#introduction

107 6 0
                                    

Sa marinduque kung saan naninirahan ang mag asawang lorna at edwardo .Sila ay pawang mababait at matulungin sa kapwa.Hindi nila nakakalimutan na magbigay ng charity sa mga tao.Mayaman sila kaya naman perpekto ang buhay nila .Matagal na nilang inaasam asam na magkaroon ng isang babaeng anak.Ngunit hindi sila mabigyan.Religious naman sila.Lahat ginagawa nila para lang mabuntis si lorna.Nagpa-doktor na sila sa mga proffesional pero wala namang nakikita na mali sa mag-asawa,ang sinasabi lang sa kanila ay ang maghintay.

Pero dumaan ang madaming taon hindi pa rin nabubuntis si lorna.

Isang araw dumaan ang malaking sakuna na nakasira sa madaming tao.Dahil sa malaki ang bahay ng pamilya cruz.Hindi sila binaha.Masakit sa mag asawa na makita na madaming namatay na tao,mga bata man o matanda.Wala silang magawa.Hanggang sa may nakita ang mag asawa na isang basket na palutang lutang sa tubig .Nakarinig sila ng iyak sa basket kaya naman sinungkit nila ang basket para makuha nila.Sa araw na iyun hindi parin humuhupa ang baha , nasa 4rth floor sila. 

Matapos nila makuha ang basket nakita nila na may isang babaeng sanggol ang nakalagay na binabalotan ng makapal na lampin na  umiiyak.Kinarga ni lorna ang sanggol para tumigil ito sa pag iyak.

"baby,tahan na..." sabi ni lorna sa bata. Nang tumahan na ang sanggol bigla siyang tumawa dahil natutuwa ang sanggol sa mag asawa .

"honey,nakakatuwa naman dahil napadpad ang sobrang cute na baby dito.Natutuwa ako sakanya." sabi ni edwardo na nahawakan ng sanggol ang hintuturo niya.

"ako din,gusto ko siyang ampunin." sabi ni lorna na ngumingiti sa sanggol na karga pa rin ang sanggol.

"pero honey,baka hanapin siya ng totoo niyang pamilya." sabi ni edwardo.

"hon,sa tingin mo ba buhay pa ang mga magulang niya sa sitwasyon na ito?" tanong ni lorna.

"kung ganon papayag ako.pero ano naman ang ipapangalan mo sa kanya?" tanong ni dwardo.

"magiging masaya ang totoo niyang pamilya kung ipapangalan natin ay kaniyang totoong pangalan." sabi ni lorna.

"ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni edwardo.

ipinakita ni lorna kay edwardo ang lampin na  may nakatatak  na KISSES.

"Simula ngayon baby,kisses cruz na ang magiging tunay mong pangalan." sabi ni lorna sa sanggol. 

Napagdesisyonan ng mag asawa na ampunin nalang ang sanggol at magtungo sa maynila upang doon na magsimula muli.

Super Kisses (KissYong/YongKiss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon