[CHAIN's Point of View]
Yung balak kong isalang sa torture room si Rodolfo ay nagbago ng mapansin kong inaapoy na naman ng lagnat si Hailey."Bakit mo kasi sya hinayaan na pumasok? alam mo naman na kakagaling nya lang sa sakit eh" panenermon ko kay Hara ng maabutan ko itong nag aalmusal. Maya Maya pa'y sumabat na si Zerred.
"Grabe ka naman chain, pag almusalin talaga ng sermon yung tao? di ba pwedeng mamaya na lang?" nakapoker face na nilingon ko ito saka tinignan ng masama. "Chill, grabe naman oh. "sabi nitong bumalik na sa pagkain.
"Bayaan mong mag sermon kuya Zerred feeling guardian kasi yan ni Hailey eh" balewalang sabi ni hara na tinawanan ng mga kasama namin sa kusina. Si Burn at Hell lang ang wala sa hapag. namula ang tainga ko sa sinabi ni hara.Grr.
"Oh? namumula na ang tainga ni Chain, Tama na baka mapikon yan" pasimpleng kantyaw ni Ares.
"Ay.. pikon"parang batang pang aasar ni Clyde.
"Shut it."inis na warning ko sa kanila.
[HAILEY's Point of View]
Masakit ang ulo na napabangon ako sa higaan ko ng wala sa oras dahil sa matinding gutom na nararamdaman ko. napakunot ang noo ko ng mapansin kong nasa hindi pamilyar na kwarto ako."Sh-t" I murmured after feeling the same pain in my head. dahan dahan akong bumaba sa kama at nakayapak na tinungo ang pintuan. Napahinto lang ako at napalingon sa isang pinboard ng may umagaw sa pansin kong maliit na litrato. Dahan dahan akong lumapit dito at kinuha ang picture dito na two by two. "Teka ako to ah.." kunot noong sabi ko. Ngayon curious na talaga ako kung kaninong kwarto to. Maingat akong naglakad palabas ng kwartong iyon. palabas ko isang hallway ang sumalubong saakin. Instead na kung saan ako maglibot I choose to go in the way where stairs is. pababa pa lang ako ng hagdan ay naririnig ko na ang malalakas na pamilyar na boses.
"Damn it! He's blushing!" kasunod nuon ang malulutong na halakhakan.
"Yan kasi bababa baba dito sa kusina tapos biglang manenermon lang naman.."
"Feeling.like luh" maarteng sabi ng isang boses na sobrang pamilyar saakin. Hara?
mabilis kong pinuntahan yung pinanggagalingan ng ingay. And to my surprise. Isang masayang kainan ang sumalubong saakin. "Hailey!" nakangiting baling ni Hara saakin. Mabilis nitong binitiwan ang kurbyertos at tumakbo para salubungin ako ng yakap."buti nagising ka na, nag alala talaga ako sayo.buti na lang nakita ka ni---hmppf!!!" sabi nito matapos kumalas sa yakap. hindi nga lang nito natapos ang sasabihin dahil bigla na lang may palad na tumakip sa bibig nito. "Ano ba Zerred! ang panget ng kamay mo!" galit na sabi ni Hara.
BINABASA MO ANG
TYRANT 7: The Manipulator
General FictionTYRANT 7 Book 3: The Manipulator Chain Kendrick Mariano