Chapter 22: Misha

78.3K 775 49
                                    


Kararating ko lang ng bahay galing school. Hindi naging maganda iyong araw ko ngayon pero naging okay naman din sa bandang huli.



As expected walang tao sa bahay namin. Pati si Kuya wala. Magkasama na naman siguro sila ni Ate Eli. Umakyat na ako sa kwarto ko at dumeretso ng banyo para maligo.


Iyong feeling na excited ka at pagkalipas ng mahabang panahon makakaligo ka narin ulit. Ang sarap ng tubig. Pakiramdam ko ngayon lang kami nagkakilala ni Mr. Tubig.



Do you remember the nights

We made our way dreaming

Hoping of being

Someone big

We were so young then

We were too crazy

In love

Ang sarap at ang lamig sa pakiramdam. Hindi ko tuloy mapigilan ang kumanta.

When the lights go out

We'll be safe and sound

We'll take control of the world

Like it's all we have to hold on to

And we'll be a dream

Tubig lang pala ang gamot para matanggal iyong masamang vibes sa katawan ko. Try niyo din, kapag uminit ulo niyo, maligo kayo. Hahaha. O kaya buhusan niyo ng malamig na tubig iyong ulo niyo para lumamig.

Hmm...Hmm..



Inabuso ko na talaga iyong tubig. Halos isang oras na akong nagshower. Hindi pa don natatapos ang lahat, nagbabad pa ako sa bath tub.



Iniisip ko iyong mga nangyari kanina. Sino kaya iyong kumuha nong litrato?

Kung sino man gumawa non, isa lang talaga masasabi ko. Ang kitid at ang dumi ng utak niya. Duh! Whore pala ako ha?

Ayoko ng mag-isip ng hindi maganda. Na babadtrip lang ako. Pagkatapos ng dalawang oras na pag muni muni sa bathtub. Umahon na ako at nagbihis. Ang presko na ng pakiramdam ko.



Paglabas ko ng banyo umupo na ako sa harap ng salamin at sinuklayan iyong buhok ko.Paratuloy gusto ko ng magpagupit. Iyong hanggang balikat iyong length. Pero for sure hindi papayag si Daddy. Eh ayaw niya kasing short hair kami ni Mommy kasi babae daw kami. Dapat daw long hair talaga. OA ni Daddy noh?

Simula ngayong araw na ‘to magbabago na ako. Magsisimula na ako ng panibagong kabanata sa buhay ko. Iyong wala akong ibang iniisip kundi ang family ko lang, sarili ko at mga kaibigan ko. Ayoko ng mag-isip ng mga ikasisira ko. Ayoko ng mag-isip ng lovelife ko. At syempre ayoko ng isipin si Xander in a romantic way. Tama na. Ayoko na.

“Fighting!!!”

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon