Dahil nagsalita si Ma'am, lahat kami na nasa dance floor umupo na. Inihatid ako ni Xander sa upuan ko katabi si Kaylee.
"Don lang ako sa kabilang table." sabi ni Xander
Tumango lang naman ako. Sayang iyong chance kanina. Akala ko kasi eh matatanong ko na siya pero umepal si Ma'am. Di bale nalang, may next time pa naman diba?
"Alam mo? Ang bagay niyong dalawa." sabi ni Kaylee habang kumakain parin ng desserts
Hindi parin siya tapos kumain? haha. Si Kaylee talaga oh. Buti nalang at hindi siya tumataba kahit na ang laki ng kinakain niya.
"Hindi ahh." sagot ko kay Kaylee habang tinatago iyong kilig na naramdaman ko
"Bago tayo magstart sa program natin, may special performance muna for tonight. Let's all welcome The Noise. Let's give them around of applause please."
Umakyat naman si Xander kasama iyong mga bandmate niya. Tapos nireaready na nila iyong instruments nila. Hindi pa nga sila nagsisimula pero iyong mga tao dito naghihiyawan na.
Xander. Xander. Xander
Iyong tatlong girls sa harap may dala pa talagang tarpaulin para kay Xander. Hindi ata handa?Feeling ko mas lalong gumagwapo si Xander kapag hawak niya ang gitara niya at kumakanta. Para akong nalulunod sa 16 feet na swimming pool.
Tapos eh nagsimula na sila sa pagkanta nila..
♫ I was only looking for a shortcut home
But it's complicated
So complicated
Somewhere in this city is a road I know
Where we could make it
But maybe there's no making it now ♫As usual nakatitig padin ako kay Xander habang dinadala niya ako sa kabilang daigdig. Sa daigdig na kaming dalawa lang ang andun. Iyong tipong sa amin lang umiikot ang mundo.
♫ Too long we've been denying
Now we're both tired of trying
We hit a wall and we can't get over it
Nothing to relive
It's water under the bridge
You said it, I get it
I guess it is what it isGwapo din naman iyong ibang bandmate ni Xander pero si Xander lang kasi nakikita ng mata ko.
Tahimik lang akong nakaupo dito pero feeling ko dinuduyan na ako ni Xander sa mga ulap.
♫ I was only trying to bury the pain
But I made you cry and I can't stop the crying
Was only trying to save me
But I lost you again
Now there's only lying
Wish I could say it's only me ♫Gusto kong gumaya sa ibang mga students na pumunta sa harapan at tumalon talon. Iyong makikijam talaga sa kanila. Pero dahil hiya mode muna ako ngayon, dito nalang ako. Sa buong performance nila, sa'kin lang tumingin si Xander. Feeling na kung feeling pero iyon talaga iyong feeling ko, sa'kin talaga siya tumitingin.
Pagkatapos ng performance nila bumaba na sila..
BINABASA MO ANG
The Princess' Heart (Completed)
Teen FictionLove story of Yumi and Kurt's daughter named Louise Princess Montefalcon..