GAME 10: Disappointment

5.1K 114 0
                                        

HAILEY
Hindi ko alam kung anong nangyari pero halos hindi ko na magamit yung cellphone kaya bumili na lang ako ng bago, parang sinira yung cellphone. Nilagyan pa yata ng virus leche. Hindi na ako nagtanong pa sa office para lang dun. Kaya ko naman bumili ng cellphone ko. Nakakaasar lang kasi yung mga files ko. Buti may back-up ako. Phew. Kasalukuyan akong nagsusulat na about sa research ng biglang tumunog yung telepono sa gilid ng kama ko. Napakunot ang noo ko. Agad kong binitiwan yung ginagawa ko para sagutin iyon.

"Hello? Who's this?" Tanong ko. Napakunot ang noo ko sa narinig kong boses.

"Hailey.." Tinig ng Tita ko "You need to--"

"Shut it! I'm not interested. Kung tungkol na naman ito dun sa sinasabi niyong pinangakuan niyo pwes--manigas kayo! I'm not even your daughter para gawin niyo sa akin yon!"

"Hailey! pwed--"

"No! No! Cut the drama tita! Nakakasuka na ngang tawagin pa kitang tita. After what you did to me? and my brother?ha?--this is the last time na tatawag kayo sa akin maliwanag ba?" Sabi ko sabay bagsak ng telepono. Napamura ako ng biglang mapalingon ako sa pintuan. Nanduon pala si wendy at nakikinig.

"Sorry..mukha kasing seryoso ka sa kausap mo eh" sabi nitong nakangiti. Napasabunot ako sa buhok ko sa frustration.

"Uh. Yeah. May nakausap lang kasi akong..kakilala ko" Tipid kong sabi tapos babalik na sana ako sa pagsusulat ng biglang magyaya si wendy.

"Gusto mo mag bar?" Napalingon ako sa sinabi ni Wendy.

"Why not?" Nakangisi kong sagot dito sabay sara ng librong hawak ko pagkatapos kong ibaba yung ballpen ko.

Well, hindi na din naman lingid sa kaalaman ko na may bar sa loob ng school na to kahit medyo ang panget tignan wala naman kasing makakalabas na impormasyon sa loob ng school na to. What you see. What you hear. When you leave. Leave it here ang peg ng school na to which is good in some ways 'some' lang talaga. Kasi mahigpit talaga sila. Dumeretso na ako sa harap ng closet ko saka ako kumuha ng damit na susuotin ko.

Pagdating namin sa bar ay napangiti ako. Seriously? I've never been in such place like this before. Hindi ko na lang sinabi kay Wendy baka mamaya bungangaan pa ako or what eh, dumeretso kami sa bar counter kung nasaan nagseserve ng inumin yung bartender. Agad kami nitong binigyan ng alak na maiinom. Agad ko itong nilagok. Napangiwi ako sa sobrang pait ng lasa at saka parang may gumuhit sa lalamunan ko. Shit. Ano ba naman tong alak na to.

"Easy! Huwag kang maglasing dahil baka hindi kita mabuhat pauwi, alam mo naman na may curfew di ba?" Nakatawang sabi ni Wendy sabay tungga sa baso nito. Nginisian ko ito.

"Sino bang nagsabi sayong magpapabuhat ako sayo?" Sabi kong nakatawa. Natatawang napailing na lang si wendy saka nag-umpisa na kaming uminom.

Kailangan ko munang uminom para medyo makalimutan ko yung problema ko kahit ngayon lang, stress talaga kasi ang inaabot ko kapag tumatawag yung tita kong leche sa buhay ko. Oo leche sila. Silang mga kamag anak pa mismo namin. Sila pa mismo ang sumira sa buhay ko, sa pamilya ko. Hinding hindi ko sila mapapatawad lalo pa sa ginagawa nila ngayon na may pinipilit sila sa aking ipagawa na alam naman nilang ayoko. Mukhang balak pa nila akong ibenta. Oo parang binebenta nila or shall I say pambayad utang?

Matagal na nilang sinira ang buhay ko at hindi ko hahayaang sirain pa nilang ulit ito. Matagal bago ko nabuo ang sarili ko. Bata pa lang ako ng mamatay ang magulang ko sa isang aksidente. They both died. Ako at ang kapatid ko lang ang natira sa pamilya namin. Sobrang bata pa namin non kaya napunta kami sa pangangalaga ng kamag anak namin--my aunt. Then one day, nalaman nilang ang kapatid ko ang mangangalaga sa kompanya at ari arian ng pamilya namin. Sa laki nang ari ariang maiiwan sa amin malamang sa malamang ay nasilaw ang tiyahin namin kaya niya nagawang iwala ang kapatid ko para mapunta sa kanilang pangangalaga ang kayamanang pinaghirapan ng parents namin.

TYRANT 7: The ManipulatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon