GAME 4: Fan girls

6.6K 138 1
                                    

HAILEY
Kakarating ko lang sa room ko for my first class after lunch ng mapansin kong ang daming tao sa labas ng classroom. Pagkapasok ko at napansin kong nakabusangot si Mr.Chinito, well. Bago ito hindi siya nakapoker face. Napangiti ako sa naisip ko. Napabusangot lang ako ng makarinig ako ng mahihinang tili na parang naiipit na lata. Saktong pagkaupo ko ng biglang pabalabag na tumayo si Mr.Chinito at biglang pinagtutulak palabas yung mga nakadungaw sa pintuan in not so nice way. Napangiwi ako.

"Get out!" bulyaw nito sa mga babae na parang wala lang. Yung mga babae naman parang kinikilig pa din. Napapailing na lang ako ng bumalik si Mr.Chinito sa upuan nito. Nahuli nito ang pag iling iling ko "What's that for?" Kunot noong tanong nito sa akin. Nagpalingon lingon ako. Wala pa palang ibang tao.

"Ako?" kunwaring tanong ko sa kanya habang nakaturo sa sarili ko.

"No, Not you. The chairs" sarcastic na sabi nito na ikinatawa ko, na siyang ikinakunot ng noo nito.

"Hahaha! sorry na. Badtrip agad?" sabi ko ditong nakatawa "Bakit ba ang sungit mo?meron ka bang time of the month?" nakatawa kong sabi. Akala ko tatawa siya pero ayun, nakatingin lang siya sa akin ng blanko kaya napilitan akong tumigil sa kakatawa "Bakit ba kasi parang anti-social ka ha?" tanong ko dito. One corner of his lips twitched. Napatitig tuloy ako sa kanya lalo. Alam kong gwapo siya pero bakit lalo siyang gumwapo sa paningin ko? Err.luh.

"I'm not anti-social,I'm anti-idiot" sabi nitong nakangisi sabay umupo na sa upuan nito at bumalik sa pagbabasa gaya ng ginagawa nya bago ako pumasok kanina.

"Tsk, sayang naman ang dami mo pa namang fan girls..." Sabi ko dito.

"Who said I want to have those crazy fan girls?" Sagot nito na hindi humaharap.

"Tss. Kahit na hindi mo gusto maswerte ka pa din dahil kahit na medyo masama ang ugali mo gusto ka pa din nila" sabi ko dito na ikinalingon niya. Tinignan niya ako ng masama kaya nag-iwas ako ng tingin.

"They only like my physical appearance not me, and definitely not my attitude" sabi nito sabay tumalikod na ulit sa akin.

"Hindi kay---"

"Stop talking, You're talking nonsense" sabi nitong ikina-shut-up ko. What the hell. Ang lakas ng loob nitong barahin ako ng shut-up. Imbes na sagutin pa ito ay nag-shut-up na lang ako dahil ayokong makipag away. Babalik na sana ako sa pagbabasa ng biglang may pumasok na mga babae sa loob ng room at inabutan ng isang lunchbox si Chain.

"Para sayo pala Chain, ako nagluto nyan. Baka kasi--" hindi pa natatapos ang sasabihin nung babae ng biglang tabigin ni Chain ang lunchbox. Natapon yung laman na pagkain.

"Aren't you aware that I am a member of tyrant 7?" Iritang sabi ni Chain. Nanigas naman sa kinatatayuan yung babae.

"Y-Yes"

"Then why are you here giving me those trash?" Inis na sabi nito "Pick those up, and get the hell out of here. Or else I my self, will personally kick you out of this room" sabi nitong nagbabanta. Naiiyak man ay nanginginig na pinulot nito ang mga nalaglag na pagkain. Akmang tutulungan ko itong magpulot ng biglang may kamay na pumigil sa pulsuhan ko. Napatitig ako dito.Si Chinito. Akala siguro nito madadala ako sa pagkachinito niya. Inis na malakas kong tinapik ang kamay nito. Kitang kita ko sa mata nya ang pagkagulat. Yung singkit niyang mata ay biglang nanlaki. Nagmamadali kong tinulungan si ate girl hanggang sa makalabas ito. Umalis na ito pagkatapos magpasalamat. Tango lang ang sinagot ko dito. Akmang papasok na ako ng mapahinto ako sa sama ng tingin sa akin ni Chinito. Inirapan ko na lang ito saka ako naglakad pabalik sa upuan ko.

"Gusto mo bang maparusahan?" Inis na tanong nito sa akin. Nakaramdam man ng takot ay agad ko itong iwinaglit sa isipan ko at walang tingin tingin na hinaklit ko yung bag ko sa upuan at dinampot ko yung gamit ko sa table ko. Palagpas na sana ako ng biglang hatakin nito ang bag pack ko kaya hindi ako makaabante. Inis na nilingon ko ito.

"Ano?" Tanong ko ditong medyo mataray.

"You're going to cut your class? are you sure?gusto mo talagang maparusahan?" tanong nitong nagbabanta.

"Excuse me no!" sabi ko sabay hampas sa kamay niyang nakahawak sa bag ko gamit ang librong hawak ko. Agad naman itong napabitaw "Una, hindi ko gustong maparusahan or mag-cut kasi hindi ko gawain yon, at pangalawa. Hindi po ako mag-cu-cut lilipat lang ako ng pwesto medyo hindi kasi maganda ang aura dito sa side na to. Lilipat lang ako okay?" sabi ko ditong nang aasar saka ako naglakad papunta sa likod. Asar. Paano ako naturn on sa malahalimaw na ugali ng lalaking yon? tss. Buti na lang at may boyfriend na ako kung hindi malamang isa na din ako sa mga baliw na babaeng naging fan girl ng kulugong chinito na yun.Tss.

---

MATAPOS ang klase ay dumeretso na agad ako sa cafeteria. Syempre, saan pa nga ba eh di syempre kung saan ako mabubusog. Gusto ko sana mag mall kaso tinatamad ako, so dito na ako bumagsak sa cafeteria. Pagkaupo ko sa upuan ko ay agad kong ibinaba yung bag ko. Hindi pa ako nakakatayo ng biglang may nagpatong ng isang punong tray sa harapan ko. Napangiti ako ng makilala ko ito.

"Oh? Dex?" Gulat na tanong ko dito. Sabay napatingin sa pagkaing dala niya.

"Makikitable lang sana" sabi nitong kibit sabay ngumiti.

"Ah ganun ba" sabi ko sabay pasimpleng inilibot ang tingin,oo wala na ngang ibang vacant table maliban dun sa table ng mga siga dito sa school "Sige dito ka na, bibili lang--" hindi pa ako nakakatayo ng pigilan ako nito.

"Eto na oh, hati na tayo" sabi nito sabay iniayos na yung mga plato sa mesa. Napangiti naman ako.

"Nakakahiya naman" pasimple kong sabi kahit kain na kain na ako.

"Okay lang yan" sabi nito sabay nag umpisa na kaming kumain. Not knowing na may palihim na palang sumasaksak ng tingin sa amin ni dexter ng tingin mula sa pintuan ng cafeteria.

TYRANT 7: The ManipulatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon