Pagpasok namin ni Kaylee sa kwarto tinangal ko agad iyong isang sapatos ko..
"Oh asan na iyong isang sapatos mo?" tanong ni Kaylee
"Naiwan ko kanina.."
"Naiwan? Tapos kinuha ng prince charming? ganun?"
"Hindi ko alam kung kinuha ba niya..Tumakbo na kasi ako papuntang parking lot wala na akong time balikan iyong sapatos ko.."
"Sinong niya? Ibig sabihin may kasama ka talagang prince charming?"
"Mamaya ko na sasabihin sayo..Magbihis na muna tayo.."
Dahil sa wala na akong time para maligo, nagbihis na lang kami agad ni Kaylee..
*tok tok*
"Dad..You're disturbing them..Tulog na sila.."
narinig ko iyong boses ni kuya sa labas ng kwarto..
Kinabahan tuloy ako..Nalaman kaya ni Dad na lumabas kami ni Kaylee?
Inilapit ko iyong tenga ko sa pintuan para marinig ko kung anong isasagot ni Daddy..
"Alright.."
Iyon lang iyong sabi ni Dad..Nabuko kaya kami ni Dad?
Louise sa tingin mo nalaman kaya ng Daddy mo iyong totoo?" tanong ni Kaylee
"Hindi noh..Halika na tulog na tayo.." tapos tinapon ko ang sarili ko sa kama..
"ehh mamaya na Louise, sabihin mo muna iyong nangyari sa;yo kanina.."
"Huwag na..Hindi naman masyado maganda.."
"Sabihin mo na.."
"Cge na nga..Mapilit ka ehh.."
Bumangon ako sa pagkakahiga ko at umupo sa kama ko..Ganun din naman si Kaylee..
"Ganito kasi nangyari..Hinanap ko si Xander..Pero talagang hindi ko siya makita..May biglang umapak ng damit ko kaya ayun natumba ako..Pero tinulungan niya naman ako.. Nong hinawakan niya iyong kamay ko ewan ko lang ha kung imagination ko lang pero parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko..Then he asked me to dance kaya pumayag naman ako.."
"Cinderella talaga peg mo don Louise.."
"hahaha..Feeling ko nga din ako si Cinderella kanina.."
"Kilala mo ba iyong prince charming? Anong pangalan?" tanong ni Kaylee
BINABASA MO ANG
The Princess' Heart (Completed)
Teen FictionLove story of Yumi and Kurt's daughter named Louise Princess Montefalcon..