Chapter 17: Heart vs Mind

78K 785 76
                                    

“Kaylee..Kaylee..Awatin mo sila..”

“Bakit ako? Awatin mo. Sige na.”

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ang dami ng taong nakapalibot sa’min. Iyong ibang tao feeling ba naman nanonood ng laban ni Pacquiao pano ba naman kasi todo cheer pa.

“MAGSITIGIL NGA KAYONG DALAWA!!!”

Pero iyong dalawa hindi parin magpa-awat. Hala! Ano na? Mag-isip ka Louise. Mag-isip ka.

Parang dejavu lang tong nangyari ngayon. Ganito din sila nong isang beses.

“SABI NG TIGIL!!!!!!”

Iyon na siguro ang pinakahuling tinig na lalabas sa bibig ko.

Hinawakan agad ni Kaylee si Xander papalayo kay Aaron. Hinawakan ko din si Aaron.

“ANO BANG PINAG-AAWAYAN NIYO?” tanong ko sa kanila. Napipikon na talaga ako. Hanggang dito ba naman? Pagkadami daming tao.

Pero wala niisa sa kanila ang sumagot.

“ANO BA??”Paraana akong baliw dito kasisigaw pero wala namang sumasagot sa’kin. Iyong mga tao hindi parin umaalis. Nakikiechos parin.

“Aaron ano ba? Bakit mo sinuntok si Xander?” tanong ni Kaylee

“Siya iyong nauna..” mahinang sagot ni Aaron

“Huwag na huwag ka nang lumapit kay Louise! Upakan ko pa iyang pagmumukha mo! Magtanda ka na!” sagot naman ni Xander

Anong?

Anong ibig niyang sabihin?

Itatanong ko pasanakung anong ibig niyang sabihin kaso nga lang eh tumalikod na siya at iniwan kaming tatlo.

“Xander sandali lang. Hintayin mo ako.” Narinig kong sinabi ni Kaylee habang sinundan niya si Xander

Iyong mga tao, isa isa ng nag alisan.

“Aaron, ano ba kasi ang nangyari?” tanong ko sa kanya

Hindi ko maintindihan kung ano iyong ibig sabihin ni Xander kanina pero alam ko na ako iyong dahilan kung bakit sila nagkasakitan.

“Wala lang.” sagot niya habang pinupunasan niya iyong mga bakas ng dugo sa gilid ng labi niya

“Anong wala lang? Nagsuntukan lang kayo ng walang dahilan? Ako ba niloloko mo Aaron?”

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon