GAME 31: Pathetic

3.8K 88 4
                                        

[HAILEY's Point of View]
"Oh ang aga aga nakabusangot ka. malas yan"sita ni wendy saakin paglabas nya galing sa c.r. hindi ko ito pinansin at nagpatuloy na lang sa pagbusangot.

"Minsan talaga ang hirap intindihin ng mood ni chain, minsan okey.. then one moment he's acting like you did something bad,then he's gonna push you away. ang gulo nya"nakabusangot na sabi ko sabay dampot ng chitchirya. nakakatatlong subo pa lang ako ng biglang may pumasok na depungas sa pintuan.

"Good morning!"bati ng bagong dating na hindi namin pinansin ni wendy."grabe sungit naman ng mga tao dito,don't tell me both of you have your days.. you know what I mean.."sabi nitong ni kinalukot ng mukha ni wendy.

"Like what the heck.napakatsismoso mo Zerred pati ba naman yon!"namumulang sabi ni wendy.ngumisi lang si zerred. napairap na lang ako. buti pa tong isang to palabiro ewan ko ba dun sa chain na yun lagi na lang nagsusungit.

"Oh anong iniirap irap mo dyan Hailey?"usisa ni Zerred saka ipinatong ang braso sa likod ng sinasandalan ng inuupuan ko.

"Si chain kasi nagsusungit na naman"reklamo ko dito. bigla itong humagalpak ng tawa na ikinalukot lalo ng mukha ko."May nakakatawa ba sa sinabi ko?"tanong ko dito.

"Wala.Kase normal lang naman kay Chain ang magsungit no. what's new?"nakatawa nitong sabi.napalabi ako.

"Kung sabagay." kibit na sabi ko sabay dampot ng ubas na nasa mangkok."Hindi sya si chain kung hindi sya masungit"sabi ko sabay kumuha ulit ako ng ubas sabay ngumuya.nasa ganoong eksena kami ng biglang may kumatok--or shall I say may balak wasakin ang pintuan sa lakas ng kalabog nito."Sandali lang!"sigaw ko sabay nagmamadaling lumapit sa pintuan para buksan ang pintuan.

sa gulat ko ng biglang makita ko kung sino ang may balak sumira ng pintuan ay nailuwa ko yung buo pang ubas sa bibig ko.

"Speaking of the devil"nakangising sabi ni Zerred.Nanlalaki ang mata kong nakatingin dito habang ito naman ay walang kaabog abog na pumasok sa loob ng kwarto namin ni Wendy."What are you doing here chain? ang aga mo naman maging stalker"sabi ni zerred na nasa tono ang pang aasar.

"Stalker? nino?" curious kong tanong ng makabawi ako sa pagkashock.

"Ko. stalker ko yan si Chain eh" nakatawang sabi ni zerred habang nakatingin kay chain. nang lumapit ako sa mesa ay nakita ko kung gaano kasama ang tingin na ipinupukol ni chain kay Zerred. Poor you,Zerred. Ikaw yata ang pag-iinitan ni kulugong chinito. Naiiling na bumalik ako sa upuan ko.Napanganga na lang ako ng biglang umupo sa tabi ko si Chain. bale napapagitnaan ako ni Zerred at chain.

TYRANT 7: The ManipulatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon