Chapter 15: A Chance

78.8K 771 47
                                    

 AN: Happy Birthday sa Daddy ko. Masyado pang busy sa bahay namin pero siningit ko ang update.haha..

---------------------------------------

“Easy ka lang Miss. Pangako naming, mabilis lang ‘to.”

Anong?

“TULONG!! TULONG!!”

Inilabas ko na lahat ng boses ko pero parang balewala parin iyon.

“Kahit na anong sigaw mo diyan Miss walang makakarinig sa’yo dito. Kaya sumigaw ka lang hangga’t kaya mo. Hahaha”

Nagtawanan iyong tatlong lalaki. Hinila ako nong dalawang lalaking nakahawak sa’kin hangga’t sa maramdaman ko na iyong bumper ng sasakyan ko sa likod ng mga tuhod ko.

“Kuya, kung gusto niyo po ng pera bibigyan ko po kayo kahit na gano kalaki. Marami po akong pera. Nakikiusap po ako, pakawalan niyo lang po ako.”

Mangiyakngiyak na ako habang nagsasalita.

“Alam mo Miss, hindi lang naman pera iyong kailangan naming. Kailangan din naming ng pagrarausan sa mainit naming katawan. Huwag kang mag-alala, pagkatapos nito, kukunin din naman naming iyong pera mo.”

Bigla nalang nila akong pinahiga sa hood ng kotse ko habang hawak hawak ng dalawang lalaki iyong kamay ko.

“Boss simulan mo na. Kami na man iyong susunod.” Sabi nong isang lalaki habang tumatawa pa

Lumapit sa’kin iyong isang lalaki.

“Huwag kang mag-alala Miss, sisiguraduhin kong mag eenjoy ka sa gagawin natin.”

“TULONG!!! TULUNGAN NIYOPOAKO!!!”

Kailangan kong makawala sa kanilang tatlo. Ayokong matapos ang buhay ko sa ganitong paraan. Ayoko, marami pa akong mga pangarap na dapa tuparin.

Inipon ko lahat ng lakas na meron ako at sinipa iyong lalaking nasa harapan ko sa pinagmamalaking bahagi niya.

“ARAYY!!!!” Bagay nga sa kanya.. Napahawak nalang siya sa parting sinipa ko at nagtalon talon.

“Boss, okay ka lang ba?”

Nabitawan ako nong dalawang lalaking humawak sa’kin kaya tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung san ako makakarating basta ang alam ko kailangan ko lang  tumakbo.

“HABULIN NIYO IYONG BABAE!!” narinig kong sigaw nong lalaking sinipa ko.

Hindi ako pwedeng tumigil. Baka maabutan nila ako at mahuli na naman. Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin nila sa’kin kung mangyari iyon.

Lumiko ako sa kanan. Hindi ko na alam kung anong tamang daan dahil madilim na. Wala pang ilaw iyong mga poste dito.

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon