Chapter 52: Note

56.1K 492 30
                                    

Xander’s POV

“Hanggang kailan mo ba ako ikukulong dito Megan?”

“Hanggang sa makasigurado akong magiging akin ka na panghabang buhay.”

“Anong ibig mong sabihin?”

Tanong ko kay Megan dahil hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin don sa sinabi niya.

“Masaya ako dahil hindi mo ako pinahiya sa bisita ko kanina.”

Pag-iiba niya ng usapan habang kinuha niya ang tasa na nakapatong sa lamesa at ininom ang lamang tsaa nito.

“Bakit mo pa kailangang sabihin sa kanya na fiancé mo ako?”

Ibinaba na ni Megan ang tasa ng tsaa niya saka niya ako sinagot.

“Dahil iyon ang totoo Xander.”

“Baka, nakakalimutan mo Megan, hindi kita mahal. Sumama lang ako sa’yo dahil ayokong masaktan si Louise.”

Bigla nalang tumayo si Megan at hinampas ang dalawang palad niya sa mesa. Iba talaga kung magalit itong si Megan, parang dragon na mangangain ng tao, pero kung bigla bigla nalang siyang nagagalit, bigla bigla din naman siyang ngingiti pagkatapos niyang magwala.

Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ng babaeng ito.

“LOUISE! PURO KA NA LANG LOUISE! HINDI MO BA NAIINTINDIHAN XANDER NA AKO ANG NASA HARAP MO AT HINDI SI LOUISE!! AKO!!!!”

 

Mabuti nalang talaga at wala ngayon ang Tatay ni Megan, dahil baka kung ano na naman ang gagawin niya sa’kin dahil sinaktan ko na naman si Megan.

Bakit hindi nila maisip na ako ang mas nasasaktan dito at hindi si Megan. Si Megan ang nagpapasakit sa sarili niya at hindi ako kaya wala silang kasalanan.

“Mahabang storya Xander, marami akong dapat sabihin sa’yo pero wala na tayong sapat na oras. Kailangan mong magpakabait kay Megan, utuhin mo na muna siya. Paasahin mo siya, babalik ako. Babalikan kita….”

 

Naalala ko iyong sinabi ni Eli, tama siya kailangan kong amuhin si Megan. Kailangan ko siyang papaniwalain na mahal ko siya, kailangan kong makaalis dito sa impyernong kulungan na ito.

“I’m sorry Megan..”

Kumalma naman bigla ang mukha ni Megan. Ngayon lang niya narinig ang salitang iyan mula sa bibig ko.

“Tama ka, hindi ko na dapat iniisip si Louise. Ikaw ang kaharap ko ngayon, ikaw ang kasama ko ngayon. I’m sorry, hindi ko na iyon uulitin.”

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon