Chapter 8: Birthday Party

97.4K 955 58
                                    

 Picture of Andrey and Eli ----->

--------------------------

Kinuha ko iyong necklace na binili namin ni Dad sa drawer ko..

Hindi ko pa pala nababayaran 'to kay Daddy..

Binuksan ko iyong box at tinignan ulit iyong necklace..Bagay talaga ito kay Mommy..

May necklace na si Mommy pero gusto ko padin bilhin 'to para sa kanya..

*tok* *tok*

"Princess, magready ka na daw.." rinig kong sabi ni Kuya

"Okay kuya.."

Nilagay ko iyong necklace ulit sa drawer ko..

"Kuya?" sigaw ko pero hindi na sumagot si Kuya..Nakapasok na siguro sa kwarto niya..

Lumabas ako ng kwart ko at pinuntahan si kuya sa room niya..

"tok* *tok*

"Kuya?"

"Pasok" Binuksan ko iyong pinto at pumasok sa room ni kuya..

"May kailangan ka ba?"

"Uhmm..Itatanong ko lang kung ano..Dadalhin mo ba dito iyong nililigawan mo?" 

"Sino? Wala naman akong nililigawan ahh.." 

Ehh? Denial pa talaga si kuya oh..

"Si Ate Eli..Hindi mo dadalhin dito?"

"Susunduin ko siya mamaya pero hindi ko siya nililigawan.."

Tinabihan ko si kuya at pinoke siya sa braso..

*poke*

"Kuya..Sabihin mo nga iyong totoo..Bakla ka ba o torpe ka lang talaga.."

Pero pagkatapos kong sabihin iyon nag-iba na iyong mukha ni Kuya..hahaha..Naging monster na si kuya kaya tumayo ako agad..

"ahhaah...Biro lang yun kuya..O cge ha? Magbibihis na ako.." tapos tumakbo na ako papuntang pintuan at lumabas bago pa ako kainin ng buhay ni Kuya Andrey..

Kahapon kasi habang kumakain kami nasabi ni Kuya na may dadalhin daw siya sa birthday ni Mommy Yumi..Ipapakilala daw niya yun..Eh wala namang ibang bukambibig si Kuya kundi si Ate Eli kaya alam ko na agad na si Ate Eli talaga dadalhin niya dito..

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon