GAME 6: Stalked Her

6.3K 136 0
                                        

CHAIN
Hindi naman ako busy nitong mga nakaraang araw since hindi naman ako ang tipo ng estudyante na nagagahol sa oras ng review. Kumbaga. Ako yung tipo ng estudyante na pachill-chill lang sa klase dahil alam ko naman na kahit hindi ako makinig ay papasa ako sa mga exams na ibibigay ng subject instructors. Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro ng biglang may pumasok sa kwarto ko ng hindi kumakatok.

"Wohoo!Tama na ang kakabasa mo dyan Chain!matalino ka na!" Masayang bungad ni Ares pagkapasok nito ng kwarto ko. Napairap ako sa isip ko. Isa sa mga ikinabibilib ko kay Ares ay ang pagnagagahol ito ng review, kahit na sandali lang ay mabilis nitong matandaan. Grabe din ang memorya ng isang to, hindi lang halata sa mukha.

"What are you doing here?Hindi ka ba marunong kumatok?" Asar na sabi ko dito. Ayoko pa naman na may pakielamerong basta basta na lang pumapasok sa kwarto ko.

"Katok?eh nakabukas na kaya yung pintuan" Nakangiting sabi nito saakin bilang dahilan. Parang biglang gusto ko syang kutusan sa mukha. Kahit isa lang.

"But still,you should've knock before--"

"blah~blah~dami mong alam, sayang may nalaman pa naman ako kay Hailey mo pero sige na wag na mukhang hindi ka naman interesado. Aalis na ak--" Akmang hahakbang na ito palabas ng mabilis akong tumayo at hinawakan ito sa kwelyo nito upang hindi ito makaalis sa kinatatayuan nito. Kitang kita ko ang pagguhit ng ngisi sa labi nito na ikinabusangot ko.

"Now,tell me. What is it?" Tanong ko dito matapos ko tong bitawan sa kwelyo. Nakaharap na ito sa akin. Kitang kita ko na ang nakangiti niyang mukha. Bwisit. Hindi ko alam kung pinaglololoko ba ako ng isang to o ano eh.

"Say the magic word" Nang aasar na sabi nito habang nakataas baba ang kilay. Napabusangot ako. Nang mapansin nitong hindi ako natutuwa sa joke niya ay mabilis itong nagseryoso. They know me, may oras na hindi talaga ako nakikipagbiruan. Alam nilang wala silang mapapala sa akin kapag naasar ako--meron pala. Black eye pwede pa.

"What is it?" Madiin na ulit ko sa tanong. Napa-ehem muna siya bago magsalita saka tumingin sa akin ng seryoso.

"Hindi ka ba gumawa ng malawakang background check about Hailey?" Kunot noong tanong ni Ares sa akin na ikinabwisit ko.

"Bakit hindi mo na lang deretsuhin ang sasabihin mo Ares?" Nakabusangot kong sabi dito.

"I'm just saying na sana ginalingan mo pa, kanina kasi nung ihahatid ko na si Amber sa dorm nya eh nabanggit niya si Hailey. Nakilala na din pala ito ni Wendy.." Sabi nito.

"Oh tapos?Alam kong kilala nya si wendy dahil dorm mate nya ito--"

"That's not the news I brought for you. Hindi mo ba alam na may boyfriend na si Hailey?"

Napahinto ako sa sinabi nito. F-ck. Boyfriend?Lalong nagusot ang mukha ko sa sinabi. Biglang nabitawan ko yung libro.

"Oh--looks like you don't really have that idea in your big head" Sabi ni Ares na nakangiwi. "And oh,by the way. I gotta go. May date pa kami ni Amber" Bago ito lumabas ng pintuan ay humabol pa ito ng huling salita "Kung mang-istalked ka Chain, lubusin mo na para hindi ka nagugulat sa balita.Tsk" Naiiling na sabi ni Ares saka lumabas ng kwarto ko. Napapikit ang ng mariin saka napakuyom ng kamao ko.

"This is not right. No fucking way" Inis na sabi ko sabay dinampot ko yung librong nabitawan ko. Lumapit ako sa bookshelf ko saka ko ibinalik duon yung libro, while on the other hand iniisip ko kung anong gagawin ko. Hearing those words..argh. How I be so stupid. She's beautiful. She has the body. And ofcourse she's a smart one too. How I be so stupid to think na wala siyang boyfriend? Ilang taon na ba siya? My god. I'm so stupid. Iniisip ko pa lang na may kasama siyang iba, eh parang gusto ko nang manapak. Napasapak tuloy ako sa pader ng wala sa oras. Huminga muna ako ng malalim saka ko ipinikit ang mata ko. Nang medyo kumalma na ako eh mabilis kong dinampot yung jacket ko na may hood saka ko isinuot yon bago pa ako makalabas ng kwarto ko.

TYRANT 7: The ManipulatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon