Pagkatapos naming mag dinner, umakyat na agad ako sa kwarto ko para makapagpahinga na. Nakilala nadin nila Mommy at Daddy si Misha and sobrang nagustuhan nila ang new baby namin. Balak kong bumili ng kama ni Misha sa susunod na araw para may matutulugan siya, pero ngayong wala pa siyangkama, tabi nalang muna kami matulog.
“Nagustuhan mo ba iyong bagong bahay mo Misha?”
*Meow*
Hahaha. Ang cute talaga ni Misha.
*tok* *tok*
“Princess?”
“Oh pasok Kuya.”
Binuksan ni Kuya iyong pinto at pumasok dala dala ang isang malaking kahon. Iyon na siguro ang binigay ni Kaylee kay Kuya kaninang umaga. Hindi ko mages kung bakit kailangang kay Kuya pa niya ibigay iyong kahon eh pwede namang deretso nalang sa’kin total sa’kin din naman niya ibibigay iyon diba?
“Eto na iyong binigay ni Kaylee. Hindi ko binuksan iyan. Sige lalabas na ako.”
Inilapag ni Kuya iyong kahon sakamako tapos tumalikod na.
“Salamat Kuya.”
“Sa tingin mo Misha ano kayang laman nitong kahon?”
Napaisip tuloy ako kung dapat ko ba talagang buksan iyong kahon. Baka kasi pagbukas ko nito, may lalabas na malaking palaka tapos tatalon sa mukha ko. O hindi naman kay baka pagbukas ko nito may kamao na sasalubong sa’kin. Mahimatay pa ako.
Pero knowing Kaylee, hindi naman siya mapagbiro ng ganyan kaya kinabahan ako. Kasi alam ko may importanteng laman ang kahon na ito.
Dahan-dahan kung binuksan iyong takip ng kahon hanggang bumungad sa’kin ang pamilyar na bagay.
Hindi ko alam kung naghahallucinate lang ako ngayon at hindi talaga totoo itong mga nakikita ko o panaginip lang ang lahat ng ito. Bakit to binigay ni Kaylee sa’kin? At bakit naging dalawa na ito? Hindi ko magets kung ano ba talaga iyong gusto niyang ipaalam sa’kin.
Binuhat ko si Misha para makita din niya kung ano iyong laman ng kahon.
“Misha tignan mo, eto iyong sapatos na sinuot ko nong ball. Pero hindi ko alam kung bakit naging dalawa na’to. Naaalala ko kasi, naiwala ko ito nong paalis ako ng ball.”
BINABASA MO ANG
The Princess' Heart (Completed)
Teen FictionLove story of Yumi and Kurt's daughter named Louise Princess Montefalcon..