil kakaiyak ko eh medyo nanghihina ako. Ang layo na nga ng byahe ko bokya pa napala ko. Malas.
"A-Ano ba?" Mahinang sabi ko dito habang pinipilit kong bawiin ang kamay ko dito.
"Let's eat. Alam kong hindi ka pa kumakain" Sabi nito sabay hinila na lang ako bigla. Napabusangot ako.
"I'm full. Hindi ko ako gutom, so please. Uuwi na ako" sabi ko sabay akmang babawiin ko na ang kamay ko ng hindi nito iyon bitiwan.
"I'm not asking you." Sabi nitong masungit. Hindi na lang ako nagsalita ulit kasi baka mamaya eh ako pa pag initan nitong masungit na bakulaw na to. Pagkadating namin sa tyrant 7 building ay dumeretso kami sa kusina. Napangiwi ako ng makita kong lasagna ang inihahain niya "What?" iritang tanong nito. Umiling lang ako. Mas naiiyak yata ako sa kinakain ko. Hindi ba pwedeng wag naman lasagna? Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang kumakain "Yung sipon mo, kadiri ka. Baka mapunta sa lasagna" sabi ni Chain sabay biglang pinahid yung nasa ilong ko.
"Aray! Baka mabura na yung nguso ko nyan" Reklamo ko.
"Tss."
Tahimik lang kaming kumakain ni Chain. My day doesn't went well as I thought. Hindi ko alam kung anong malas ang meron ako at nawawala sa akin yung mga taong mahal ko. Napangiti lang ako ng mapait ng biglang mapatingin ako kay Chain. Hindi ko lang maisip kung paanong sa kulugong to ko nakuha yung comfort zone na kailangan ko sa oras na to. At sa lasagna niya.
Oo, comfort zone. Kunwari na lang, since bihira lang naman maging 'medyo' friendly' ang isang to. Salamat sa comfort zone ng bakulaw na to. Kahit paano nakakalimutan ko ang mga masasakit na sinabi ni Kaito sa akin.
"Ubusin mo yan ah" Masungit na sabi nito na ikinangiti ko.
BINABASA MO ANG
TYRANT 7: The Manipulator
General FictionTYRANT 7 Book 3: The Manipulator Chain Kendrick Mariano
