GAME 5: His own way

6.5K 156 0
                                        

HAILEY
Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa room ko ng makarinig ako ng tilian. Napabusangot naman agad ako. Ang aga aga tong mga to nanlalalaki. Napapailing na umupo ako saka ako nag umpisang magbasa ng libro. Dinig na dinig sa room namin yung ingay ng mga babae sa gymansium.

"Halika na Hailey! Ang daming gwapo sa gymnasium ngayon!" Nakatiling sabi ng isa kong kaklase iiling pa lang ako ng bigla na lang ako nitong hilahin. Naiwan yung mga gamit ng mga estudyante sa classroom. Papasok pa lang kami ng makarinig ako ng nakakabinging hiyawan.

"GO GO GO BLACK DRAGONS!" Napangiti na lang ako dahil parang ang saya ng aura dito sa gymansium. Ang sigla nung mga nanunuod. Napatingin ako sa score board. Kaya naman pala,lamang ang school namin sa practice game.Napangiti ako "GO GO GO BLACK DRAGONS"

"Ang gwapo nila ano?!" Nakatiling sabi ng kaklase kong nanghila sa akin.Tumango naman ako. Ang gwapo nga nung mga naka asul na uniform galing sa ibang school na itinuro nito "Pero syempre mas gwapo ang members ng tyrant 7!" Napalingon naman ako sa kabila kung nasaan yung mga lalaking naka itim na basketball jersey. Napanganga na lang ako.

^o^

"Wow..ang gwapo nga nila girl" Sabi ko dito habang nanghahaba ang leeg ko. Grabe. Ang hot nung mga member ng tyrant 7. Napatingin ako sa mga number sa likod ng jersey nila pati sa surname na nakasulat duon. Una kong tinignan yung mga nakaupo sa bench.

Number eleven,Weithermer.Yung lalaking tahimik na nanunuod na mukhang masungit.

Number nine,Seyfried. Katabi ni Weithermer na isa pang mukhang masungit. Tss. Bagay nga silang magkatabi. Pero ang howt pa din nila!

Kasunod nuon ay yung mga players naman na busy sa paglalaro. Oh my, ulam na ulam ang dating ha.

Number sixteen,Kendrick. Yung lalaking kung makangiti artista, well. Artistahin naman talaga. Ayy--siya yung laging nakasunod sa karoommate ko na si Wendy. Tss.

Number six,Arevalo. Gwapo din,at medyo maangas ang dating.

Number fourteen,Larena. Syempre gwapo din, medyo singkit onti nasa mukha ang pagiging babaero.

Number seven,Greyfield. Gwapong gwapo!Naku, nakita ko na tong lalaking to sa building ng mga polsci eh! Kakilig. Kaso taken na siya. Uhh. Pero ang gwapo pa din nila!

Halos malaglag ang panga ko sa huling miyembrong nakita ko "For real?" Nakataas ang kilay kong sabi.

Number four,Mariano.

"Tss,akala mo kung sinong makapagreklamo sa fan girls nya eh malamang talagang magkafan girls siya eh varsity siya, tss. Daming alam" bulong ko sa sarili ko.Naiiling na lang ako habang nanunuod ako sa galaw ng mga ito.

"Wahhhh!ang gwapo nila! GO GO GO BLACKDRAGONS!" sigaw ng mga nasa gymnasium. Napatakip ako sa tainga ko ng biglang magtilian ang mga babae ng makashoot si Number seven ng Blackdragons. Oh my gosh, ang lakas ng sigaw kay Greyfield sa lagay na yan?wew. Napasapo ako sa tainga ko ng muling nagtilian "GO GO GO BLACKDRAGONS!" sa pagkakatong ito ay si number four naman ang nakapoints. Napangiti na lang ako.grabe ang ganda ng atmosphere sa gymnasium, ang sigla. Paano'y tinambakan ng weithermer black dragons ang kalaban na kupunan. Edi sila na.

Natapos ang laban na lamang ang Weithermer black dragons mula sa kalabang kupunan. Naglalakad na ako palabas ng gymnasium ng biglang maramdaman kong may nakasunod sa akin. Agad akong napalingon pero ganun na lang ang kaba ko ng paglingon ko eh wala namang tao. Napahawak na lang ako sa batok ko. Kainis. n
Nagiging paranoid na yata ako. Dumeretso na ako sa locker ko since kailangan ko pang mag ayos ng mga gagawin ko. Tambak ang homework. Badtrip. Kakabukas ko pa lang ng locker ko ng biglang may magsalita sa gilid ko kaya napakislot ako.

TYRANT 7: The ManipulatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon