Chapter 19: Stormy Afternoon

81K 784 43
                                    

Lumabas na ako ng school namin. Hindi ko na ata makakaya pa iyong mga nangyari. Akala ko talaga iba si Aaron. Akala ko ako lang iyong nagpapasakit sa kanya. Hindi ko alam na ginawa lang pala iyon dahil sa pustahan.

Pumara agad ako ng taxi.

“Manong, dito nalang po ako.”

Inabot ko na iyong bayad kay Manong at lumabas na ng taxi.

Uuwi nasanaako ng bahay pero biglang nag bago ang isip ko. Kailangan ko munang makapag-isip.

Naghanap ako ng bakanteng mauupuan. Dahil siguro sa binalitang bagyo kaya wala masyadong tao ngayon sa park. Nakahanap agad ako ng mauupuan.

Ang daming mga batang naglalaro dito. Iyong iba nag saslide iyong iba naman nagsiswing samantalang iyong iba naghahabulan.

Kung makakahiling langsanaako ngayon, hihilingin ko na bumalik ulit ako sa pagkabata. Wala kang ibang iisipin kundi ang paglalaro. Kapag nasasaktan ka, iyong sugat lang sa tuhod ang mararamdaman mong sakit dahil sa pagkadapa mo.

Hindi kagaya ngayon. Ang dami mong dapat problemahin. Ang daming nagpapasakit sa’yo.

Bigla nalang may naramdaman akong tubig na dumapo sa likod ng palad ko.

Hindi naman ako umiiyak.

TAKBO!!

 

BILISAN NIYO!!

 

ALIS NA TAYO DITO!!

 

HALIKA NA!!

 

 

Saka ko lang narealize na umuulan pala. Buti nalang talaga at pinaalala ni Kuya sa’kin iyong payong.

Kinuha ko iyong payong sa bag ko. Kailangan ko ng magmadali at baka abutan pa ako ng malakas na ulan.

*WOOOSHHH*

Waaa! Ang lakas na ng hangin. Leshe muntikan ng liparin iyong palda ko. Bakit ba kasi naisipan ko pang mag palda ngayon?

Fuuu!! Nagsimula ng lumakas ang ulan..

Pumara na ako ng pumara ng taxi pero hindi sila humihinto. Siguro may nauna ng pasahero.

Wala pa namang dumadaang jeepney dito.

HINDI!!! Ang lakas na talaga ng ulan. Iyong tipong basang basa na iyong sapatos mo. Feeling mo nga pati iyong mga paa mo sa loob basa na din. T__T

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon